Chapter 3

2367 Words
IT WAS A very awkward and silent lunch as the two people were just silently watching the little guy eating happily. Ni ang galawin ang pagkaing in-order nila ay walang gumawa. Pareho lang na nakatingin ang dalawa kay Claudio na saganang kumakain. Mukha namang maayos lang ang reaksyon ng lalaki. Seryoso lang itong nanonood sa bawat pagsubo ni Claudio. Kalmado na pinaglalaruan ang kubyertos sa sariling plato kahit na hindi naman inaalis ang tingin kay Claudio. Samantalang hindi naman maikakaila ang kaba sa mukha ni Claudette habang nakatingin sa anak. Habang tumatagal kasi ay lalo lang bumibilis ang pagtibok ng puso niya dahil sa kabang nararamdaman para sa anak. Mula noong makapasok sila sa sasakyan ng lalaki ay hindi na nawala ang kaba sa dibdib niya. Hanggang sa makaupo na nga sila sa lamesang kinauupuan nila ngayon. Pasimple niya kasing tinititigan ang lalaking hanggang ngayon ay hindi niya talaga makilala. Mukhang pareho naman silang nasa business industry, pero hindi niya talaga mamukhaan ang lalaki. Maliban na lamang sa unti-unting pagpansin ni Claudette sa pagkakahawig ni Claudio sa lalaki. Kung noong una ay napagkakamalan na anak ng kaibigan niyang si Zian ang kanyang anak, dahil sa magkapareho nilang kulot na dark brown hair at ang kanilang hazel brown eyes, ay talaga namang mapagkakamalan na mag-ama ang mag-ninong. Pero kapag naman ihahawig ang lalaking nasa harapan niya sa kanyang anak ay masasabi ni Claudette na mas may posibilidad pa na ang lalaking ito ang tunay na ama ni Claudette, dahil nga kuhang-kuha ni Claudio ang malalim na mga mata ng lalaki kung ito'y tumingin. Kung pasisingkitin din siguro katulad ng sa lalaki ang mata ng anak ay baka nga parehong-pareho na ang mata ng dalawa. Kaya naman ngayon ngang nasa harapan niya ang lalaki at sinasabing anak din niya si Claudio ay mas lalong naguluhan ang kanyang isipan. Tandang-tanda pa niya ang mga prosesong dinaanan niya noon nang pirmahan niya ang kontrata tungkol sa pagsasalin sa sinapupunan niya ng sperm na siya mismo ang pumili. At alam din ni Claudette ang mismong mukha ng lalaking napili niya para sa sperm na ipapasok sa kanya dahil kasama sa iilang profile ng mga pagpipilian niya ang mukha ng donor. At hindi naman nalalayo sa naging mukha ng anak niya ang donor na napili niya. Dark brown hair, big hazel eyes, darker color, at ang maliit na labi. Kaya naman nang makita niya ang itsura ni Claudio ng lumaki ay hindi na nagduda pa si Claudette. But seeing the man in front of her, alam ni Claudette na kung ano man ang sasabihin sa kanya ng lalaki ay walang duda na legit iyon at pawang katotohanan lamang. Kumpara sa lalaking napili niya at sa nasa picture, mas malaki ang pagkakahawig ng lalaking nasa harapan niya sa anak. “Mommy, don’t you like the food?” Agad na nabawi ni Claudette ang tingin sa plato sabay tingin kay Claudio. Hindi niya napansin na nakatitig na lang pala siya sa platong nasa harapan, pero hindi naman iyon ginagalaw. “No, I like it. Medyo busog pa si Mommy kaya hindi ako kumakain,” nakangiting sagot ni Claudette sabay pasimpleng tingin sa lalaking nakaupo sa harapan nila. “Then shall we go now? I’m done eating, Mommy.” Hindi naman alam ni Claudette kung ano ang isasagot lalo na ng titigan siya ng anak nang seryoso. Wala sa sariling napatingin ulit siya sa lalaki na mukha namang nakuha na ang kung ano mang ipinahihiwatig ni Claudette. “Hi, Claudio. Can you go to the small playground over there?” seryosong itinuro naman ng lalaki ang dulo ng restaurant kung saan may maliit na playground para sa mga bata. “Your mother and I just need to talk about something that we, olders, need to discuss alone.” Instead of answering the man, Claudio just looked at Claudette with questioning eyes, asking her if he should follow what the man said. Nakabuntong-hininga na napatango na lang si Claudette. “Then call me, Mommy if you’re done talking.” Nginitian muna ni Claudio ang ina bago maingat na tinakbo ang playground. Pagtingin ni Claudette sa lalaki ay nakita niyang tinanguan nito ang isa sa bodyguard na kasama. With a nod also, the man walked away and followed Claudio in the playground. With this kind of security, mukhang nahihinuha na ni Claudette kung sino ang lalaking nasa harapan niya. Kung usapang business lang naman ay may kilala si Claudette na lalaki kung saan hindi lang kilala sa buong Pilipinas, kung ’di maging na rin sa buong mundo. Pero ang mas lalong naging dahilan ng pagiging tanyag nito ay ang private na buhay ng lalaki. Ni isang picture kasi nito ay walang kumakalat sa internet. Kahit pa nga kuha lang ng mga paparazzi ay walang kumakalat. Kumbaga sa artista, siya na ang pinakamalinis na business person sa mundo dahil wala rin itong kahit isang issue, kung mayroon man ay agad iyong nareresolba ng mga tauhan nito. Only the name of the man is enough to make everyone speechless. At isa na roon si Claudette, kung saan ito ang pinakahinahangaan niya lang naman pagdating sa business world. Although she’s nervous and silently excited, katulad ng palaging ginagawa ni Claudette sa harapan ng kanyang mga ka-business partners, pilit niyang pinaseryoso at pinakalma ang mukha. “Tell me first, who are you?” Sa halip na sumagot kaagad ay napaayos lang sa pagkakaupo ang lalaki. Kalmadong ipinatong nito ang isang binti sa isa pang binti. Habang ginagawa naman iyon ng lalaki ay hindi nito inaalis ang mga tingin sa kanya. “I am Raphael Mortiz. The one and only Raphael Mortiz.” At dahil sa inaasahan na niya ang sagot mula sa lalaki ay hindi na mas’yadong nagulat pa si Claudette. Medyo na-excite lang siya, pero pilit niya iyong itinatago sa kanyang mukha. It was her idol after all. Kumbaga sa isang artista, si Raphael Mortiz lang naman ang lalaking hinahangaan ni Claudette mula nang magkaalam siya tungkol sa business at kanilang kumpanya. Katulad kasi ni Claudette ay maaga ring nabuksan ni Raphael ang business world. Sa murang edad na bente ay si Raphael na agad ang may hawak sa ilang company branch nila sa Pilipinas. Sa loob lang ng isang taon ay nagawa na niyang palakihin ang bawat hawak na branch kaya naman noong magbente-uno siya’y agad na ipinasa sa kanya ng ama ang pagiging CEO ng buong Mortiz Conglomerate Industrial and Corporate business. At sa nakalipas na sampung taon ay mas lalo lang niyang pinalaki ang kumpanya ng kanilang pamilya at mas lalong pinalawak ang sakop ng pangalan niya sa industriya. Who wouldn’t idolize a successful man like him? Well, definitely not Claudette. “You don’t seem surprised,” Raphael stated, amused. “I am not. Just a little hunch, that’s it,” agad na sagot naman ni Claudette. “So now, let’s start. Explain to me how are you became the father of Claudio?” deretsahang tanong na ni Claudette. Imbes na sumagot ay tumingin muna si Raphael sa natitirang lalaki sa likuran na may hawak na manipis na attaché case. Dahil sa tingin na iyon ni Raphael ay agad namang naglakad palapit ang lalaki sabay patong ng case sa lamesa. Then the man opened the case facing her, so Claudette immediately saw papers on it. Kasabay ng pag-atras ulit paalis ng lalaki ay ang pag-angat naman ng tingin ni Claudette kay Raphael. “These are some legal papers that I signed when I also applied for the surrogacy of my child. All the details about my contract with the hospitals are all included in that case. From the signed paper of the woman whom I chose to carry my seed, up to the papers about the p*****t. It was all signed by the hospital as a witness of our exchange.” Habang nakikinig sa sinasabi ni Raphael ay seryoso namang kinuha ni Claudette ang lahat ng papeles na nasa attaché case. Isa-isa niyang binasa ang mga iyon, at gaya nga ng sinasabi ni Raphael ay legal papers nga iyon na pirmado ng apat na party. Ang pirma ni Raphael, ang sa babaeng surrogate mother sana, ang head director ng hospital gamit ang pangalan ng hospital mismo, at ang doktor na gagawa ng operasyon. Seeing all those papers, hindi maiwasan ni Claudette na nagtatakang mapatingin kay Raphael. Kung mayroon naman palang legal na prosesong nangyari katulad ng sa kanya ay bakit pilit pa ring ikini-claim ni Raphael na ang anak ni Claudette ay anak din niya. “Those papers inside the brown envelopes are the files that I acquired from the hospital after knowing that the seed that was supposed to be implanted on the woman I pick, was actually misplaced by the hospital and said that the seed in the womb of the woman I pick was not mine. I also learned that the doctor inserted my seed with another woman. And after another series of investigations, I found out that the woman who accidentally got my seed is none other than, and the only Miss of the Bernabe family which is you, Miss Claudette Bernabe.” Mabilis na inisa-isa ni Claudette ang mga papel na hawak niya. Bawat letra na nakapaloob doon ay masuri niyang binasa. Mula sa papel na pinirmahan niya at ng doktora na naka-assign sa kanya, ang papel na sinasabi niyang pirmado naman niya, ng hospital, ng doktora, at ng lalaking pinagmulan ng sperm na ibinaon sa sinapupunan niya. Hanggang sa mga papel na hindi niya maintindihan ang nakasulat. Pero dahil sa mga sinasabi ni Raphael ay nakukuha niya na ang mga nilalaman. Then she stopped on the last two papers. Ang malaking pangalan pa lang na nasa itaas ng papel ay alam na agad ni Claudette kung tungkol saan iyon. It was the DNA test results of her and Raphael, kasama ng kay Claudio. Unang papel ay tungkol sa test niya at ni Claudio. Mabilis siyang napabuntong-hininga nang makita ang positive results niyon. Anak niya nga talaga si Claudio. Then she put the next paper in front of her eyes. It was about Claudio and Raphael. At gaya ng mga naunang result ay positibo rin iyon. Anak nga rin ni Raphael ang anak niya. “Then, when did you find this out? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang tungkol dito? Bakit ngayon mo lang ako nilapitan? Are you planning to take away my son? Alam kong hindi ko kayang talunin ang kumpanya mo, pero hinding-hindi ako magpapatalo sa ’yo. Sa oras na subukan mong kuhanin sa akin ang anak ko, lalaban ako Mr. Mortiz. Kahit kapalit pa n’on ang lahat ng yaman ko,” may pagbabantang sunod-sunod na saad ni Claudette na bigla na lang napatayo. Mukhang nabigla naman si Raphael pero mabilis din iyong nawala. He seriously looked at Claudette who were looking at him with vigilance and conviction. Pero katulad ng simula ay hindi man lang nawala sa pagiging kalmado ang lalaki. Na para bang nakikipag-usap lang ito sa isang business partner. “I know that, Miss Guillermo. That is why I am here to negotiate with you. Because if I wanted to get my son from you, I would already get him as soon as you gave birth to him. But I didn’t, right? So please calm down, Miss Guillermo. Let’s talk about this like a proper business talk.” Napakunot ang noong tinitigan ni Claudette si Raphael. Disgust was clearly shown in her eyes as she looked at Raphael. “My son is not a business, to begin with. I don’t like you treating my son like that, Mr. Mortiz. Because if that’s the case then we don’t have anything to talk about here.” Walang pag-aalinlangan na kinuha ni Claudette ang cellphone at susi na nasa lamesa at saka tumalikod. Pero bago pa man siya makahakbang ay agad na hinarangan siya ng tatlong lalaki. Galit na naikuyom ni Claudette ang mga kamay at marahas na hinarap si Raphael. “Mommy!” Bago pa man siya makasigaw sa lalaki ay narinig na niya ang malakas na sigaw ni Claudio. Sabay na napalingon ang dalawa sa papalapit na si Claudio. Agad namang binura ni Claudette ang galit sa mukha at nginitian ang anak. “Are you okay, Mommy? Are you bullied by these big men?” nag-aalalang tanong ni Claudio sa ina sabay tingin nang masama sa tatlong lalaking humarang sa kanya. Sasagot na sana si Claudette nang tumingin naman nang masama si Claudio kay Raphael na may maliit na ngiti sa labi. “Are you bullying my Mommy? You bad guy! Although you don’t look like a bad guy, but if you really bully my Mom, I will report you to the police! I know their number!” pagbabanta ni Claudio kay Raphael. Raphael just looked at his young son with amusement in his eyes. Then he looked up at Claudette with that little smile. “Don’t worry, Claudio. Mommy’s not being bullied. As if Mommy is that easy to bully. Don’t worry, and go back to the playground. Hindi pa kami tapos mag-usap,” malambing na sabi ni Claudette habang nakangiti kay Claudette. Claudio is a wise kid. Mabilis agad niyang mapapansin ang isang bagay o sitwasyon kapag may mali. And seeing that the man was silent and only his mother who keeps talking, he knew that there was something wrong with the two. Ramdam niya ring galit ang Mommy niya. Pero ang hindi niya malaman ay kung bakit pilit iyong itinatago sa kanya ng ina. Sa huli ay masamang tinitigan niya lang ulit ang lalaki bago nag-aalinlangan na naglakad pabalik sa playground. Pasulyap-sulyap din siya kay Claudette, sinisigurong hindi nga inaaway ang mommy niya. Nang makabalik na si Claudio sa playground ay roon lang muling hinarap ni Claudette si Raphael. Medyo kalmado na siyang naupo ulit sa upuan at seryosong tinitigan si Raphael. “I will give you a chance, Mr. Mortiz. I will let you negotiate with me. Sa oras na may hindi lang talaga ako magustuhang salita sa mga sasabihin mo ay hindi ako magdadalawang-isip na gumawa ng eksena rito makaalis lang kami ng anak ko. So, go on Mr. Mortiz. Tell me what’s on your mind.” to be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD