Chapter Eighteen Expect the Unexpected Margareth Sandoval Unti-unti akong nagising dahil sa pag-uusap ng dalawang tao na base sa boses ay sina Isaiah at Devlin. Hindi ko na kailangan pang dumilat para lang makita na galit sila sa sai't-isa. "You did this to her, Devlin! I can't believe you left your wife for your damn mistress!" galit na bulyaw ni Isaiah. Gusto kong hawakan ang ulo ko dahil nakaramdam ako ng kirot at hindi nakakatulong ang pagsisigawan nilang dalawa. "She's not my f*****g mistress! We're friends, alright? Now let me see my wife, Isaiah." Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahawak sa ulo ko at mapangiwi. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang puting kisame kaagad ang nakita ko. Maya-maya pa ay napalitan ito ng nag-aalalang mukha