Chapter Seventeen The 'Best Friend' Devlin Montgomery Hindi ko ginustong saktan ang asawa ko. HIndi ko naisip na maaring naghihinala siya sa akin dahil sa ilang beses kong pag-uwi ng gabing-gabi. I am not cheating on her, damn it. Pero hindi ko rin maiaalis sa kaniya na mag-isip dahil na rin sa nakaraang karanasan niya. Hanggang sa isang gabi.. "Ilang beses ba kitang ipagtatabuyan, Sarah? Sinabi ko na sa'yo na matagal na tayong tapos at wala akong balak na makipagbalikan sa'yo. I will never cheat on my wife." gigil kong sabi kay Sarah na narito na naman sa opisina ko. Naglalakad na ako papunta sa kotse ko ng bigla siyang sumulpot mula sa kung saan at humarang sa dinaraanan ko. "Come on, Devlin. When I kissed you, you kissed me back. Naramdaman kong mahal mo pa rin ako." she said with