HINDI nga ako nagkamali nang manalo nga ang first year na si Francine mula sa BSBA Department. Siya ang nag-uwi ng korona at bagong Miss HU ng taon. Simula noon ay isa na ako sa mga tagahanga niya pero siyempre ako, tahimik lang ang paghanga sa kanya. Hindi katulad ng iba na lantaran kung magpakita ng kanilang suporta at paghanga. Isang araw pa'y namataan ko siyang nag-iisa sa isang bench sa may tapat ng building nila. Nagwawalis ako sa may bandang artificial garden nang makita kong nahulog ang kanyang panyo at hindi niya napansin iyon. Lalapitan ko na sana para pulutin at isauli sa kanya pero natigilan ako at hindi natuloy nang may nauna nang lumapit. "Francine, sayo yata ito?" "Ah, oo!" Sinauli ng lalaki ang panyo sa kanya. Nginitian niya ito. "Maraming salamat." "So, laying your