"Hahaha. Just kidding! Wala, Ice. Just to cheer you up and start your morning with a wonderful coffee. Tanggapin mo na." marahang ani Evina. Tumango ako at tinanggap nga ang binigay niya. Sayang naman kung tatanggihan at baka ma-offend pa siya, isa pa'y blessing na rin ito tatanggihan ko pa ba! Pupwede na nga itong pangbara sa kalamnan kahit hanggang hindi na magtanghalian mamaya para naman makatipid ako! "Maraming salamat, Evina!" "Pa'no ba 'yan? Una na 'ko sayo at may pasok pa 'ko sa first subject. Bye, Ice!" "Bye!" kumaway pa ako. Nagpatuloy ako sa paglilinis pagkaalis ni Evina at mayamaya pa'y medyo dumarami na ang mga estudyanteng mga dumarating. May iilan na ring mga grupo ng mga kababaihan ang dumaraan at nagpapapansin. "Ayan siya oh! Ang gwapo niya talaga kahit napupunas ng g