I TRIED to free my hand but he's holding it so tight but so gentle, at the same time.
I eyed him my hand and he immediately got my point so he released it.
"Ah, oo nga pala. Sorry," he apologized boyishly.
I smiled even more. Hindi lang siya gwapo, ang cute-cute din niya!
"Hoy, Ice! Bilisan mo na sa pagtatrabaho diyan at doon pa sa CR ay marami ka pang ima-map!"
Nasira ang moment naming dalawa nang biglang magsalita ang superviser niya.
"Ah, pasensya na pero mauuna na muna ako ha," mabait niyang paalam.
Tumango ako. "Sige."
Pinanuod ko ang likod niya nang tunguhin ang CR dala-dala ang map na hawak at makulit na pinag-aakbayan siya ng mga kasamahan niya at pinagtatanong ng patungkol sa akin.
Narinig ko naman na tinawanan lamang niya ang mga ito. Nakangiti akong umiling at bumalik na sa table namin ng mga kasama ko.
"What was that, Francine? Don't tell me na dahil sa janitor boy na iyon kaya no pansin ka sa mga big-time suitors mo!" akusa ni Tamia.
I just smiled and sat. Hindi ako sumagot. I don't want to explain myself and from the first place, wala naman talaga akong dapat na ii-explain.
The most important thing is that, I am happy right now... all because of the man I just met and Ice is his cool name!
Ice... magiliw na nasambit ko pa sa aking isip.
"Pete's sake, Francine! Are you out of your mind?! No way!" maarte ring dugtong ni Almira.
I still kept quiet, and so Haesel. All I know is I'm just so happy right now!
I was happy from that day on but not until one sunny day na darating ako sa school nang may nagbubugbugang mga lalaki at ang rason? Ako.
"Both of you! Stop it right now!" sigaw ko sa dalawang lalaking halos magpatayan na sa harap ko. Kay aga-aga pa!
Kadarating na kadarating ko pa nga lang ay ganito kaagad ang bubungad sa akin!
"Klarong-klaro, nambabastos ka, pare eh!" Nagpaawat na nga ngunit nagsasagutan pa rin.
"Sinabi ko na kasing nauna ako sa kanya!" Hindi rin patatalo ang isa na kaklase ko pa man din!
"Anong ikaw ang nauna gayong ako ang kanina pang naghihintay sa kanya rito tapos ikaw kadarating mo lang at sasabihin mong nauna ka! Gago!"
I do not remember this other guy but I guess, he's one of those guys who are trying to get my attention.
"Matagal na akong nanliligaw sa kanya! First week pa lang ng classes noon at kaklase ko siya! Hindi pa nga siya Miss HU noon, eh ikaw last week ka lang nag-umpisang magpaangas sa kanya, mas gago ka! Kaya nauna ako sayo!"
"Lincoln, tama na 'yan," saway ko sa kaklase ko.
Totoo ang sinabi niyang matagal na niya akong nililigawan kahit hindi pa ako Miss HU noon ngunit hindi rin ibigsabihin na sang-ayon ako sa kanya dahil kung matagal na siyang nanliligaw, ganoon ko na rin siya katagal na binasted.
"Hindi, Francine. Hayaan mong turuan ko ng leksyon ang lalaking ito nang malaman niya kung saan siya dapat na lumugar!"
Akmang susugod pa ulit siya ngunit mahigpit kong hinawakan sa braso.
"I said enough, Lincoln! Pwede ba, ha! Wala kang dapat na turuan ng leksyon dahil from the very first place ay hindi mo naman ako pag-aari at kung matagal ka nang nanliligaw, alam mo rin na matagal ka nang basted at wala kang pag-asa sa akin!" mahabang litanya ko nang matauhan na. Sorry but I have to be harsh just to stop this mess!
Pinagtitinginan na kami ng mga dumaraang schoolmates tapos yung iba naman ay nakikiusisa pa. Pinalilibutan na rin kami ng viewers na para bang nagsho-shooting kami ng drama-action sa isang pelikula. Just great!
Natigilan naman at parang natauhan bigla si Lincoln. Oh, I'm so sorry but I have to do this and I have to be frank!
"Anong gulo 'to? Anong nangyayari dito? Oh my gosh!" napatakip ng bibig si Almira sa gulat nang kadarating lamang kasama sina Tamia at Haesel at nakita ang basag na mukha ng dalawang lalaking katatapos lang sa pag-aaway.
Maging si Tamia at Haesel ay ganoon din ang reaction.
Masakit na umiling si Lincoln at tinalikuran kami. Lumayo na siya.
"Ayos ka lang ba, Francine? Mabuti na lang at sinabi mo yung totoo sa kanya nang matauhan naman siya sa pagpapanaginip sayo! Buti nga sa kanya!" dalo naman ng isang lalaki sa akin na nasa tono rin ang kayabangan.
Tiningnan ko nga ito. "Who are you?"
"Ah, ako ba? Ako yung nagpadala sayo nung bulaklak the other day. Nagustuhan mo ba? Anyways, ako nga pala si George, from PolSci Department."
He offered me his hand. Hindi ko ito tinanggap bagkus ay tiningnan ko lamang siya ng diretso.
"I'm sorry but I'm not interested. Tigilan mo na ang kalokohang ito," prangka kong sinabi tapos ay nilagpasan ito.
Nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad para lumayo roon. Kay aga-aga ay ganoong eksena ang bubungad sa akin pagkapasok pa lang ng eskwelahan! Nakaka-stress!
"Wait, Franny! Wait for us!" sunod naman kaagad nina Tamia.
Good thing at nagsipagbalik na rin sa kanya-kanyang business ang mga nanunuod at nakikiusisa kanina.
"For the record, 8 AM! Pagkapasok pa lang na pagkapasok sa gate, may nag-aaway kaagad na dalawang lalaki para kay Miss HU; Francine Lazzaro! Ganoon kaaga!" tukso ni Tamia na mukhang natutuwa pa sa nangyari at nasaksihan.
"Ganda!" sunod na rin ni Almira.
"Haba ng hair!" pati si Haesel.
Umiling na lang ako at umirap sa kawalan. Kung yung ibang mga babae ay natutuwa na pinag-aawayan ng mga lalaki, pwes ako hindi! Nai-stress ako sa totoo lang!
Naglalakad kami at patuloy pa rin sa panunukso sa akin ang mga kaibigan ko, hindi ko lang pinapansin at lalong hindi ko na talaga napansin nang namataan ko kung sino ang makakasalubong ko.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Si Ice!
Pakiramdam ko lahat ng stress ko kanina ay biglang nawala dahil sa presence niya.
"Ice!" magiliw kong tawag rito.
Tiningnan niya ako at agarang napangiti nang makita ako. "Francine!"
Like the usual, may dala-dala siyang mahabang walis at naglilinis ng campus kagaya ng mga kasamahan niyang working students dito sa Hamelstun University.
"Papasok na ba kayo sa klase ninyo?" banayad niyang tanong.
Nakakahawa ang pagiging banayad ng maamo niyang mukha na para bang ang magulo kong umaga kanina ay naging banayad na ngayon dahil sa kanya. Ganoon ang epekto niya sa akin.
Tumango ako. "Oo."
"Sige. Take care and study hard!" aniya pa bago kami iniwan dahil magwawalis pa siya ng iba pang mga wawalisin.
Magiliw ko siyang pinanuod sa ginagawa niya. Hindi lang mabait at gwapito, mukha ring napakasipag niya sa buhay!
"Pete! I can't believe you're turning your back to the handsome George and to the hunky Lincoln who are both hot and rich just for that penniless boy!" maarteng irap ni Tamia.