1- "Francine Lazzaro."

1094 Words
(Francine) PILIT kong inaabot ang kapiraso ng papel sa may sanga ng isang punong mangga sa loob ng campus namin. Ito kasi ang bagong pakulo ng isang professor namin sa isang minor subject. Find Me, an outdoor activity. Nakatihin na ako't ayaw pa ring magpakuha ng papel! Isang subok ulit ng pag-abot ay bigla itong nawala dahil may matangkad at mahabang kamay mula sa likod ko ang kumuha nito nang walang kahirap-hirap! Nilingon ko ito at halos matigilan ako sa magiliw na nakangiting lalaki na kumuha ng papel. He looks so handsomely perfect! "Ito oh," marahang aniya sabay bigay sa akin ng papel. Speechless na kinuha ko ito habang nakatitig sa napakagwapo at napakamaamo niyang mukha. Ito yung tipo ng lalaki na parang ang bait-bait at wala kang anumang dapat na ipag-aalala kapag ito ang nakasama mo... "Francine!" Natigilan lamang ako at natilihan sa pagkakatulala nang tinawag na 'ko ng mga kaklase at groupmates ko sa activity. "Ano? Nakita mo na ba?" Tumango ako. Ang tinutukoy nila ay itong papel na hawak ko ngayon. "Good." Binuksan nila ito at nakasulat roon ang number three direction ng hinahanap naming sagot sa solution. "Sa may bleacher daw sa football court. Tara na, guys!" Sumunod na 'ko sa kagrupo ko sa next location namin. Sa paglalakad ay bigla kong naalala yung lalaking matangkad na gwapo na tumulong sa akin kanina. Oo nga pala't hindi pa 'ko nakakapagpasalamat! Umatras ako para bumalik doon sa may punong mangga. Naroon pa rin ang lalaki at pinanunuod kami ng aking mga kasama, banayad siyang nakangiti at nakatingin sa akin habang bumabalik ako palapit sa kanya. "Francine, where are you going?" Natigilan lamang ako nang nilingon ako ng isa sa mga groupmates ko. Mabilis na pinuntahan ako nito at hinila sa kamay. "We don't have much time anymore. Kailangan nating magmadali dahil yung ibang grupo ay mauuna na sa atin!" 'Yon nga, wala akong nagawa kundi ang magpatangay sa aking kaklase. Nagmamadali na rin naman kasi kami. Hindi ko naman ini-expect na nang nasa canteen kami ng mga friends ko kinahapunan dahil vacant namin sa isang subject ay makikita ko ulit doon ang lalaking iyon. "Francine oh. May nagpapabigay na naman sayo." Pagkapasok pa lang namin ng mga kaibigan ko sa canteen ay may bumungad kaagad na schoolmate mula sa ibang department at may dalang bouquet of flowers para umano sa akin. Sino na naman kaya ang nagpapabigay nito! "Wow! Francine, halos everyday na 'yan ha! Haba ng hair mo, girl!" natutuwa at kinikilig na tukso sa akin ng kaibigan kong si Almira. "Sino na naman daw itong bagong suitor and admirer ng aming friendship?" dugtong pa ni Tamia na nagtanong sa napag-utusang magbigay ng bulaklak. "Mula sa PolSci Department." "Oh! No'ng nakaraang araw, mula sa Engineering at Radiology Department, ngayon naman ay mula sa PolSci. Iba!" patuloy ni Tamia. "Well. Hindi na tayo magugulat. Our friend is really bukod na pinagpala!" sabi naman ni Haesel. I silently rolled my eyes in the air. Umiling ako at kinausap ang napag-utusan. "Thanks but no thanks. Pakibalik na lang sa nagpapabigay." 'Yon lang at nilagpasan ko ito. Nauna na ako sa paghahanap ng bakanteng table na pagpupuwestuhan naming magkakaibigan. "Uy eto naman! Sigurado kang ipapabalik mo ito? Alam mo, sayang yung effort nung nagpadala sayo kung sino man siya!" saway sa akin ni Tamia. Hindi ako sumagot at hindi sila nilingon. They know my answer since then when I am staying quiet. My words are final, as well as my silence. I heard my three friends apologized to our schoolmate, pagkatapos ay sinundan na rin ako dito sa table. Isa-isa nilang nilapag ang mga dalang libro at bag sa mesa bago naupo sa tabi ko si Haesel at sa harap naman namin sina Almira at Tamia. "Alam mo, you're so harsh!" opinyon ni Tamia sa akin. I chose not to say a thing. Harsh na kung harsh, kaysa naman bigyan ko ng false hopes yung mga lalaking walang sawang nagpapadala ng kung anu-ano sa akin just to please them! "Oo nga naman, Francine! Hay naku, kung ako lang ang nabiyayaan ng gandang kagaya mo, I will never waste my beauty to reject people especially men," sunod pa ni Almira. Hindi pa rin ako sumagot. That's their opinion, at wala akong magagawa. "Maganda ka rin naman, Almira," si Haesel. Doon ako sang-ayon. Actually, magaganda naman talaga silang tatlo na mga kaibigan ko on their own style and uniqueness. Guess, everybody glows differently. "Well, I know right! But at least, Francine has the higher appeal and charisma in an effortless way!" Nagsasalita pa lang si Tamia ay naagaw bigla ang atensyon ko ng lalaking nagma-map ng sahig sa may kabilang table at nakikipagtawanan sa kapwa niya mga kasamahan sa paglilinis. Yung lalaking tumulong sa akin kanina! Napangiti ako nang wala sa oras habang pinanunuod siyang careless na tumatawa na mas lalo lamang nagpapadagdag sa kanyang taglay na kagwapuhan. "Hey! Are you still listening, Franny?!" Tumayo ako at hindi na namalayan ang sarili, basta natagpuan na lamang na dinadala ako ng mga paa ko palapit sa kanya. "Hey! Where are you going?" Wala akong naririnig. Wala akong ibang nakikita kundi siya lang at ang mga tawa niyang kay sarap na pakinggan. Hindi ko rin halos pansin ang pagsiko sa kanya ng kanyang mga kasama tapos ay nginuso ako para ituro habang naglalakad papalapit sa kanila. Maging siya rin ay natigilan at napatitig sa paglapit ko. Ang tawa niya kanina ay naging matamis na ngiti ngayon. Nagsipag-atras ang mga kasama niya para bigyan ako ng daan na makalapit sa harap niya. "Uhm... ikaw yung lalaking tumulong sa akin kanina 'diba?" magiliw kong tanong. "Ah, oo, pero huwag mo nang iintindihin 'yon, ayos lang sa akin-" "Thank you." I cut him off. "I wasn't able to thank you earlier kasi nagmamadali kami ng mga kaklase ko, so I came here right now to say thank you." Nagkamot siya ng batok, which made him so cute. "Ayos lang. Welcome." I gave him my hand. "I'm-" "Francine," this time he was the one to cut me off and then gave his hand to me. Nagkamayan kami at pakiramdam ko, ang saya-saya kong nahawakan ang kamay niya sa unang pagkakataon. "Kilala mo 'ko?" lalo akong natuwa dahil alam niya ang pangalan ko! He knows me! "Ikaw? Si Francine Lazzaro. Miss Hamelstun University of the Year. Walang hindi nakakakilala sayo," magiliw niyang sagot. So, he really knows me! I'm so happy! "How about you? What's your name?" I asked him this time. "Ice," he answered, still without releasing my hand from his hold.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD