"EVA?" Mahinang katok sa pintong gawa sa kawayan ng silid ni Evanna. Mariin niyang naipikit ang mga mata nang nabosesan ang ama. Hindi pa man siya nakalalapit sa pintuan ay kusa nang bumukas ang pinto.
"Anong sabi ng Senyor?" Magkahalong pagkabalisa at pagkasabik ang naulinigan niya sa tono nito.
Walang gana niyang inilahad ang lahat ng nangyari sa mansiyon. Nang matapos magkuwento, kabadong ngiti ang sumilay sa mga labi ng kanyang ama.
"M-magaling. Magaling, Eva. Huwag kang mag-alala sa mga kapatid mo, nangako naman ang senyor na siya na ang bahala sa inyong lahat."
"Pero itay...ayoko hong-"
"Shh!" Marahas nitong saway. "Pinag-usapan na natin ito hindi ba? Para sa ikabubuti nating lahat ito. Para gumaling si Anton. Para sa...alam mo naman na iyon, 'di ba? Eva, anak...papayag ka bang magkawatak-watak tayo nang dahil lang doon?"
Bumalong ang luha sa kanyang mga mata. Nangayayat na ang kanyang ama. Halos puti na ang mga buhok gayong wala pa ito sa singkuwentang edad. Masipag. Maaruga. Isang huwarang ama. Alam niya iyon, nilang magkakapatid, at ng buong baryo. At ayaw niyang siya ang maging dahilan para mahawi ang reputasyong maingat nitong ipinundar. Nakagat na lang niya ang labi.
"K-kung sana'y buhay pa rin si inay." Naibulong niya sa sarili.
"Pero wala na nga siya, iniwan niya ako." Ang ama naman ang humikbing parang bata.
Agad niya itong nilapitan at niyakap. Hindi niya sinadyang masaling na muli ang kirot sa nangyaring pagyao ng kanilang ina. Nahirapan na naman siyang mapatahan ang ama. Hangga't maari ay ayaw nilang mabanggit ang ina sa kanilang ama dahil ito ang lubos na naapektuhan. Sadyang ganoon nito kamahal ang asawa.
Nagpakawala siya ng hininga. Tumingala sa kisame. "Live with me." Sumagi sa kanyang imahinasyon ang sinabi ng senyor. Muling tumulo ang kanyang mga luha subalit tahimik na umiyak.
"Itay, tuparin n'yo ho sana ang pangako n'yo. Sana sa pagbabalik namin ni Anton ay nagawa na ninyo ang dapat magawa. Ipangako n'yo uli, 'tay."
"O-oo, anak...pangako."
Patawad ho inay...patawarin ho ninyo ako, at saka niya pinakawalan ang paghikbi. Ibinuhos niya ang lahat ng pangamba na nasa dibdib. Bahala na. Bahala na ho kayo sa amin, Diyos ko.
MANILA. Adam took care of everything-from sending Anton to a neurologist, for the expenses and whatever treatment it would need. Evanna was staying at his condo, just the two of them.
"Mr. Joaquin, Dra. Silva will see you now," tawag ng nurse.
Tumayo si Adam mula sa kina-uupuang hard plastic long bench sa waiting area ng opisina ng espesyalista. Sumunod siya sa pinasukang silid ng nurse. Sinalubong siya ng ngiti ng isang babaeng nasa forty's marahil ang edad. May suot itong salamin sa mata at white coat. Nabasa niya ang pangalang Jennifer Silva, MD sa name tag ng coat nito.
"How are you, Mr. Joaquin?" Tumayo ito para kamayan siya. Inabot niya iyon.
"I'm doing just fine, thank you." Umupo siya pagka-upo nito.
"Well, how are you related to the patient?"
"I'm his guardian."
Saglit itong hindi umimik, waring pinag-aaralaan siya. Pagkuwa'y may kinalikot sa computer. "I'm afraid you have to send him to a different specialist."
"Why is that?"
"We suspect him as having a type 2 bipolar. I am referring you this psychiatrist. He is the best in this field. I already called him and sent the test records. He will be expecting you."
"Bipolar?"
"Yes. He will explain everything to you in detail."
"I see. Thank you." Tumayo siya para magpaalam.
Tahimik lang si Anton habang ipinapaliwanag niya ang mga mangyayari. Dahil pursigidong gumaling, hindi na nag-usisa pa si Anton, sumunod na lang ito sa mungkahi ng espesyalitang sumuri dito. Ito na rin mismo ang nagsabing mag-paiwan sa institusyon. Kaya naman pagkahatid dito ay minabuti na ni Adam na bumalik sa condo.
Alam ni Adam na alanganin pa rin si Evanna sa kanya, magkagayon pa man, hindi niya naiwasang masabik na makita ito agad kaya naman nagmadali siya sa pag-drive para maka-uwi na.
"KUMUSTA ho ang lakad ninyo? Nasaan si Anton?" Humangos na sinalubong siya ni Evanna pagkabukas niya sa pinto ng tirahang condo.
"Hey! Be careful." Agad niya itong sinalubong at inalalayang maka-upo sa mahabang kulay puting sofa sa sala. Lumuhod siya sa blue carpeted floor at siniyasat ang paa nitong may benda.
"O-okey lang ho ako, Senyor. Si Anton ho, anong sabi sa ospital?"
Umangat ang kanyang paningin sa itsura nito. Wala sa ayos ang mahabang buhok. Ang lumang bestidang suot nito ay mukhang ilang libong beses nang dumaan sa palo-palo. Subalit ang makinis at maputi nitong mga braso na nakalitaw sa sleeveless dress ang siyang mas pumukaw sa kanyang paningin.
Bago pa niya mapigilan ang sarili, dumapo ang kanyang palad sa balikat nito. Marahan, padulas sa braso at kamay. May kung anong hatid rin ang pinong balahibo nito, na marahan niyang nilaro sa hintuturo.
"S-Senyor?"
Tumigas ang panga niya sa malamyos nitong tinig. Gusto niya pang marinig iyon nang paulit-ulit. "Adam...call me Adam, Evanna."
"Ho?"
"Please?"
"Pero Senyor Adam-"
"Adam. Walang ho, po, o opo. Adam na lang. Say my name, Evanna." Nawala sa sariling idinampi niya ang ituktok ng ilong sa tuhod nito.
Subalit hindi ito umimik. Hindi tuminag. Tanging ang malakas na kabog ng kanilang mga dibdib ang naririnig niya. Tiningnan niya ito sa mukha, halo-halong ekspresyon ang naglalaro roon.
"I want you...so bad it hurts."
Lumunok ito.
"God, Evanna...I want to kiss you."
Nanlaki ang mga mata nito, saka kumurap-kurap, waring 'di mapaniwalaan na muling marinig ang mga katagang iyon.
"I might just really kiss you if you keep on looking at me like that."
Hindi pa rin ito tuminag. Napalunok si Adam habang nakatitig sa mapulang labi nitong naka-awang. Abot niya iyon, isang dukwang, madali lang para sa kanya kung gugustuhin niya. Pero ipinangako niya sa sariling hindi niya ito pipilitin.
Ngumiti siya. Ngiting nagbibiro. Napa-iling. "Just kidding. Natakot ka naman. Huwag kang basta tatakbo gayong sariwa pa ang maga sa paa mo. Kung bakit naman kasi aligaga ka sa pag-aasikaso kay Anton, ikaw tuloy ang napahamak nang bumagsak ang mga libro niya sa paa mo. Lalaki iyon, kaya niyang dalhin ang mga gamit niya." Mahaba niyang litanya.
Isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi nito, waring nahawi ang kaba na kanina lamang ay nakita niya.
"Sa Bipolar Center ko siya dinala. Mas mabuti raw na maiwan muna siya roon ng dalawang araw para sa obserbasyon. Ipinasasabi niyang huwag mo raw siyang alalahanin, ayos lang siya roon. Babalikan natin siya sa susunod na mga araw."
"Talaga ho? Okey lang na bisitahin natin siya?"
"Ho? Hindi ba puwedeng Adam na lang?"
Tumikom ang labi nito.
Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya. "Oo, puwedeng-puwede siyang bisitahin." Tumayo siya. "It's past lunchtime, I bet you haven't eaten your lunch, have you?"
Umiling ito.
"Stay sitted here. Let me see what we have in the fridge."
PINANOOD lang ni Evanna ang pagluluto ng senyor sa kusina. Nakaharap roon ang sofang kina-uupuan niya. Hindi man lang ito nagpalit ng damit, pero nagsuot naman ng itim na apron para kahit paano ay hindi marurumihan ang suot nitong kulay bughaw na poloshirt. Itinupi din nito ang mga manggas hanggang siko.
Adam...Adam...paulit-ulit na sambit ni Evanna sa isipan. Akala niya'y totong hahalikan siya nito kanina. Kung...kung ginawa na lang nito iyon kanina kaysa nagtanong pa, hindi niya talaga alam kung paano magre-react. Magagalit ba siya? Mapipilitang sumang-ayon?
Tumingin si Adam sa kanya. Napapitlag siya nang kumindat ito sabay ngiti bago ibinalik sa niluluto ang atensiyon. Nahawakan niya ang dibdib, hindi...hindi siya magagalit kung hinalikan siya nito. Hindi rin siya mapipilitan lang. Katulad ng ilang kababaehan sa kanila, at marahil kung saan mang lugar ito napadpad at nahalina sa kakisigan nito, hindi na siya kailangan pang pilitin nito.
"Hungry?" Agaw nito sa kanyang atensiyon.
Tumango lang siya.
Adam...kung alam mo lang. Noon pa kita mahal. Noong unang dumating ka sa aming lugar. Noong unang magkasalubong ang ating mga mata. Noong tanungin mo kung ano ang pangalan ko. Noong...noong tanungin mo kung may nobyo na ba ako at ngumiti ka nang sumagot ako ng wala pa. Pero alam kong isa lang ako sa mga babaeng nahuhumaling sa iyo at wala iyong patutunguhan.
"It's almost ready. Two minutes."
Pero kung sa ganitong pagkakataon kita maaangkin, kahit kunwari lang, hayaan mong mahalin kita sa sarili kong paraan. Patawarin ko ako. Mahal kita. Mahal kita, Adam!
"And...done!" May tuwa sa mga labing inilapag nito sa mesa ang nilutong chicken carbonara. "My favorite, I'd like you to try it. Huwag kang tatayo, aalalayan kita." Tinanggal nito ang suot na apron saka nga lumapit sa kanya.
Dumukwang ito sa gilid niya, akmang bubuhatin siya. Sa halip na magpa-unlak, pumigil ang kamay niya sa braso nito. Tiningnan niya ito sa mga mata. Napatingin din ito sa kanya. Kaylapit ng kanilang mga mukha sa isa't isa, halos maduling siya.
"Bakit?" His smile never ceased to stir her heart.
Gawa ng puso niyang umiibig, at naghahangad para sa lalaking mahal, handa na siyang ibigay ang lahat dito. "P-puwede mo akong halikan."
She was expecting him to smile wider; to jump for joy; to claim the prize of his victory. Pero kabaligtaran ang nangyari. Nawala ang ngiti sa labi nito at napalitan ng pagkalito.
"Kahit anong gusto mo, gagawin ko. Kahit ano...Adam." Pinahintulutan na niya ito sa kanyang buhay.
Kung maaari lang sumabog ang dibdib niya sa sobrang pagkabog, marahil ay nagkawatak-watak na iyon. Pakiramdam niya'y namanhid ang buo niyang mukha't katawan. Halos mabingi rin siya sa sobrang antisipasyon sa sasabihin nito.
"Let's eat." Sa halip ay sagot nito.
Siya naman ang nalito. Hindi ba siya narinig nito? O baka hindi nito naintindihan ang sinabi niya. "Adam, ang sabi ko-"
"I heard. I heard you, Evanna. But I don't want you to force yourself to do the things you don't mean to."
"Hindi ako napipilitan lang. Bukal sa loob ko ang mga sinabi ko."
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Dahil ba kay Anton?"
Tumango siya. Isa iyon sa mga dahilan.
Tumigas ang panga nito. "He can pay it himself later. He's the one who owe me, he'll have to pay me back by himself."
"Basta. Gusto kong gawin ito. Akala ko ba gusto mo ito? A-ayaw mo na ba?"
"Dahil ayokong mapilitan ka sa ginagawa mo."
"Sinabi kong hindi nga. Gusto ko ito. Lahat ng gagawin mo ay tatanggapin ko."
"Kahit ano?" Tumigas na ang tinig nito, parang may halong galit.
Tumango siya.
"Kahit ang angkinin kita?"
Napalunok siya. Kinabahan. Nag-alinlangan...pero muli lang tumango.