"HUSBAND, you may now kiss the bride," anang pari. Itinaas ni Adam ang puting veil na nakaharang sa mukha ni Evanna. "A-Adam..." bulong ni Evanna. Pero walang reaksiyon ang malamig nitong mga tingin. Sa halip ay mabilis na dumampi ang maikling halik na iginawad nito sa kanyang labi. Narinig niya ang palakpakan ng mga tao sa simbahan pero hindi niya maituon ang atensiyon doon dahil umiikot ang paligid niya. Hindi na niya kayang indahin pa ang pananakit ng ulo. Kanina pa siya nauupusan ng hininga. Mahigpit siyang kumunyapit sa braso ni Adam. "Adam..." muli niyang bulong, pero hindi man lang siya nito pinansin. Kaya naman hinayaan na lamang niyang bumagsak ang sarili sa sahig, habang nilalamon na ng kadiliman ang kanyang buong kamalayan. "EVA! Okey ka na? Anong pakiramdam mo?" Si Matil