"SORRY, Sasha. I've to take this call." Inayos ni Adam ang sarili bago lumayo. "Yes, Attorney Augustus?" Hindi na nagpaligoy pa ang abogado sa kabilang linya. Agad nitong sinabi sa kanya ang pina-imbestiga niyang isyu sa hacienda bago pa man sila nagpa-Manila ni Evanna. Tiim ang bagang na nakinig lang siya, hanggang sa matapos silang mag-usap. Sa lahat ng ayaw niya ay ang mga sinungaling at mapagsamantala. Walang sinuman ang may karapatang manglamang, lalo na't sapat naman ang ipinamamahagi niyang tulong at pasuweldo sa mga trabahador ng hacienda. Para ano pa't naglagay siya ng mga tagapamahala, kung sila rin naman mismo ang sisira sa tiwalang ibinigay niya? Nagpaalam siya kay Sasha para bumalik na sa condo. Kailangan nilang bumalik sa Pasuquin bukas na bukas din. "BAKIT agaran naman?