One ~

2003 Words
"SO, how about it, Adam...pwede ba?" Stella's hand rubbed Adam's thigh and as if that was not enough, she went even higher to his crotch, teasing. "Sure. How much do you need now?" Hindi niya ito nilingon; pinanatili ang atensiyon sa pagmamaneho. Madalang man ang mga sasakyang dumaraan sa kalsada sa gabing iyon, tumingin pa rin si Adam sa rearview mirror kung may sumusunod sa kanya bago lumiko patungo sa kanyang mansiyon. "Ikaw, kung magkano ang kaya mong ibigay." Nang-aakit nitong ngiti. Mahinang tawa ang pinakawalan ni Adam. A slut will always be a slut, and worst, a begging slut, that's what she is, sabi niya sa sa sarili. "Kaya kong ibigay ang kahit ano sa iyo, Stella, pero hindi ko gagawin. Kaya sabihin mo na lang kung magkano ang kailangan mo. Alam mo naman sigurong hindi ako ganoon kagalanteng magbigay." "Hmp! Para namang hindi ka babayaran e." Nagpa-cute pa ito at ngumusong nagmamaktol. Ilang taon na nga ba ito para umakto nang ganoon? Hindi marahil sila nagkakalayo ng edad na nasa bente-nueve. Napa-iling na lang siya. He just wanted to get away from this social climber slut who sticks to him like a venomous leech sucking all his blood dry. "Ito na ang huli, Stella. Hindi ko na sisingilin ang mga nauna mong hiniram. Bayad ko na sa iyo 'yon sa mga panahong kinailangan ko ang katawan mo." "A-Adam?" Hindi ito makapaniwala sa narinig. "You heard it right, sweetheart.... it's over." Walang reaksiyong dugtong pa niya. "Anong akala mo sa 'kin, mukhang pera at iyon lang ang gusto ko sa iyo? Mahal kita!" Kumapit ito nang mahigpit sa kanyang braso. Adam gave away a sarcastic laugh, showing her how obnoxious her confession was. "Really Stella, you can't act so stop your coy and leave at once when the jeep stops. I enjoyed your company though." His lips rose at the corner showing disgusts. "Ang yabang mo! Sino ka ba sa tingin mo? Hindi lang ikaw ang mayaman sa lugar na ito!" Stella quickly retaliated to diminish the embarrassment she felt. Mabilis itong bumaba ng jeep nang iparada niya iyon. "I'm fully aware of that and for your information, I also know that I'm not the only guy you're f*****g in this town so go ahead and find the next d**k that can dig into your slutty pussy." Napasinghap ito sa narinig. Hindi marahil makapaniwalang alam niya lahat ang pinaggagagawa nito kapag nakatalikod na siya. Kung noon nangyari ang ganitong panloloko sa kanya ay baka nasaktan na niya ito pero...iba na siya ngayon. Hindi na siya ang dating basagulero at barumbadong si Rocky. "A-Adam naman, sorry na o, please? I love you naman talaga e." Naging sweet na uli ang boses nitong kanina lang ay nakasigaw. "Pasensiya na pero hindi ikaw ang tipo ng babaeng seseryosohin ko. And you should stop using love as an excuse, nobody will buy it. Doon ka na lang sa matandang kaulayaw mo kagabi. Sa pera ka na niya magpakalunod. Tutal iyon lang din naman ang habol mo." "Adam naman!" Nagpapapadyak ang mga paa nito. "Damn! You're hopeless." Pinagana na niya ang makina ng sasakyan. "Huwag mo akong iiwan dito, ano ba?!" Ngumisi lang siya habang pinasadahan ito ng dismayadong tingin mula ulo hanggang paa. "Use your body, that's how you got me, remember?" Saka niya ito kinindatan. "Tarantado ka talaga!" Hindi na rin ito nakapagpigil pa. Dumampot ito ng isang bato na nakita sa hindi sementadong daanan at akmang ibabato sa kanya pero mabilis na niyang pinaharurot ang sasakyan. INIHINTO ni Adam ang Wrangler jeep sa tapat ng mataas at mabigat na kulay pulang gate na gawa sa bakal. Pinagbuksan siya ng guwardiyang nakatao ngayong gabi tsaka bumati. Pagkatapos bumati ng pabalik ay muli niyang pinaandar ang sasakyan papasok sa malawak na bakuran ng mansiyon ng hacienda Joaquin. Isa ang lumang mansiyon na ito na minana niya sa hindi nakilalang magulang ng namayapang ama noong paslit pa lamang siya. Mapapasakanya lang daw ito nang tuluyan sa kondisyong wala siyang babaguhin at pananatilihin ang mala-kastilang estilo nito. May maluwang na tubuhan sa paligid ng Hacienda Joaquin. May paktoryang pagawaan ng asukal, suka at ilan pang mapapakinabangan mula sa tubo. Sa isang taong pananatili niya rito sa Santa Catalina, napansin niya ang debosyon at sinserong paninilbihan ng mga tauhan kaya naman tinanggap niya ang pamumuno ng negosyo at manatili na roon. "Magandang gabi, Adam." Pagbati ng lalaking caretaker ng mansiyon pagkabukas ng pinto. Matangkad ito na nasa tamang pangangatawan. Pumaibabaw na ang mga puting buhok nito na tama lamang sa edad na sisenta. "Manong Arturo, pasensiya na at ginabi ako, nagising ko pa yata kayo." Bumaba siya ng jeep at humakbang palapit sa matanda. Katulad ng lumang mansiyon, ang pinto ay sadya ring gawa sa isang mamahaling tabla. Maituturing na ring antique iyon, matibay at nanatiling maayos at makintab sa pula nitong kulay na binagayan naman ng kulay gintong seradura. Sa magkabilang gilid ng ikalimang baitang bago ang pinto, may dalawang naglalakihang puting paso na may disenyong mga kerubin na kinatataniman ng potted trees. "Aba, ayos lang naman, sanay na ako at matagal ko ng ginagawa ito kaya bahagi na ito ng buhay ko." Masiglang sagot nito. "Salamat Manong, matulog na kayo at ako na ang magsasara ng gate." "O sige, ikaw ang bahala. Goodnight." "Sige ho." Pinanood niya ang paglakad nito patungo sa quarters area sa likod ng mansiyon kung saan ay nakahiwalay para sa mga maids quarter. AGAD nahiga si Adam sa kama niya pagkatapos maligo. Maaga pa kasi siyang babangon para asikasuhin ang tabasan bukas. Hindi naman kailangan ang presensiya niya roon dahil mayroon siyang katiwala na gumagawa niyon pero mas magiging madali ang proseso kapag naro'n siya. Nakapatay na ang ilaw at latag ang dilim sa kaniyang silid. Wala sa sariling napangiti siya nang may maisip. May isa pa kasing dahilan kung bakit gusto niyang pumaroon sa tubuhan. May gusto siyang makita. Magaan ang loob na ipinikit niya ang mga mata at nasisiyahang natulog. LULAN si Adam ng kanyang jeep papunta sa tubuhan. Tinunghay niya ang 'di gaanong maalikabok na daan dahil sa ulan kagabi. Sampung minuto lamang ang nilakbay niya bago nakarating sa sadyang lugar. Ipinarada niya ang jeep sa gilid ng kalsada. Isang kupas na pantalong maong ang suot niya na tinernuhan ng simpleng puting kamiseta. Naka-rubber shoes lang din siya. Suot na niya ang isang baseball cap at sunglasses. Magkagayon pa man, lalo lamang tumingkad ang matikas na pangangatawan niya. Bumakat maging ang ma-muscles niyang mga braso at tiyan. "SENYOR Adam!" Yuko ng mga magsasaka nang masilayan siyang papalapit sa mga ito. Ibinalik naman niya ang pagbati bago nagpatuloy ang mga ito sa ginagawa. Nakahilera ang mga kalalakihan na may tatlumpo katao para magtulong-tulong sa pagtatabas sa malawak na tubuhan. Nakaparada naman sa kalsada ang dalawang malalaking sasakyan para sa mga tubong matatabas. Nakita niya ang matandang katiwala na siyang namamalakad doon. Nilapitan niya ito. "Mang Gaspar." Lumingon ang tinawag. Nang masino siya'y yumuko ito para magbigay respeto. Inalis pa nito ang suot na sombrero at idinikit sa dibdib. "Senyor Adam." "Kumusta ho ang pagtatabas?" "Maayos naman, Senyor. Maaga kaming nakapagsimula kaya maaga rin kaming matatapos. Siguro bago magdapit-hapon ay nailagak na lahat sa pabrika ang mga tubo." "Mabuti naman. Mukhang wala na yata akong maitutulong kung ganoon?" Iginala niya ang paningin sa paligid. Bawat isa ay abala, ni wala yatang balak magpahinga ang kahit sino. "Hindi naman na ninyo kailangan pang gawin iyan. Alam naman ng lahat dito sa hacienda kung anong klaseng pamamalakad ang ipinapatupad ninyo." "May tiwala naman ako sa kanila, lalo na sa inyo, Mang Gaspar." "S-salamat, Senyor." Yumuko ito para umiwas sa mga titig niya. "Nagpahanda nga pala ako ng pananghalian para sa lahat. Salo-salo na ho tayong mag-" "Salamat na lang, Senyor. Narito na ho ang dalaga kong si Eva para hatiran ako ng pananghalian ko." Putol nito sa sinasabi niya. Nakaramdam ng kakaibang pag-iinit si Adam pagkarinig sa pangalang binanggit ng matandang tauhan. Otomatikong napalingon siya sa gawi ng paningin nito. Nahigit niya ang hininga subalit marahang pinakawalan. Natikom niya ang mga kamay na nakapamulsa sa pantalon. "ITAY, heto na po ang pagkain. Isinali ko na rin 'yong kay Anton dahil dito na siya didiretso para tumulong sa pagtatabas pagkalabas niya ng eskwela," mahinay na tinig ng bagong dating na dalaga. Isang maluwang na kulay asul na baggy pants ang suot nito, itim at kupas na kamiseta na pinatungan ng polong may mahabang manggas. Naka-sombrero rin ito katulad ng sa ama. She needs clothes, pansin niya sa pananamit nito. "Eva, bumati ka kay Senyor Adam." Paalala ng ama nito. Yumuko naman agad ang dalaga. Napansin niya ang pamumula ng mga pisngi nito. "M-magandang tanghali po, Senyor." Tumango lang siya. Hinangin ang mahaba nitong buhok at tumakip sa mukha nito. Hinawi nito iyon at iginilid lahat para ipirmi sa kabilang balikat at doon ipinusod. Nasilayan niya ang maputi nitong batok na napapalibutan ng mumunting balahibo. Gumalaw ang kanyang panga at napalunok. Gusto niya itong lapitan. Isagi ang ilong sa buhok nito para singhutin. Gusto niyang idampi ang mga labi sa batok nito, pababa sa mahaba at makinis nitong leeg. Dumako ang mga mata niya sa dibdib nitong balot na balot ng kamiseta at polo, mukhang malaki iyon, may hubog na tila nagyayabang at kaylambot hawakan. Nanuyo ang lalamunan niya sa imaheng naglalaro sa kanyang isipan. Inaya siya ng mga ito sa may kalakihang kubo kung saan ang pahingahan. Tumango lang siya at sumunod sa mga ito. Nag-offer siyang tulungan ang dalaga sa pagbuhat ng dala nitong basket pero tumanggi ito habang matipid na ngumiti. Hugis puso ang mga labi nitong mamula-mula. Katamtamang tangos ng ilong na binagayan ng maamong mga mata. Natural lang din ang may kakapalan nitong itim na mga kilay. Mas matangkad ito kaysa karaniwan, limang talampakan at anim na pulgada. Katamtamang hubog ng katawan at hugis ng...balakang at puwitan. Nangiti siya sa naiisip. Takpan man o balutan ng kahit anong tela ang katawan nito, nakikinita pa rin niya kung anong ganda ang nagtatago sa mga iyon. Napapalunok siya na tila ba uhaw na uhaw sa isang bagay na hindi niya alam kung paanong papawiin. Gusto niya itong hablutin. Ihiga sa mahabang papag. Hubarin ang mga damit nito at pagmasdan ang katawang ikinukubli. Sisiilin niya ang mga labi nitong naka-awang. Titikman ang laway nitong sigurado siyang matamis sa kanyang panlasa. Sisipsipin niya ang dila nito, tuturuan kung paanong gumanti. Oo. Siya ang magtuturo kay Evanna. Ipalalasap niya ang makamundong kasiyahan. And God forgive him, but he can't stray away from the lust he's committing right now, and right in front of her father. Hindi na niya namalayan ang sariling dibdib na mabilis na humahapyo dahil sa mga naiisip. "SENYOR, ayos lang ho ba kayo?" Agaw pansin ng isang ginang na may katabaan ang katawan at nasa gitnang edad na singkuwenta marahil. "H-ha?" Napalingon siya. May hawak itong isang platong may dahon ng saging sa ibabaw na kinalalagyan ng umuusok pang kanin at piniritong isda at dalawang pulang kamatis. "Para sa inyo, Senyor. Sumalo na ho kayo sa 'min." Ngiti nito sabay abot ng pagkain sa kanya. "A...salamat ho." Kaagad niya iyong tinanggap. "Ayos lang ho ba kayo?" Ulit nito. "Ayos lang Aling Nadia." Kumaway pa siya para manigurado. "Mukhang nanginginig kasi kayo kanina e." "A..." Mahinang tawa ang pinakawalan niya. "Wala ho iyon, may naiisip lang ako." "Ganoon ba. Sige, kainin na ho ninyo iyan habang mainit-init pa." Tukoy nito pakagkain. "Salamat ho uli." Ngumiti niya. Siya ring pagdating ng pagkaing ipinaluto niya sa mga kasamahan niya sa bahay. Ilang bilao ng pansit, prutas at matamis na inumin ang inilapag sa papag. Tuwang-tuwang nagpasalamat ang mga naroroon bago nagsimulang magsikain. Nilingon niya si Evanna, nakangiti rin itong pumila para sumandok ng pansit. Nakita niya ang isang mababaw na dimple sa kaliwang pisngi nito, she really is beautiful! Nasambit niya sa sarili. Saka naman ito napalingon sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Hindi agad siya nakapag-react at nanatili ang mga mata sa kagandahan ng mukhang taglay nito. At si Evanna, natural na lumampas ang mga tingin nito sa kanya, na para bang wala siya roon, at natural ding ibinalik sa mga pagkain, subalit nabawasan na ang mga ngiti sa labi. At nineteen , Evanna looked so innocent and yet so alluring without even exerting an effort. He bedded women when he was still the old him, the old Rocky he was to everyone. He did it for money and security. Young, old, middle aged, but never a teenager. Twenty-eight was the youngest, and only when they hired him to do so. Kaya naman hindi niya maintindihan ang karismang hatid sa kanya ni Evanna. Hindi niya mapigilan ang sariling huwag hangarin ito. Bawat himaymay sa katawan nito ay humahatak sa kanyang kamalayan. At nahihinuha na niya kung ano iyon...he was lusting for her!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD