Pagkauwe ng bahay ay agad na nilantakan ni Samantha ang binili nilang Chickenjoy. Naghanap agad ang dalaga ng toyo, kalamansi at sila para sawsawan ng manok. Nagtataka man ang lalaki ay agad naman syang nagpakuha sa mga kasama sa bahay. Ipinaluto narin nito ang alamang at pinabalatan ang mga santol na binili nila.
"Buurrrp, ahhhh!heaven! Thank you talaga Clark! pagpapasalamat nito sa binata
"You're always welcome. Mukha ngang sarap na sarap ka" natatawang sabi nito.
"Oo, feeling ko isang taon akong di nakakain, hehhe."
"Whatever! Don't forget to take your vitamins okay? Magpapaakyat ako ng tubig sa kwarto mo kasabay nung mga santol"
"Okay, thank you ulit Clark, ayusin ko na mga gamit ko para makauwe narin ako" tuluyan na itong umakyat papunta sa silid na tinutuluyan nito.
Nakaring ng mahihinag katok si Samantha sa pintuan.Agad nyang naamoy ang alamang na bitbit ni Clark.
"Ang bango, bigla nanaman akong nagutom" excited na lumapit si Samantha upang kuhain ang bitbit nito. Agad naman nyang nilantakan ang mga pagkain habang ang binata ay nakangiting pinagmamasdan ang dalaga. Habang kumakain ay biglang nagsalita si Clark.
"Sam, mayroon akong offer sayo" bungad nya
"Hmm, ano un?" nagtatakang tanong ng dalaga
"Marry me" diretsong nakatingin sa kanyang turan ng dalaga
"Huh? joke ba to Clark? Di sya nakakatuwa saka alam mo ung sitwasyon ko"
"I'm dead serious Samantha. Don't worry, I will provide everything, anything for your and the kids. I will also prepare a contract about us. I just want to protect you and the babies" hindi lingid sa kaalaman ni Clark ang sitwasyon ni Samantha.Naikwento nya dito ang nangyare sa kanila ni Patrick. Sinabi nito ang lahat sa binata pati narin sa sakit nya. Ayaw nyang maglihim dito dahil napakabuti nito sa kanya.
"Pero Clark, ayokong saluhin mo ang responsibilidad na ito. Mayaman ka, gwapo, makakakilala kapa ng ng babaeng mas deserving sa'yo
"Pagisipan mo ng maigi Samantha. You know naman na isang tawag mo lang ako. I'll be waiting. You can stay here for a while habang pinagiisipan mo" at lumabas na ito ng silid