Kabanata 12

2105 Words

"ITIGIL mo nga 'yan, Justin. Nakikiliti ako! Akala ko ba malinaw ang usapan natin kagabi na bawal na ang landi?" reklamo ni Shine habang pilit nitong itinutulak ang ulo niya palayo sa leeg nito. "Sorry, nasanay lang ako na ganito tayo sa umaga. At hindi kita nilalandi, naglalambing lang ang bespren mo kaya pagbigyan mo na ako," wika ni Justin habang nakasubsob pa rin ang mukha sa leeg ng dalaga. Nakapulupot ang mga braso niya sa katawan ni Shine at halos nakadagan na ang kanyang katawan sa katawan nito. Kanina pa sila gising pero hindi pa sila umaalis sa kama. Sa katunayan ay kanina pa nito gustong bumangon pero hindi niya lang ito hayaang makawala sa mga bisig niya. Wala namang pasok sa school at wala naman sila masyadong gagawin kundi ang maglinis ng bahay. Sigurado rin siyang nasa tra

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD