"Bakit ba kasi kailangan mo pang bumalik diyan?" Nagmamaktol na naman si Allison.
"Babe, pagtatalunan pa din ba natin ito? Ilang beses ko nang naipaliwanag sa'yo, Kailangan ako ni Lola. Wala na siyang ibang pwedeng makasama dito, at wala na ding mag-aalaga sa kanya" paliwanag ko na naman sa kanya gayung ilang beses na din naman akong nag-explain kahit bago pa ako umuwi.
"Yeah! But we're getting married in eight months. Ang hirap ng magkalayo tayo," Allison is based Singapore while I'm here in Manila for a couples of months to fix some things.
"Babe..just..please understand...hindi ko pwedeng iwan ang lola ng ganito. Alam mo naman na siya na ang nagpalaki sa akin simula nung maulila ako sa magulang nung fifteen years old pa lang ako," si Lola na lang ang natitirang kapamilya ko kaya hindi ko maaatim na pabayaan siya.
"Can't we just get a private nurse for her para makasama niya diyan kung talagang ayaw niyang pumunta dito?" Here we go again. Madali para sa kanya dahil buong pamilya niya ay nagmigrate na sa Singapore kaya wala na siyang naiwan at aalalahanin pa dito.
"You know I can't do that," mariing sabi ko.
Malinaw naman kay Allsion ang mga plano ko. Bumalik lang ako just to convince lola na ibenta na ang ancestral house and property namin sa Laguna and come live with me in Singapore. Pero kahit ilang beses ko siyang kausapin noon ay ayaw niyang pumayag kaya nang magkasakit ito kailan lang ay napilitan na akong umuwi dito sa Pilipinas para kumbinsihin siya ng personal.
"Then why do you have to work there again? May trabaho namang naghihintay sa'yo dito sa company ni dad," katwiran na naman nito.
"Para isipin ni lola that at least I tried to settle here at kapag naipakita kong hindi talaga uubra e baka pumayag na siyang sumama na sa akin pabalik diyan. And you know that I will be working with Ninong John. Pinakiusapan niya akong tumulong muna sa company niya and I owe him a lot. He was a father to me when Papa died," napabuntong hininga na lamang siya.
"Okay..okay..I just..miss you," napangiti ako sa paglalambing niya. We've been together for three years and engaged already. In eight months ay magpapakasal na kami kaya naiintindihan ko ang sentiments niya. But still, I can't leave my lola just like that.
"I miss you too, okay? Huwag ka na kasing magtampo," pag-aalo ko sa kanya.
"Justin, halika na!" Sigaw ni Leo habang papalapit sa akin. Bahagya itong sumilip sa camera upang makita siya ni Allison habang naka video call kami. Sumunod naman sila Ashley, si Mika at ang boyfriend niyang si Albert at sina Thea and Rick na magkasintahan din para mag "Hi" din kay Allison. Barkada ko sila since highschool and college. Si Allison naman ay naging classmate ko sa isang minor subject sa college. Nang makauwi ako dito sa Pilipinas ay agad silang nag-organize ng out of town trip namin. At napili nilang pumunta sa Ilocos. Pero dahil walang gusto at nagbo-volunteer na magdrive dahil nga sa layo, naisip nilang sumama na lang kami sa mga group tours na inorganisa ng kapatid ni Mika na nagtatrabaho sa isang local travel agency.
"Huwag kang mag-alala Allison, aalagaan ko itong si Justin. Ni hindi ko siya hahayaang dapuan ng lamok," pabirong bungad sa kanya ni Leo. Matagal na kaming magkakaibigan kaya palagay na din ang loob ni Allison sa kanila.
"O sige na, mag-iingat kayo sa biyahe," paalam niya sa mga ito "bye babe! I love you!" Muling paalam niya sa akin at tinugon ko naman ng "I love you too".
Nauna na sa pagsakay sa mini bus ang mga kaibigan ko at naapupo ako sa isang bakanteng pwesto para sa dalawang tao. Alam kong sinadya nilang magtabi-tabi dahil walang gusto may makatabing ibang tao kaya dahil naglambing pa si Allison ay ako pa ang nahuli at may makakatabing hindi kilala sa loob ng twelve hours na biyahe by land papunta ng Ilocos.
Naupo ako sa tabi ng bintana. Nakita ko pang sinesensyasan ako ni Leo at inaasar ako dahil mag-isa ako dito sa side ng mini bus. Naisip ko na lamang maglaro ng cellphone habang hindi pa umaalis ang bus at may mga hinihintay pang kasama sa group tour na ito. May tour naman na pwedeng mag eroplano hanggang Laoang Airport at dun na magsimulang magland travel. Pero nagpumilit itong si Mika na magland travel na lang daw kami para mas ma-enjoy namin ang view habang nasa biyahe. Madami dami din kasing dadaanang iba pang probinsya kapag nag land travel kami. Pero alam naman namin na ang totoong dahilan ay para suportahan ang kapatid niya na siyang nag-organize nitong travel ang ito. Pumayag naman kami dahil pagkatapos ng bakasyon na ito ay babalik na naman kami sa kanyang kanyang mga toxic na trabaho sa Maynila.
"Excuse me, may nakaupo ba dito?" Napataas ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa gilid ko. She was wearing a wide and bright smile when she talked to me.
"Hmmm?" Muling tawag niya sa pansin ko bagaman nakangiti dahil sa hindi ko agad na pagsagot.
"Ah..wala" sagot ko nang makabalik ako ulirat.
"Great! Pwede bang tumabi?" Muli niyang tanong na hindi napapalis ang ngiti sa mga labi.
"Ah yeah," I removed my bag to empty the other seat.
"Sorry ha, but I can I sit beside the window? saglit lang akong napaisip para iabsorb ang sinabi niya ngunit agad din naman akong umurong sa kabilang side upang makapasok at makaupo siya sa kaninang pwestong inuupuan ko.
"Thank you!" Malugod na pagpapasalamat niya na ginantihan ko naman ng ngiti din.
"Pst,pst!" Nung una ay hindi ko pa nilingon pero naramdaman ko na lang nang may tumama sa aking malambot na bagay. Nang mapalingon ako ay si Leo pala iyon na binato ako ng popcorn para matawag ang atensyon ko.
Sumenyas siya sa akin na makikipagpalit ng upuan. Sabi na nga ba eh. Basta may magandang babae e magbabago ang isip nito. Kung sa bagay, kahit ako ay napatulala sa magandang smile niya. She has a face of an angel, cherry lips and also very pretty. Maamo ang mukha niya. Nag make face na lang ako kay Leo upang maasar siya. Kanina ay nakikipagpalit ako sa kanya dahil ayaw kong may katabing hindi kilala pero todo tanggi siya. Tapos ngayon gusto niyang magkipagswitch seats dahil may chix?! Haha no way! Binabato niya pa ulit ako ng popcorn pero biglang nag-iba ang mukha niya at lumawak ang ngiti. Nagtaka ako bigla sa pagbabaho ng asal niya. Nang mapalingon ako ay nakatingin na pala sa amin ang katabi kong babae. Kaya pala nagbait-baitan si mokong!
"Your friends?" Tanong nito sa akin pero agad din naming bumaling na sa kanyang cellphone.
"Uhm..yeah, ikaw? Mag-isa ka lang?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Oo eh," sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa cellphone na kinakalikot niya.
"Bakit naman? Traveling alone is sad," I said.
"Only when your purpose is to enjoy, " Sagot niya. " I'm not here to enjoy. I'm here to escape the noisy and toxic city life," she added and smiled again. I didn't answer back. Baka masyado ng personal kung aalamin ko pa kung bakit naman toxic.
Nagsimula nang umandar ang minibus at nanatili na kaming tahimik dalawa. I put on my head phones and tried to sleep while listening to relaxing music. Mahaba habang biyahe pa ito at naisip ko munang matulog. Halos maaabot ko na ang paraiso dahil pabagsak na ang mga mata ko sa antok nang maya maya ay parang nakarinig ako ng mahihinang mga hikbi. I removed my earphones and followed that sound, and it's coming from the girl beside me. Nakatalikod ito sa akin that is why I cannot see her face fully but I know she's sobbing.
"Hey," nag-aalangan pa akong kausapin ito ngunit may kung anong binubulong ang konsensya ko na kausapin ang humihikbing babae sa tabi ko. I slightly tapped her back. Bahagya siyang napaigtad dahil nakita ko ang pagtaas ng kanyang balikat nang tapikin ko siya kahit malumanay naman iyon.
"Hey, sorry...I don't mean to pry but, are you okay?" I asked her hesitantly because I never really liked meddling in someone else's lives. She looked at me with tears in her eyes. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.
"May problema ka ba?" Lalong pang tumulo ang mga luha sa mata niya. Mabuti na lamang at halos lahat ng pasahero dito kasama na ang mga kaibigan ko ay mga nakatulog na din sa biyhe.
"Nothing, it's just that---" hindi niya maituloy ang sasabihin dahil nauunahan siya ng mga luha niya.
"What's wrong?" I don't why but I just felt the responsibility to comfort her.
"It's just that---" She sobbed again.
"Nakakaiyak itong pinapanuod kong Kdrama. Maghihiwalay na sila kasi hindi sila pwede dahil galing sila sa magkaaway na bansa," lalong tumulo ang luha niya. Nang makita ko ang pinapanuod niya ay tungkol yun sa isang south korean girl na aksidenteng napadpad sa North Korea at na inlove sa isang north korean soldier. ‘Yun ang eksena na maghihiwalay na sila habang nasa boundaries sila ng dalawang bansa at may mga nakatutok na baril sa kanila. How did I know that? Nagtrending lang naman ang Kdrama na ito sa buong mundo at maging sa mga social networking sites ay bumabaha sa news feeds ko. Gusto kong mapasapo sa ulo. Yun lang ang iniiyak niya? Seriously?!
"Napanuod mo na ba ito?" She asked me while wiping her tears. I just nodded. Ayokong magverbalize ng sagot dahil baka ma-offend ko siya.
"Nakakaiyak di ba? Sobrang lungkot--" dagdag pa niya. Sh*t! I just gave her a forced smile.
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.