Chapter 7

2000 Words
LUMIPAS ang isang buwan at dumating na nga ang araw na nagpaguho sa kalayaan ni Leon. Nabuntis nito si Chelle kaya hindi na nakawala na pakasalan ang dalaga kahit labag sa loob nito. Isang civil wedding lang ang naganap sa pagitan nilang dalawa. Tanging mga tao sa mansion ng Madrigal lang ang nakakaalam na mag-asawa na ang dalawa. Bumukod na rin si Leon kasama si Chelle sa isa sa kanilang condominium sa may BGC Taguig. Pero kahit nagpakasal na ang dalawa at buntis na si Chelle ay wala pa ring nagbago sa pakitungo ni Leon dito. Sa mansion ay hindi nito kinikibo ang dalaga. Kahit ang sulyapan ito kapag nasa paligid. Nagpatuloy lang si Leon sa buhay nitong happy go lucky. Palaging naiiwan si Chelle sa unit nilang mag-asawa. Ginagawa ang tungkulin nito dahil wala naman silang ibang kasama. Madalas ay nasa labas si Leon. Kasama ang mga kaibigan o kaya kung sino-sinong babae. Wala naman kasing ibang may alam na may asawa na ito. Minsanan lang ito umuwi ng unit nila at palaging lasing. May credit card namang ibinigay ni Mr Madrigal kay Chelle na pagkukunan nito ng mga gagastusin sa mga pangangailangan nila sa unit dahil tiyak ni Mr Madrigal na walang maaasahan si Chelle sa anak nito. Hindi rin nagrereklamo si Chelle kahit higit pa sa katulong ang turing ng asawa nito sa kanya. Hindi na lamang iniintindi ang asawa at ayaw nitong ma-stressed at maapektuhan ang pagbubuntis nito. ISANG gabi. Naalimpungatan si Chelle na marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell ng pinto. Pupungas-pungas pa itong bumangon ng kama. Pasado alauna na rin ng madaling araw. Napasilip ito sa peephole ng pinto at napalunok na masilip doon. . . si Leon. Kaagad nitong binuksan ang pinto na ikinatuod nitong mabungarang lasing na lasing ang asawa at. . . may supistikadang babaeng kayakapan. Parang hangin itong nilagpasan nila Leon at kayakapan nitong babae. Sa laswa ng suot at nakikita na ang pisngi ng pang-upo nito sa iksi ng palda. Kahit ang dibdib nitong hindi kalakihan ay halos lumuwa na sa lalim na vline ng suot nito. Parang kinukurot sa puso si Chelle na napasunod ng tingin sa dalawang naglalambingan. Napapahagikhik pa ang mga itong magkayakap na naghahalikan. Mapait na napangiti si Chelle na tumulo ang luha. Sa ilang linggo nilang mag-asawa ay ngayon ang unang nagdala si Leon ng babae sa kanilang unit. Hindi sila nagtatabi sa kama. At dahil iisa lang ang silid sa unit nila ay. sa sofa natutulog si Chelle. Ang mga damit naman nito ay nakalagay sa laundry room nila. Ayaw kasi ni Leon na ilagay nito sa silid ang mga gamit nito. Parang nananadya pa ang asawa na siniil ang babae sa mga labi at hinubad ang kasuotan habang nasa sala sila. Panay naman ang halinghing ng babae na sarap na sarap sa ginagawa ni Leon dito. Nakatulala si Chelle na nagkulong ng laundry room. Wala naman kasi siyang ibang mapuntahan na hindi makita ang dalawa. Kung sa kusina ay kita pa rin naman ang dalawa sa sala dahil salamin ang dingding. "Aahhh! Aahh! Aahh! Fvck! You're so big, honey! Uhmm! More! More! Aaahh!" Napatakip ng palad sa tainga si Chelle na dinig na dinig nito ang malalakas na halinghing ng babae maging ang salpukan ng kanilang katawan. Bawat ungol ng mga ito ay parang kutsilyong tumatarak sa dibdib nito. Sobrang sakit para sa kanya na ngayon ay naririnig niya mismo kung paano magpaungol ang asawa. Pero kahit siya ang asawa ay wala naman siyang karapatang magreklamo. Pinakasalan nga siya ni Leon para lang sa bata na dala-dala nito. Kapag nakapanganak na siya ay maghihiwalay din sila ni Leon. 'Yon ang naging kondisyon ni Leon bago ito pumayag na magpakasal silang dalawa. Dahil. . . ang bata lang ang aakuhin nito. Pagkatapos nitong magsilang ay lalayo na ito at maiiwan kay Leon ang bata. Impit itong napahagulhol na yakap-yakap ang sarili. Parang basang sisiw na nakasuksok sa gilid na nakasubsob sa kanyang tuhod at umiiyak. Damang-dama niya kung gaano siya kaliit at kababa para sa asawa. Na kahit napaka imposible ay umaasa pa ring. . . mapapaibig din niya ito. NAKATULUGAN ni Chelle ang pag-iyak. Namamanhid at nilalamig ang buong katawan na sa laundry room ito nakatulog habang nakaupo sa sulok. Kahit dama nitong masama ang katawan ay pinilit nitong umarteng normal. Matapos maghilamos ay lumabas na ito ng laundry room at nagtungo ng kusina. Kaagad itong nagtimpla ng gatas sa panginginig ng katawan nito dala ng panghihina at lamig. Napailing na lamang na masulyapan ang dalawa na nasa sofa. Hubo't-hubad na magkayakap at kita ang pagod sa kanila. Matapos nitong nagluto ng agahan ay nagsimula na itong naglinis ng kusina bago lumapit ng sala. Napapaiwas ng tingin sa dalawa sa tuwing mapapasulyap siya sa gawi ng mga ito habang naglilinis ng sala. Nagkalat ang kanilang damit sa sahig maging ang mga condom na ginamit ni Leon. Kung saan-saan na lamang naikalat at may mga gamit ding nabasag ang mga ito. Alam naman ni Chelle na nambababae pa rin si Leon kahit kasal na sila. Pero mas masakit pala kung masasaksihan ng mismong mga mata mo na may ibang pinapaligaya ang asawa mo. At hindi manlang aware sa mararamdaman mo. Hindi namamalayan ni Chelle na lumuluha na pala siya habang tahimik na naglilinis ng sala. Ingat na ingat hwag makalikha ng tunog na ikakagising ng dalawa. Nang matapos na nitong malinisan ang sala ay kinuha na nito ang maruruming damit ni Leon sa silid nito. Naka-lock kasi palagi ang silid ni Leon. Kaya kapag nandidito lang ito saka nakakapasok si Chelle sa silid nito para kunin ang maruruming damit at maglinis na rin ng silid. Magpalit ng mga bedsheet, comforter at kurtina. NAGLALABA ito na maingat kinukusot ang mga white long sleeve polo ni Leon nang marinig nitong gising na ang dalawa. "Honey, pwede bang tumambay na muna dito sa place mo, hmm?" Dinig nitong saad ng maarteng boses ng babae. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa kusina na ang dalawa kaya dinig na dinig ang boses ng mga ito maging ang kalansing ng mga baso at plato sa mesa. "Umalis ka, Nora. Bayad ka na. Hindi ako umuulit ng babae." Walang emosyong pagtataboy ni Leon dito na lihim na ikinangiti ni Chelle. Napakasungit kasi ng pagkakasabi nito na tila hindi nasarapan kaninang madaling araw sa ilang beses nilang pagniniig. "Kainis 'to. I'm Laura. Not Nora. Sa dami ng babae mo napagpapalit palit mo na ang pangalan namin." Dinig nitong reklamo ng babae na ubod ng arte kung magsalita. Naiiling na lamang si Chelle na nagpatuloy sa pagkuskos ng polo ni Leon. "I don't f*****g care what your name is. Umalis ka na nga," masungit na saad ni Leon habang kumakain. "Fine. Kainis ka naman eh." Naiiling namang napasunod ng tingin si Leon sa dalagang nagdadabog na lumabas ng unit nito. Napanguso itong uminom ng juice nito na naigala ang paningin sa kabuoan ng unit. "Chelle?" pagtawag nito sa asawa. Hindi niya kasi ito mahagilap mula kaninang madaling araw na pinagbuksan siya nito. Kaagad namang tumayo si Chelle na nagpunas ng basang-basa nitong mga kamay sa t-shirt nito at lumabas ng laundry room. Nakalimutan tuloy nito na naka-short siya ng maiksi at maluwag na t-shirt. Pero dahil medyo basa na ito ay bumabakat na ang damit sa katawan nito. Lalong-lalo na sa malusog nitong dibdib! "S-sir Leon." Utal nitong sagot. Napalingon si Leon dito na napaawang ng labi. Ngayon kasi ang unang pagkakataon na makita nitong naka-short ang asawa. At kahit may kaluwagan ang damit nito ay kitang. . . malusog din pala ang hinaharap nito. Napalunok ito na nakadama ng kakaibang init at pangangailangan sa katawan kaya kaagad itong nagbawi ng tingin sa asawa. "What are you doing?" walang emosyong tanong nito na nagpatuloy sa pagkain. "Uhm. . . naglalaba po, Sir." "May washing naman ah. Don't you know how to use it?" kunot ang noong tanong ni Leon dahil may mga bula pa ng sabon sa asawa. "Ah, g-ginagamit ko naman po, Sir. Kinukusot ko lang 'yong mga polo mo para hindi masira." Sagot nito na hindi makatingin ng diretso kay Leon. "Tsk. Are you trying to impress me sa pagsusumikap mo? Walang magbabago sa pagtingin ko sa'yo, Chelle. Katulong ka lang sa paningin ko. At pwede ba? Hwag kang magpapagod dahil dala mo ang anak ko," masungit nitong turan na ikinangiti ni Chelle. "O-opo, Sir. Hindi naman po masyado." "Tss." "Bumalik ka na sa loob. Nakakawalang gana makita ang pagmumukha mo," ingos pa ni Leon dito na ikinatango at pilit na ngumiti si Chelle dito. "S-sige po, Sir." Napapayukong bumalik si Chelle ng laundry room at nagpatuloy sa pagkusot sa mga polo ni Leon. Nangingiti itong naglalaba. Ngayon lang kasi ito kinausap ni Leon na maalumanay ang binata. Hindi katulad nitong nagdaan na kung hindi siya kikibuin ay sinisinghalan siya nito. May kung anong parte sa puso nito ang parang hinahaplos na kahit paano ay. . . hindi ito sinungitan ngayon ng asawa. MATAPOS maglaba ni Chelle at magsampay sa kanilang balcony ay naligo na ito. Katulad sa nakasanayan ay nagdi-disguise na muna ito bago lumabas ng banyo. Nag-iingat na baka magkaharap sila bigla ni Leon at mabuko nito ang totoong itsura nito. Kaya naman kahit mag-isa lang siya sa unit ay naka-disguise pa rin ito ng nerd. Habang kumakain ay napagala ng paningin si Chelle sa paligid. Napakatahimik kasi ng unit at wala si Leon sa sala. Napanguso ito na napasulyap sa silid. "Nasa silid kaya siya?" piping usal nito. Matapos kumain at mahugasan ang pinagkainan ay nagtungo ito ng sala. Wala naman na siyang gagawin dahil tapos na itong maglaba at maglinis ng unit. Napapanguso itong binuksan ang malaking flat screen TV na naka-hang sa wall. Yakap ang throw pillow na nanood ng movie. Nag-flash naman sa breaking news ang palabas kung saan sinasabi sa balita ang tungkol sa malaking pagbagsak ng sales ng isa sa kilalang kumpanya dito sa bansa. Ang Montenegro Empire Group of Company! Hindi maintindihan ni Chelle ang sarili pero bumilis bigla ang t***k ng puso nito na mas nilakasan ang volume ng TV! Siya namang paglabas ni Leon mula sa silid at napasulyap sa pinapanood ni Chelle. Kasalukuyan ngayong ini-interview ng mga reporter ang isang matandang business man na si Johannes Montenegro. Sunod-sunod na napapalunok si Chelle na parang hinahaplos siya sa puso at ibang-iba ang bugso ng damdamin nito habang nakamata sa matanda sa TV. "Mr Montenegro, totoo bang hanggang ngayon ay pinapahanap mo pa rin ang nawawala mong apo na sana ay tagapagmana ng kumpanya niyo?" tanong ng isang reporter. Lumungkot ang mukha ng matanda na namuo ang luha. Hindi rin maintindihan ni Chelle ang sarili na tumulo ang luha habang nakatitig sa matanda. "Yeah. Because for me? She's still alive. Habang walang katawan ang dumarating sa mansion namin at magpapatunay na katawan iyon ng minamahal kong apo. Hindi ako maniniwalang patay na siya. Na wala na. . . ang Richelle ko." Sagot ng matanda na napayuko at pasimpleng nagpahid ng luha. "Tsk. Kaya bumabagsak na ang kumpanya niya eh. Anong klaseng mindset 'yan? Inuuna pang hanapin ang apong matagal ng namayapa. Bakit hindi na lang niya tanggaping kinain na ng mabangis na hayop o kaya ng pating sa dagat ang apo niya." Naiiling saad ni Leon na ikinapahid ni Chelle ng luha at napalingon sa asawa. "Kilala mo siya?" "Bakit? Kursunada mo ba siya? Kung sabagay. . . pwede kitang dalhin sa kanya at maging asawa ka niya. Mas bagay kayo sa isa't-isa." Ismid ni Leon na ikinangiwi ni Chelle dito. "Umayos ka nga. Nagtanong lang naman ako." "Tss." Napasunod na lamang ito ng tingin sa asawang bagong ligo na lumabas muli ng unit. Aabutin na naman ito ng ilang araw bago umuwi sa kanya. Napahaplos naman ito sa tyan na napangiti. "Kahit masungit ang Daddy kay Mommy. Ang mahalaga. . . hindi ka niya idadamay, anak." Saad ni Chelle na haplos ang anak nito. "Sana balang araw. . . mapaamo din natin ang Daddy Leon mo, anak ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD