NAALIMPUNGATAN di Chelle sa sunod-sunod na pagkatok ng ina nito sa pinto. Sa kabiglaan ay kaagad itong bumangon na binuksan iyon na ikinagimbal ng ina sa nabungaran!
Dala ng antok ay nakalimutan si Chelle na wala siya maski anong saplot sa katawan at higit sa lahat? Ang nahihimbing na amo sa kama na katulad niya ay wala rin maski isang saplot!
"Chelle!? Ano 'to, ha!?"
Nanggagalaiting bulyaw ng ina nito na ikinagising ng diwa ni Chelle. Nahila nito ang towel na naka-hanger da may pinto na ibinalot sa katawan nito.
"N-nay," nanginginig ang boses nitong sambit.
Napatampal sa noo ang matanda na kita ang panlulumo sa mga mata. Naluluha ito na napasulyap sa anak ng amo na nahihimbing pa rin.
"Magmadali ka. Ayusin mo ang sarili mo. Hindi pwedeng hindi ka panagutan ni Sir Leon sa namagitan sa inyo."
"Pero, Nay. Hwag na po," kaagad nitong tanggi.
"At anong gusto mo? Na ginawa ka lang niyang parausan, ha? Chelle, hindi kita inalagaan para parausan lang ng sinoman. Kahit amo ko pa siya. Ginalaw ka niya. Marapat lang na panindigan ka niya," pagalit nito na ikinagising ni Leon.
"Bakit ba ang ingay?" paos ang boses nitong tanong na napaupo ng kama.
Naniningkit ang mga mata nitong napatitig sa mag-ina na ikinagising ng inaantok nitong diwa na mabungaran ang mga katulong nila!
Bumilis ang t***k ng puso ni Chelle na natuod sa kinatatayuan sa may pinto. Nanatiling nakatalikod kay Leon dahil hindi pa ito nakakapag-disguise!
"Sige na, Chelle anak. Maligo ka na muna doon," saad ng ina nito na ikinatango ni Chelle na lumabas ng silid.
Napasapo sa ulo si Leon na parang masusuka na ma-realize ang mga naganap! Lalo na't kita sa bedsheet ng kama na kinauupuan nito ang bahid ng dugo! Sa isip-isip niya ay parang babaliktad ang mga bituka nito sa katotohanang. . . naikama niya ang nerd nilang bagong katulong!
"Magbihis na po kayo, Sir Leon. Isasama ko kayong iharap sa mga magulang niyo. Hindi ako makakapayag. . . hindi mo pakasalan ang anak ko," malamig na saad ng katulong nilang si Lorna na ikinanganga ni Leon.
"Ano?" halos pabulong tanong nito sa matandang napailing.
"Malinis mong nakuha si Chelle, Sir. Kahit ano pa man ang dahilan niyo? Hindi magbabago ang isip ko. Panagutan mo. . . ang anak ko."
Tumalikod na ito na iniwan ang binatang natutulala. Mabilis na nagbihis si Leon na masama ang loob! Tanda naman niyang may naikama siya kagabi. Pero ang naaalala niya ay napakaganda at sexy ng babae! Birhen pa ito kaya halos hindi niya tantanan!
"Damnit! This can't be!"
Nagdadabog itong lumabas ng silid na tumuloy ng mansion. Lalo tuloy kumikirot ang ulo nito dala ng puyat at hangover sa mga nangyayari! Panay ang hawi nito sa buhok na nag-iigting ang panga.
"Good morning po, Sir," panabay na pagbati sa kanya ng mga katulong nilang nadaanan nito sa dining nila pero hindi niya manlang pinansin ang mga ito.
"Haist. May sumpong na naman ang haring Leon," dinig pa niyang bulong ng isang katulong nila na lalong ikinainit ng ulo nito.
Umakyat ito ng silid sa fifth floor pa ng mansion dahil lahat silang magkakapatid ay akupado ang bawat floor. May elevator naman sila kaya hindi mahirap umakyat at bumaba ng mansion.
Naikuyom nito ang kamao. Hindi matanggap ang nangyari sa kanila ni Chelle kagabi. Para itong matatakasan ng bait sa kaisipang. . . mapapangasawa niya ang nerd na 'yon!
"No. I won't marry her." Matatag nitong saad.
Mariing napapikit na bumabalik sa isipan ang mga naganap kagabi. Pero kahit medyo malabo ang mukha ng babae sa isipan niya ay kita nitong maganda ang babae at sexy! Hindi katulad ni Chelle na pangit at Manang! Kung hindi lang nakagisnan ang dalaga na nandoon sa silid na hubo't-hubad din at tanging towel ang nakabalot sa katawan ay iisipin nitong ibang babae ang nakasiping nito!
Tumuloy ito ng banyo na kaagad nagbabad sa malamig na tubig. Panay ang hilamos nito sa mukha na nakatingala sa shower head. Ninanamnam ang malamig na tubig na bumabagsak sa mukha nito. Kahit paano ay naiibsan ang kirot at bigat ng ulo nito habang nakababad sa malamig na tubig.
"Damn."
Panay ang mura nito na hindi maalis-alis ang nangyari sa kanila ni Chelle kagabi. Kung paano siya nahahayok sa katawan ng dalaga. Kung paano niya halikan ito sa buong katawan lalo na sa mga labi. At ang p********e nitong napakainit at sikip na sarap na sarap niyang binayo.
"s**t!"
Napatampal ito sa noo na napasandal ng glass wall. Parang masusuka na maalalang. . . wala siyang ginamit na maski anong protection! Ilang beses niyang inangkin ang dalaga pero lahat iyon ay ipinutok niya sa loob!
Lahat ng kinakama nito ay binayaran nito at siya ang sinasamba. Siya ang ginigilingan. Higit sa lahat? Meron at meron itong gamit na condom!
"Damn! Hindi pwede!"
Sunod-sunod nitong nasuntok ang salamin sa banyo na nanlilisik ang mga mata. Kahit dumugo na ang kamao nito sa pagkakabasag ng salamin sa lababo niya ay wala itong pakialam. Galit na galit sa sariling kagaguhan! Kung paanong naging maganda at sexy ang isang Manang at nerd na babae sa paningin niya.
"Gano'n na ba ako kalasing kagabi?" asik nito na malalalim ang paghinga.
Mariing napapikit na kinakalma ang sarili. Pero kahit anong pagsisisi nito ay hindi na nito mababago ang katotohanan. Katotohanang. . . ikinama niya si Chelle hindi lang isa kundi paulit-ulit!
MATAPOS maligo ay bumaba na ito ng sala. Simpleng sweat pants at plain black vneck shirt lang ang suot nito pero napakagwapo niyang pagmasdan. Nandidito naman na sa sala ang mga magulang nito. Si Manang Lorna at. . .si Chelle.
Sa nakikita nitong tinginan ng mga ito ay tila nakapag-usap na ang mga ito tungkol sa namagitan sa kanila ni Chelle kagabi. Lumapit ito na naupo sa pang-isahang sofa. Kung saan pinagigitnaan siya ng mga magulang at ang mag-inang Lorna at Chelle.
"Ahem!" napatikhim si Mr Dwight na ikinatuwid nila ng upo.
Maliban kay Leon na nakaangat pa ang paa sa center table nila.
"Leon anak, nakausap ko na si Manang Lorna at Chelle. Gusto ni Manang na panindigan mo ang anak nito. Anong masasabi mo?" saad ng Daddy nito na ikinanguso nitong pinapakibot-kibot.
Napapayuko naman si Chelle na nahihiya sa lahat. Bagong salta palang siya sa mansion pero heto at kay laki na ng nagawa nitong eksena sa mansion ng mga Madrigal. At sa dinami-rami ng binata ni Mr Dwight ay ang mabangis pang si Leon ang nakakama nito!
"Sa tingin niyo ba papayag akong pakasalan ang mangkukulam na 'yan?" sarkastikong sagot nito na ikinaawang ng labi ng mga kaharap.
Mapait na napangiti si Chelle na namuo ang luha. Parang kinukurot na naman ang puso nito sa pang-aalipusta sa kanya ng binata.
"Leon, watch your mouth, anak. Ano ka ba? Hwag ka namang maging bastos. Ilang dekada na nating kasambahay si Manang Lorna dito." Maalumanay na saad ng Daddy nitong ikinangisi lang ni Leon.
"So what? Marami din naman kayong katulong at bodyguard na dekada ng naninilbihan sa inyo, hindi ba? Isa pa. . . Dad, naman. Mag-aasawa ako sa isang nerd pa? Ano 'to? Pipikutin ako?" pabalang sagot nito na ikinahinga ng malalim ng ama.
Tahimik lang naman ang mga babae na nakikinig sa mag-ama. Habang si Chelle ay nanatiling nakayuko. Hiyang-hiya sa mga nangyayari.
"Hijo, nand'yan na 'yan. Ginalaw mo siya. Ano ka ba?" saad ng Daddy nito na ikinangisi nitong nagtaas ng kilay.
"Bakit? Dahil ba naikama ko siya? Dapat ko na rin siyang asawahin, Dad? Eh 'di sana. . . marami kayong asawa ngayon, hindi ba? Kaya ka nga maraming anak sa labas katulad ko dahil maligalig ka rin noong araw. Mana lang ako sa'yo, Dad. Anak mo ako eh. Alangan namang. . . sa kumpare mo ako magmamana, hindi ba?" nakangising asong saad nito sa ama na napipilan.
Mahina itong natawa na napailing.
"Ayo'ko nga siyang pakasalan. Babayaran ko na lang." Saad nito sa matagal-tagal nilang katahimikang lima.
"I'm sorry, Sir Leon, pero. . . pinal na ang desisyon ko. Bilang ina. . . hindi ako makakapayag maagrabyado ang anak ko. Paano na lang kung mabuntis mo si Chelle?" saad ni Lorna na muli nilang ikinatahimik.
"Fine. Kung mabubuntis ko siya? I'll marry her. But it doesn't mean that. . . I will love her and treat her as my wife or even as a mother of my child. Dalhin man niya ang anak at apelyedo ko? Katulong pa rin siya sa paningin ko." Walang emosyong saad nito na iniwan na ang apat sa sala.
"Damn it. Sana lang hindi kita mabuntis na daga ka." Piping usal ni Leon na nagngingitngit ang mga ngipin at nanlilisik na naman ang mga mata na parang mabangis na lion.
Mariin itong napapikit na napatampal sa noo. Ang laking panghihinayang nito na mapag-alamang hindi sa isang napakagandang dalaga siya nakipagsiping kundi. . . sa isang nerd at Manang nilang katulong! Parang babaliktad ang sikmura nito sa kaisipang ikinama at pinagsawaang halikan ang isang katulad ni Chelle! Iisipin niya pa lang na hinalikan ang dalaga ay para na siyang susuka sa pandidiri!