11-5 Pesos "Huy, Kuya! Baka mahipan ka ng hangin. Kanina ka pa tulala diyan?" Pagkagaling ni Frion sa bahay ng pagtatrabahuhan niya para sa formal meet and greet nila ng aalagaan niyang may sakit ay hindi ko na siya makausap. Parang permanente na ang pagtitig niya sa pader naming puno ng post it at mga notes na gamit sa pag-aaral. Nakahiga siya sa maliit na higaan at sapo ang ulo ng magkabilang palad na ginawa niyang unan. "Huy, Frion!" Nakadalawang tawag na ako ng pangalan niya bago siya tumingin sa 'kin. "Bakit?" Nakakunot ang noong pagtingala niya sa akin. Katatapos ko lang magligpit ng pinagkainan namin. Pagkadating niya ay maya dala siyang Lomi na pinagsaluhan naming dalawa. Matapos kumain ay saka parang nahipan ng hangin ang kapatid ko na nakatulala lang sa kawalan. "Anong bakit?