CHAPTER SEVEN

1636 Words
CHAPTER SEVEN Czarina “GRABE! Nag-da-drugs agad ang husga mo? Hindi ba puwedeng overly confident lang?” Ibang level talaga manghusga itong si Clarence. Sa ganda ko na ito! Hindi ba niya nakita na pinaghandaan ko na mabuti itong interview ko na 'to? Itong damit na suot ko kinuha ko pa sa binebenta ko online. Tapos ang make-up ko ay simple lang din, hindi gaya kapag nasa bar ako. Nagpa-gupit pa ako ng buhok at pinaayos ang highlight para naman magmukha akong disente. Effort na effort ako kasi nga may benefit kapag dito ako nagtrabaho. I have an instant protection from Apollo and that's all I want. Ayoko na masaktan ulit at magkapasa dahil lang sa 'di ako nagpakita sa kanya. “Jovelle. Jovelle.” Tawag ni Clarence sa babaeng kausap namin kanina na dali-dali naman pumasok uli sa loob. Lumabas siya kanina para sundin ang utos ni Clarence at wala pa ilang minuto ang nakalipas simula noon. “Attorney, hindi ko pa po natatawag si Atty. Thirdy -” “Is she the last applicant who applied?” tanong ni Clarence doon sa babae. “Yes, po.” Rinig na rinig ko ang malalim na paghinga ni Clarence bago pinaalis si Jovelle ulit at humarap sa akin. “Hindi mo 'man lang ba ako bibigyan ng chance? May experience ako sa pagiging assistant at nasisiguro ko na gagalingan ko sa trabaho ko kapag tinanggap mo ako.” “Assistant sa sari-sari store?” Hindi makapaniwalang basa ni Clarence sa job experience ko. “Sales Representative sa Personal Collections? What the hell is that?” “Ayan ang mahirap ang sa inyong mga rich kid. Trabaho na para sa akin noong high school ako ang mga nabanggit mo.” “Do you know what kind of company this is?” “Law office.” “Alam mo ba kung ano'ng papel ang hahawakan mo?” Umiling ako at muli siyang huminga ng malalim. “Fast learner ako. Na-proved ko na iyon sa 'yo. . . sa ibang bagay nga lang. Pero hindi ka talaga mamomoblema sa akin.” Hindi naman ito ang normal na interview talaga. It's like Clarence's testing me or should I say demotivating me. “You're friends with Jeni Daria, right?” Tumango ako pero dapat pala hindi. Huli na kasi umiling-iling na si Clarence. Lagot na. Mukhang may ideya na siya sa mundo din ni Jeni at kasalanan ko. “Go to her before going home. Get all my deliverables for tomorrow there. Igawa mo ako ng shortlist at isend mo dito sa email ko.” He handed me a calling card where his email is written. Tama ako. Mukhang hinahamon ako nitong si Clarence na akala naman niya'y uurungan ko. “Okay.” Kinuha ko ang card niya saka tumalikod na pero huminto ako nang 'di ko malaman saan ako pupunta. “To your left, near the cafeteria, Miss Guevarra.” Narinig ko na sabi ni Clarence mula sa loob ng conference room. Lumingon ako at ngumiti sa kanya. Ang yabang ko pa kanina pero hindi naman halata na nagpapanggap lang ako na maalam. Dire-diretso akong lumakad ngunit nahintong muli ng makita ko si Congressman Lapid. Shit! Bakit narito ang hukluban na 'to? Mabilis akong nagtakip ng folder sa mukha saka mas mabilis pa na lumakad papunta kung nasaan si Jeni. Hindi niya ako puwede makita pero wala rin naman siya ideya na ako iyong nasa bar. I am wearing a mask. Pero ayoko na masira ang plano at hindi siya ang gagawa noon. I have to be in this place for my protection. I need a De Luna on my side, no matter what happens! “TAPOS ka na?” tanong ni Jeni sa 'kin na sinagot ko lang ng tango. Sinamahan niya ako sa coffee shop na madalas niyang tambayan para tulungan gawin ang pinagagawa ni Clarence. Sinabihan ko siya na kaya ko naman pero heto't nagpilit na tulungan pa rin ako. “Bakit mo ba ito ginawa kung alam mo naman na tine-test ka lang niya? What if hindi ka niya i-hire talaga?” “Sisingilin ko siya para sa effort na ginawa natin. Wala nang libre ngayon, Jeni. Bawat piso, kahit sentimo importante sa mga gaya natin.” “Tingin mo masisingil mo ang isang Atty. John Clarence De Luna?” “Ako pa ba? Hindi mo kasi nakita kanina kung gaano siya ka-amaze sa resume ko.” “Patingin nga ng niyayabang mo na resume!” Inabot ko iyon sa kanya at ang sumunod na narinig ko ay ang malakas na tawa ni Jeni. “Baliw ka talaga, Czarina. Bakit mo ito nilagay sa experience mo?” “Alangan naman na ilagay ko diyan na pokpok ako. Saka trabaho naman talaga iyan. Kumita at napagtapos ko ng high school ang sarili ko dahil diyan.” That was before my mother sold me to Apollo. Pagkatapos ko sa high school, nagkanda-leche-leche na ang buhay ko. At hindi ko babalikan iyon ngayon. Masisira pa itong momentum ko sa pag-ayos ng shortlist ni Clarence. “Ayos na ito. Ang galing mo. Kuha mo agad ang format kahit ilang oras mo lang tiningnan iyong sample.” “Sabi ko naman sa 'yo fast learner ako. Saka 'di ko uurungan iyong lalaking masungit na 'yon.” “Mainit din dugo noon sa akin. May sinabi ka ba sa kanya na tungkol sa alam mo na.” Umiling ako agad. Hindi niya puwede malaman pero tingin ko naman mapapatawad ako ni Jeni. “Huwag ka marupok kahit crush mo iyon.” “Hindi ko na nga crush. Ang sungit-sungit noon.” “May karapatan naman magsungit kasi gwapo.” “Eh? Hindi naman dumagdag sa kagwapohan niya ang pagsusungit.” Tama naman ako sa sinabi ko. “Sino si Dean at Ellary?” “Mga anak niya.” Umawang ang labi ko pagkarinig sa sinabi ni Jeni sa akin. “He was married twice but none of them survived. Single father siya kaya kailangan niya ng assistant para magkaroon ng oras sa mga bata.” “So, referee pala ang role ko?” “Sa kanila ni Dean, yes. Pero kay Ellary, walang problema. She's a sweet and jolly kid.” Nakaka-curious naman ang buhay nitong si Clarence. Bakit hindi ko ito nakita noong nag-search ako tungkol sa kanya? Dalawang beses siya kinasal pero walang naka-survived. What kind of curse casted on him? Who casted him the curse in the first place? Hindi na naman ako makakatulog nito kakaisip. Ugh! MABILIS akong lumakad papasok sa De Luna Empire Estate II. Nagpakita lang ako ng virtual pass at pinapasok na rin ako agad ng mga bantay. Wala akong pinalampas na segundo at tuloy-tuloy ang aking paglakad hanggang sa marating ko ang suite ni Clarence. Hindi ito iyong lugar na pinagdalhan niya sa akin noong nakaraan at ang sabi ni Jeni dito daw nakatira iyong dalawang bata pati na si Clarence. My first task for today is to prepare their breakfast. Pagkatapos ay iyong lunch boxes naman nina Dean at Ellary. Iyon ang mga ni-reply ni Clarence kagabi matapos ko i-send ang shortlist niya. Hindi nga iyon shortlist kasi napaka-dami niyang gagawin ngayong araw. Pero labas na ako doon at hindi pa naman kumpirmadong tanggap na talaga ako. At least I didn't get any violent reaction from him. Kabado ako noong i-send iyon sa kanya kasi baka mamaya may mali. Ayoko naman magkampante porket sinabi ni Jeni na maayos naman ang gawa ko. Kay Clarence pa rin ang final say ng lahat dahil siya ang magpapasahod sa akin. “Kaya mo ito, Czarina!” Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib saka pumasok na sa suite ni Clarence. As expected, malinis sa paligid, mabango at organize ang mga gamit. Pero may nawawalang element at hindi ko alam kung ano. Hindi naman ako feng shui expert. Although I tried roleplaying it before because of Chinese client. Muli akong huminga ng malalim at sinimulan na ang gagawin ko. Una ang almusal ng tatlo kong amo. Walang specific demand pero sinabi ni Clarence ang mga bawal at kung saan may allergy ang mga bata. Tuloy-tuloy ang pagluluto ko hanggang sa iyong lunch boxes na ang aking gagawin. Mabuti na lang marunong magluto kung 'di, malabo na matanggap ako dito. Kailangan na kailangan ko naman itong trabaho na 'to pero hindi dahil sa pera. May iba akong agenda at iyon ay panatilihin akong ligtas. “Who are you?” tanong na pumukaw sa aking ginagawa. Paglingon ko'y bumungad sa akin ang dalawang bulto na nasisiguro ko na sina Dean at Ellary na. “Czarina. Ang pangalan ko ay Czarina.” Pakilala ko. “Dad's new assistant?” tanong ni Ellary. Sasagot na dapat ako ngunit nagsalita si Dean. “Or his new w***e?” Grabe naman itong bata na 'to. Sa suot ko, w***e pa rin ang tingin niya sa akin? Saka nasaan ang manners? Kahit naman hindi maipagmamalaki ang naging trabaho ko sa bar ay wala pa rin siya karapatan na bastusin ako. “Why are you still here? Hindi ka pa ba nakakapirma ng NDA?” “Kuya. . .” narinig ko na mahinang pag-awat ni Ellary kay Dean. “I'm not his w***e, and Miss Ellary was right. I'm your father's new assistant.” Tinapos ko ang pag-pack ng lunch boxes nilang dalawa. “Handa na ang almusal niyo. Kumain na kayo.” “You cooked for us?” Ellary asked, which I answered with a nod. “Whoa! This is the first time. Pati iyong nasa lunch box, niluto mo?” Tumango ako uli. “Ang galing! She's the best, Kuya. Tara kain na tayo.” “Ikaw na lang kumain. Aalis na ako,” Dean said, leaving me and Ellary alone. Anak nga siya ni Clarence. Bugnutin at judgmental. . . Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD