CHAPTER FIVE
Czarina
Present time. . .
SEEING Clarence like this in front of his two children is a dream come true for me. Kasi nasaksihan ko ang ill-fated relationship ng lalaking ito sa dalawang bata. With Dean, most of the time. Si Ellary naman kasi ay marunong magpa-ubaya kapag wala sa mood si Clarence.
But Dean is a different story. De Luna siya at kanino pa ba magmamana ang bata kung 'di kay Clarence rin.
I smiled.
“Do you want to join us later, Tita Cha? Maraming kids ang pupunta sa villa para kumuha ng regalo.” Pukaw na salita ni Ellary sa akin.
Right! They're talking about the gift giving later. Nawala ako sandali sa kasalukuyan dahil inalala ko iyong mga panahon na kakakilala ko pa lang kay Clarence. Hinawi ko ang hibla ng buhok na humarang sa aking mga mata at nakita ko na nakatingin silang tatlo sa 'kin.
“It's a family thing, Ellary,” I said.
“You're a family kaya. 'Di ba po, Daddy?” tanong ni Ellary kay Clarence na nagpatikom sa bibig ko. Pilit akong ngumiti kay Clarence.
“Yes, she's a family, but maybe Czarina needs to be with somebody else for Christmas Eve.”
Huminga ako ng malalim matapos marinig ang sagot ni Clarence.
I'm not with somebody else tonight. Pero kasama ko sina Milo at Ballpen mamaya na mag-Pasko at ilang taon na rin na sila ang ka-date ko. Hindi naman kasi uuwi si Jeni at Ford ngayon kaya mag-isa lang talaga ako mag-ce-celebrate ng Pasko.
“Tita Cha can crash in after midnight. Lolo and Lola are sleeping by then,” suhestyon ni Dean.
Nagkatinginan kami ni Clarence. Mali yata na sumama ako sa lunch date na 'to. Parang umasa lang lalo ang mga bata na magiging maayos kami ni Clarence pero hindi na yata kami pupunta doon. Ang hirap lang kasi tanggihan nina Ellary at Dean. And I've been absent since their father and I separated.
“Kids, let's not pressure, Czarina,” ani Clarence.
“Puwede naman na mag-late Christmas dinner tayo bago ako bumalik sa trabaho,” suhestyon ko na naglagay ng liwanag sa mga mata ni Clarence pati na sa mga bata. “Only if you all don't have prior engagements to attend. Sa 29 ang balik ko sa trabaho.”
Hindi ko alam kailan ulit ako makapapagpahinga pagkatapos ng mahabang flight schedule.
“That's a good idea. What do you think, Dad? Can you clear your schedule that day? Naka-break ka naman po 'di ba?” Excited na excited si Ellary at bakas sa mga mata niya ang antisipasyon.
“I'll talk to Warren later,” tugon ni Clarence na dahilan para mapa-yes si Ellary. Ginulo naman ni Dean ang buhok ng kapatid na naglagay ng ngiti sa mga labi ko. “Hindi ka uuwi sa Isabela?” Baling ni Clarence sa akin na sinagot ko naman ng iling.
“Pahinga muna ako sa pagbiyahe.” Tumango-tango siya at hindi na nagtanong ulit. “Gift giving lang schedule mo ngayon?”
“Yes, I have papers to read after the Christmas Eve celebrations.”
“He loves working even on a holiday.” Sabay na komento nina Dean at Ellary na nagpayuko kay Clarence saka kumamot sa batok.
“Ayos lang iyon. He's a public servant and you two should be proud of him.” Kasi ako proud na proud ako kay Clarence. Gusto ko sabihin sa kanya iyon kaso hindi ko alam paano sasabihin. Ni-umpisahan ay hindi ko rin alam paano. Inalis ko ang ideya sa isip at pansamantalang winaksi iyon. “Kain na tayo bago pa lumamig ang mga ito.” Pag-aya niya sa tatlo na sumunod naman agad.
Tumingin ako uli kay Clarence at nahagip ng mga mata ko ang ngiti sa kanyang labi. Kapareho iyon ng ngiti niya noon na biglaang napakita sa akin. . .
Several years ago. . .
NAGSALUBONG ang mga mata namin ni Clarence at napa-awang agad ang labi ko. Bakit siya narito? Nag-iwas ako ng tingin at luminga-linga para lang hindi halatang nakuha niya ang atensyon ko.
“Tapos ka na ba?” tanong ko bigla kay Jeni. “Alis na tayo -”
“Miss Daria. . .” Lagot na! “I need these files later. Ilagay mo na lang sa opisina ko.”
Nag-iwan ng maliit na papel si Clarence na kinuha naman agad ni Jeni. Eh? Hindi ba niya ako nakita? Wala 'man pagbati sa akin ang mokong na iyon na parang nagkaroon yata ng amnesia. Lumakad palayo si Clarence pagkasabi noon kaya nakahinga ako ng maluwag pero nang lumingon ako'y napansin ko na 'di siya umalis.
“What's that?” Sisilipin ko na dapat kaso mabilis na tinago ni Jeni kaya napairap ako.
“Bawal mo ito makita. Tara na kung kailangan mo na umalis.”
“Ang damot!”
“Sino nga iyong nagpapirma sa 'yo ng NDA?”
“Wala. Kalimutan mo na iyon.”
“Sino ang madamot sa ating dalawa ngayon?” Hindi ako kumibo at tumayo na. Binitbit ko ang bag ko pati na iyong mga grocery na una ko binili bago kinita si Jeni. “Uuwi ka na ba agad? Hindi ka papasok ulit?”
“Hindi. Maghahanap ako ng bilihan ng mga damit na ibebenta sa live ko. May kinita naman ako ng ilang araw sa pagla-live selling.”
“Talagang i-ka-career mo na 'yan?”
“Bagong buhay na.” Hindi makapaniwala anh tingin ni Jeni sa akin na para bang alam na niya naglilibang lang ako. “Yayaman ako dito at magkakaroon ng sarili boutique.”
“Tara na nga. Ang ingay mo na naman.”
Hinila ako ni Jeni palabas ng coffee shop. Nagtawanan kaming dalawa kaya nagtinginan ang lahat sa amin. Para kaming nababaliw na pero iyong nasabi ko talaga ang goal ko. Gusto ko yumaman at magkaroon ng sariling boutique. Iyon na ang bago kong goal ngayon na natutuwa ako pinagkaka-abalahan ko ngayon.
It's like the slightest hope in me was renewed.
Naghiwalay kami ni Jeni sa bus stop na ilang hakbang lang ang layo sa law firm. Uuwi muna ako tapos aalis ulit para mamili naman ng damit na ibebenta ko online.
Nang huminto ang bus sa harap ko, agad akong sumakay ngunit sa pagkadismaya ko'y wala na maupuan. Wala akong choice kung 'di ang tumayo na lang kahit ang dami-dami kong bitbit.
“Excuse me,” anang baritonong tinig na parang narinig ko na kung saan. Agad ako nag-angat ng tingin at muntik pa ako ma-out of balance ng makumpirma iyong hula ko. Mabuti at mabilis na nahawakan ni Clarence ang baywang ko. Nagdala iyon ng kakaibang pakiramdam sa akin at hindi ko maiwasang makadama na parang nakukuryente kapag nadidikit ang balat ko sa balat niya. “Careful,“” he whispered, making me blush in an instant.
Ano ba, Czarina? Teenager ka ba? Nakakainis naman!
“T-thank you -” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil tumayo iyong babae sa harap ko na mukhang nakalimutan na baba na pala siya. Muli ako nabuwal pero 'di ako nasubsob sa sahig kung 'di sa dibdib ni Clarence! “Hala, nadumihan ang damit mo!”
My gosh! Ano ba ito?
Kinapa ko iyong kilay ko at mabilis na sinipat ang aking repleksyon.
“It's fine. Take a seat.” Hindi ko siya sinunod at akto na papalisin iyong itim na mantsa sa kanyang damit ngunit pinigil niya ako. “Just take a seat, miss.”
Sinunod ko na siya at naupo. Agad ko inayos ang kilay ko bago siya ulit binalingan. “Nakalimutan mo na ang pangalan ko?” tanong ko sa kanya. “Nagba-bus ka pala. Akala ko hindi ka marunong mag-commute kasi rich kid ka.”
“In born ka ba na maingay?”
“In born ka ba masungit?” Para kaming sirang dalawa. We forget that we're on a public place. Hindi ko na napigil eh. Kapatol-patol kasi talaga siya. Buti at sa sumunod na bus stop ay bumaba na iyong katabi ko kaya minuwestra ko kay Clarence aa maupo na siya sa tabi ko. “Mamaya ka na lang tumayo ulit kapag may sumakay na senior citizen.”
Hindi siya kumibo bagkus ay umupo na lang na para bang napipilitan pa.
“Ayos lang ba na nadumihan ko ang damit mo?”
“I said it's fine.” Parang hindi naman ayos at halata na may meeting siya. “Bakit ba ang kulit mo?”
“Ang sungit mo naman parang nagtatanong lang,” sabi ko saka umiba ako tingin para hindi na ako ma-bother sa dumi ng damit ni Clarence. Pero bandang huli ay hindi ko pa rin napigilan ang bibig ko na magsalita. “Saan ang lakad mo?”
“I have a meeting to attend to, Czarina.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Natatandaan mo ang pangalan ko. Whoa! Bakit ang ganda pakinggan pag ikaw ang nagsasabi?” Ang babaw ko pero may higit akong kinagulat na ginawa ni Clarence. “Ngumiti ka! Oh my gosh, nag-i-smile ka pala. Infairness, bagay sa 'yo. Keep it up!”
Nginitian ko siya pero wala na ako nakuhang ganti. Hindi na bale. Basta nakita ko na ngumiti siya. He smiled at me! Tama ako, numiti nga siya!
“CZARINA. . .”
“Huh?” Luminga ako sa paligid at pagkatapos ay tinapunan ng tingin ang pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin. “Sorry at nag space out ako. Kulang pa kasi ako sa tulog,” pagdadahilan ko pero ang totoo ay nakapagbaliktanaw na ako.
“Paano ka uuwi?” tanong ni Clarence sa akin. Tapos na kami mag-lunch at heto kinukuha ko na sina Ballpen at Milo pati na rin ang mga pinamili ko.
“Taxi. Meron naman diyan sa labas na masasakyan.” Sinukbit ko ang cat bag sa aking likod saka binaba iyong grocery bag. “Salamat sa lunch, Clarence at Merry Christmas.”
“I can still invite you out, right?”
“Tayong dalawa lang?” Tumango si Clarence. “Kung papayagan ng schedule mo, Senator, wala problema sa akin.” I know it's a date and I didn't hesitate to answer it. “I'll see you three on the 29th.”
Ngumiti ako saka lumakad na palayo sa kanilang tatlo. It's less awkward now than before. Siguro nakatulong na kasama namin ang mga bata ngayon kaysa iyong kagabi. Pero hindi pa rin malinaw saan ba ito tutungo.
Ano na ba ang balak sa amin ng tadhana?