His stare . . NATAPOS na ang huling subject sa umagahan at lunch break na. Nasa canteen na kami ngayon para makakain. Sa bandang kwek-kwek at tempura kami. Ito lang din ang ginawang pananghalian ko. . "Unhealthy ang food mo, Isay." "I know. Ngayon lang 'to promise. Bukas hindi na, kaya huwag mo sabihin kay mommy ha," ngiti ko. "Naku ewan ko sa'yo!" ngiwi niya. . Pinagbawalan akong kumain ni mommy ng mga ganito. Pero minsan kung anong bawal mas masarap 'di ba? . May tumabi sa amin ni Mia. Apat na lalaki sila. Tumikhim si Mia at muntikan ng mabilaukan. Tumitig agad ako sa lalaking nasa tabi ko at nasa at tabi ni Mia. Obviously they're senior high school. Nilapag ng lalaking katabi ang dutchmill drink sa gilid ng plato ko. . Tinitigan ko ulit siya at ngumiti lang din siya sa aki