Throw back muna tayo okay... . Throwback, 3years ago... . . Maingay ang boung auditorium. Nagsisigawan ang maraming tao. Halos lahat mga babae. Tumitili at sumisigaw. . "Savy! Savy!" "Savy! I love you!" . Sa sobrang ingay hindi ko na marinig si Mia. Panay ang tili at hila niya sa akin. Kasama siyang nakikigulo at nakikisigaw sa karamihan. Ayaw ko talagang manood ng school concert, lalo na pag battle of the band. Hindi kasi ako makasabay sa kanila. Pinilit lang kasi ako ni Mia na sumama sa kanya, kaya heto ako ngayon. Nakikisali sa kaguluhan nila. . Unang taon pa lang namin ni Mia sa high school. Naninibago pa ako sa mga nangyayari, pero madali naman akong naka-adjust. . Natapos ang busy na second grading at heto kasiyahan na naman. Wala akong ka alam-alam sa mga banda sa scho