Taray pa more!

1593 Words
Matapos ang ilang minuto, narating niya rin ang bahay ng kanyang lola na nakatirik sa mismong gitna ng bukid. Malawak ang bakuran na napaliligiran ng puno ng manga at puno ng santol. At sa paligid ay naglipana ang alagang hayop tulad ng manok, pabo at pato na tila nakulong sa malawak na bakuran na napalilibutan ng cyclone wire. Wala na ang dating marangyang hitsura nito dahil napaglipasan na ito ng panahon. Kulay abo na halos ang pader ng bahay na dating kulay puti. Natutungkab na rin ang mangilan-ngilan na natitirang pintura nito. Natatandaan niyang may pader na bakod noon ang buong paligid ng bahay pero wala na rin iyon. Tanging bakas na lang ng nagibang pader ang natatanaw niya sa gawing likuran ng bahay. Marahil iyon ang dating sinasabi ng daddy niya na nagiba ng malakas na bagyo ang bakod ng lumang bahay ng lola niya. Sa ibaba ng bahay sa gilid ng hagdanan ay may pahulog na tila ginawang lutuan. Dahil tanaw niya pa ang kalan na gawa sa bato na may nakasalang na kaldero. At sa itaas na bahagi naman nito ay nakasalansan ang mga kahoy na tila panggatong. Napakasimple ng mga bagay na sumalubong sa kanya. Malayong- malayo sa kinagisnan niyang buhay. "Lola! Lola!" tawag niya mula sa gate na gawa rin sa cyclone wire. Nanlaki ang mga mata niya nang ang binatang si Gio ang mismong nagbukas ng gate para sa kanya. "Ikaw?! Dito ka rin pupunta? Bakit binaba mo ko sa bukid? E, may daan naman palang iba." nanggigigil na sabi niya. "Bakit? Close ba tayo?" anito na muling ibinato sa kanya ang linya niya. "Hmp! Hambog!" Padabog na itinulak niya ang ibinukas nitong gate at aksidenteng nasagi ang paa ng binata kaya nagtatarang ito sa sakit. "Buti nga sa'yo!" muling angil niya rito. Sapo ang nagasgas na paa kunot ang noong tinanaw siya ni Gio habang paakyat siya sa itaas ng lumang bahay. "Lola!" muling tawag niya sa matanda. "Apo, nandiyan ka na pala. Ano'ng nangyari sa'yo at naligo ka ng putik?" nag-aalalang tanong ng matanda at dali-daling kumuha ng tuwalya at ibinalabal sa kanya. "Sa bukid po kasi ako pinadaan ng hambog na lalaking inutusan niyong sumundo sa akin." Masama ang mukhang tinapunan niya ng matalim na tingin ang binata na noo’y nakatayo lang at tinatanaw siya mula sa ibaba. Todo ngisi pa ito na tila natutuwa sa hitsura niya. "Hala sige! Maligo ka na roon sa poso," sabi ng lola niya na hindi man lang pinansin ang reklamo niya. Napakunot ang noo niya. "Lola, wala po ba tayong banyo rito?" "Apo, sa poso lang kami naliligo rito. Halika sa ibaba at ituturo ko sa'yo kung paano gamitin ang poso." Wala na siyang nagawa ng ayain siya ng matanda pababa ng bahay patungo sa likod bahay kung saan naroon ang poso. Tahimik na sumunod naman sa kanila ang binata. Pagdating sa likod bahay naupo ito sa mahabang upuan na gawa sa kawayan atsaka tumanaw sa kanya.   Hindi maipinta ang mukha ng dalaga nang makita niya ang poso na kalawangin na rin. “Gumagana pa po ba ‘yan, Lola?” tanong niya. Natawa ang lola niya. “Oo naman. Nakita mong gaganyan-ganyan ‘yan. Malaking tulong sa amin ‘yan, apo. Dito nakiki-igib ang ilang taga rito.” Napangiti na lang siya. Obvious naman kasi, dahil mukha ng pagod ang poso. “Ano kaya mo na ba?” tanong ng lola niya  matapos ipakita sa kanya kung paano gamitin ang poso. Dahil mukha namang madali ang ginawa ng lola niya. Kumpiyansa siyang tumango. "Sige na.  Maligo ka na at iaayos ko ang susuotin mong damit sa itaas" sabi ng lola niya na tiwalang iniwan siya sa ibaba. Akmang hahawakan na ni Cathy ang pulo ng poso nang bigla niyang napansin si Gio na noo’y nakatingin lang sa kanya mula sa kinauupuan. “Ano’ng ginagawa mo diyan, ha?” “Nakaupo!” pilosopong sagot nito. “Oo. Alam kong nakaupo ka! Bakit nandiyan ka? Ano ‘to live show?” kunot ang noong tanong niya. Natawa ang binata. Tumayo ito atsaka naglakad papalapit sa kanya. “Iyan na ba ‘yong live show na sinasabi mo?” anito na sumulyap pa sa dibdib niya. “Boring naman!” natatawang sabi nito. “Buwisit ka talaga! Lumayas ka nga rito!” singhal niya sa binata. Madilim ang mukhang sinimulan niyang bombahin ang poso. Pero hirap na hirap siyang pababain ang pulo nito. Hindi pala ito ganoon kadaling gamitin gaya nang inaakala niya. Sobrang bigat kasi nito. Nang pinilit niya itong ibaba muntik na itong umigkas sa mukha niya. Mabuti na lang at mabilis na naagapan ni Gio. “Babangasan mo pa ‘yang mukha mo,” sabi nito nang agawin sa kanya ang pulo. "Sige na! maligo ka na," tila amo na utos nito sa kanya atsaka nito sinimulang patuluin ang poso. "What?! Maliligo ako in front of you?" galit na singhal niya sa binata. "Bakit anong masama? Maghuhubad ka ba?" nakangising tanong nito. "Bastos!" gigil na gigil na sabi niya atsaka niya ito sinabuyan ng tubig sa mukha. Natatawang pinunasan lang ni Gio ang mukha atsaka nagpatuloy sa pagpapatulo ng poso. "Tumalikod ka!" singhal niya sa binata. "Grabe ka, ha? Hindi mo ko utusan. At wala akong balak manyakin ka. Wala namang makikita diyan, oh,” anito na ngumuso pa paturo sa harapan niya na puno ng putik. "Sinabi nang tumalikod ka, eh!" sigaw niya. Pero hindi naman nagpatinag ang binata. "Ikaw ang tumalikod sa akin. Kung ayaw mong bitawan ko 'to at iwan kitang mag-isa rito. Marami pa namang m******s diyan sa paligid,” nangigiti pang sabi nito. Dahil hindi ibig magpatalo ng hambog na binata naaasar na tumalikod na lang siya at mabilis na nilinis ang putikang katawan. Napangiti naman si Gio. "Susunod ka rin pala, eh. Pasaway!" bulong  nito. Narinig naman iyon ng dalaga kaya wala sa loob na hinarap niya ang binata. "Anong sinabi mo?" Namilog ang mga mga mata ng binata nang tumambad sa kanya ang mayamang dibdib ng dalaga na humahapit sa basang damit nito. Namula ang pisngi niya at agad na napatalikod sa dalaga. “Ano ka ba? Ayusin mo nga ‘yang sarili mo,” singhal niya sa dalaga. Natatawa namang nagtakip ng dibdib ang dalaga nang makita ang kakaibang reaksiyon niya na tila siya pa ang nahiya. "Hmp! Mabuti naman at hindi ka naman pala m******s," salubong ang kilay na muling tumalikod ang dalaga at ipinagpatuloy ang paliligo. "Uy, wala ka sa teritoryo mo, ha? Umayos ka!" galit na binitawan ni Gio ang poso atsaka ito naglakad papalayo. "Hoy! Bumalik ka nga rito! Hindi pa ko tapos maligo!" "Mag-igib kang mag-isa mo!" sagot nito na hindi man lang lumingon sa kanya. Hindi na siya binalikan ni Gio kay dali-dali siyang naligo. Mabuti na lang at napuno na nito ang malaking batya bago ito nag-walk out. Habang nagsusuklay sa harap ng tokador doon lang napagmasdan ng dalaga ang buong kuwarto. Maayos at maaliwalas ang kuwarto niya na pinuntara ng kulay rosas. Sa bandang gitna nito ay may malaking kama na may puting bed sheet at dalawang malalaking unan na puti rin ang punda. Sa bandang paanan ng kama, may glass window at sa gilid nito ay may pintuan na tumatagos sa balcony. Hindi nalalayo ang hitsura noon sa kuwarto niya sa Manila. Na satingin niya ay pinasadya ng daddy niya para hindi siya mamahay. Napangiti siya sa isiping iyon na kahit papaano ay iniisip pa rin pala siya ng daddy niya. Nang lumabas siya, noon niya lang din napansin na nagmukhang bago ang loob ng bahay. Maayos at bago ang puting pintura nito kaya naitago ang kalumaan nito. Sa tingin niya ay pinaayos talaga iyon ng lola niya para maging komportable siya. Pero maluwag at umaalog ang loob ng bahay. Tanging ang mahabang sofa na may dalawang maliit na upuan at center table ang nasa sala. At sa may dingding naman ay may mesa na pinapatungan ng telebisyon na lumang modelo na rin. May nakita siyang refrigerator sa kusina pero puro bote ng tubig lang naman ang laman. Maliban doon wala ng ibang modernong gamit ang lola niya. Dumungaw siya sa bintana na tila may hinahanap. "Sino ba'ng hinahanap mo riyan at panay ang linga mo?" puna sa kanya ng matanda na noo’y  nakidungaw rin sa bintana. "Nasaan na po 'yung boy niyo, Lola?" tanong niya habang patuloy ang pagtanaw sa labas ng bintana. "Sino'ng boy?” napakunot ang noong tanong ng matanda. “ Iyong antipatikong lalaking sumundo po sa akin sa terminal.” "Ah, si Gio ba'ng tinutukoy mo? Naku! Inaanak ‘yon ng daddy mo. Ang totoo, nakisuyo lang ang daddy mo kay Gio na ipasundo ka kay Mang Berto. Wala na tayong tauhan dito, apo. Matagal nang naibenta ang bukid natin kila Gio. Sa kanila nga ‘yang magandang bahay riyan sa tabi natin.” Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "You mean, Lola hindi na po sa'tin ang lupaing ito? Pero bakit po?” Muli siyang tumanaw sa bintana at hinagod ng mga mata ang malawak na bukirin na hindi na pala sa kanila. "Ang bahay na lang na 'to ang natira sa atin.” "Ano po ang nangyari, Lola? Bakit po nawala ang lahat sa inyo?” "Noong bago mamatay ang lolo  mo, nagkaroon ng problema ang daddy mo sa abroad. Nasangkot siya sa isang gulo. Napagbintangan siyang kasama sa mga nanloob sa isang jewelry shop doon. Kaya kinailangan kong ibenta ang lupa para may mapang-ayos sa kaso ng daddy mo,” kuwento ng matanda.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD