Suplada!

1575 Words
Nakaramdam ng lungkot si Cathy sa nalaman niyang iyon. Palibhasa’y bata palang siya noon kaya wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari. Buong akala niya malaki pa ang lupain nila. At kahit hindi siya magtrabaho may darating na pera sa kanila mula sa daang-daang palay na inaani sa bukid dalawang beses isang taon. Pero hindi na pala nila pag-aari ang bukid na ‘yon. "Lola,  bakit hindi na lang po kayo sumama sa amin sa Manila. Maayos naman po ang negosyo ni Daddy ro’n. Bakit nagtitiyaga po kayo ritong mag-isa?" aniya nang mabakas sa mata ng matanda ang lungkot. "Nandito ang maraming alaala namin ng lolo mo. Dito ako Masaya, apo," anito atsaka ngumiti sa kanya. Napangiti na lang siya atsaka siya yumakap sa matanda. Alam niyang masakit sa lola niya ang nangyari pero pilit itong ngumingiti para sa kanya. Alam niyang hindi niya ito makukumbinsi na sumamasa sa kanila dahil komportable ito sa simpleng buhay sa probinsiya. Marahil ganoon din siya kung do’n siya lumaki. Matapos ang hapunan. Nagtambay si Cathy sa balcony sa labas ng kuwarto niya. Presko at malamig ang hangin na nagmumula sa bukid. Suot ang manipis na pantulog, dinama niya ang malamig na ihip ng hangin habang nakapikit ang mga mata. Wala siyang kamalay-malay na may dalawang pares ng mga matang kanina pa nakamasid sa kanya mula sa kabilang bahay. Mula sa balcony ng kuwarto ni Gio, tanaw na tanaw niya ang dalaga.  "Ang ganda talaga niya," usal niya habang pinagmamasdan niya ito. Nangingiti pa siya habang pinanonood  ang buhok nito na tila nilalaro ng hangin. Kasabay ng paminsang-minsang pag-angat ng dulo ng pantulog na suot nito na tinatangay ng hangin. Matagal na silang friend sa social media ni Cathy. At hindi lang basta friend. Nanliligaw rin sa kanya ang dalaga na idinadaan nito sa pagpo-post sa social media. Panay din ang chat nito sa kanya. Kaya nagulat siya ng sungitan siya nito. Hindi niya alam kung hindi ba talaga siya nito nakilala sa bagong looks niya o sadyang nalimutan na talaga siya nito dahil hindi niya na nasagot ang mga huling message nito sa kanya. Pero mas malamang sa hindi siya namukhaan nito. Pumuti kasi siya nang husto. Hindi naman niya gawing mag-post ng picture sa social media noon kaya wala itong idea sa laki ng ipinagbago niya. Bago na rin kasi ang hairstyle niya. Dati kasi pinupusod niya paitaas ang bangs niya kahit hindi naman kahabaan. Pero ngayon nakalaylay ang bangs niya na parang sa mga Korean actor. Kaya ang laki ng ipinagbago sa mukha niya. Hindi naman siya pumangit pero ‘yon lang kasi talaga ang hitsura niya na tumatak sa dalaga. Bukod pa roon, malayo rin ang nickname niya sa totoong pangalan niya kaya siguro hindi siya na-recognize ng dalaga. Tandang-tanda pa niya kung paano siya habulin ni Cathy noon sa tuwing may laro siya ng basketball. Varsity player kasi siya noon. At isa siya sa pinakamaraming fans at pinagkakaguluhan. Pero sa dami ng babae na humahabol sa kanya si Cathy ang pinakatumatak sa kanya. Sobrang kulit kasi nito. First year college palang noon si Cathy at third year naman siya. Sa bawat laro niya laging nandoon ang dalaga. “Hey, Jordan! Add kita sa sss, ha?” sigaw sa kanya ni Cathy habang naglalakad siya kasama ng ilang teammates niya matapos ang game. Ngumiti lang siya at tumango sa dalaga. Noon palang sila nagkita pero napahanga niya agad ang dalaga sa galing niyang mag-basketball. Todo ang sigaw nito kapag nakaka-shoot siya. Alam niyang si Cathy ‘yon dahil napapalingon siya sa lakas ng sigaw nito. Agaw eksena kasi ito kaya agad niya itong napapansin. Pagkalabas niya sa locker agad niyang binuksan ang cell phone niya at tumambad sa kanya ang message nito na nagpapa-add sa sss. Hindi niya ugali ang mag-accept ng friend request nang kung sino-sino, kaya sinilip niya muna ang profile nito. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang post nito kasama ang daddy nito na kilalang-kilala niya. Dahil iyon ang ninong niya sa binyag. “Ito na pala siya ngayon,” nangingiting sabi niya habang pinagmamasdan ang picture ni Cathy kasama ang daddy nito. “Maingay pa rin siya,” natatawa pang sabi niya. Na-meet na niya ang dalaga  noong mga bata pa sila. Pero hindi niya ito gusto. Dahil suplada ito at may ka-malditahan noon. Nangingiting tinanggap niya ang friend request ng dalaga. Bigla niyang narinig ang malakas na tili ni Cathy na noo’y nakaupo lang pala sa bench kasama ng ilang kaibigan sa di- kalayuan. Agad niyang nilakihan ang mga hakbang niya papalabas ng gate para hindi na siya nito mapansin. Simula noon halos araw-araw nang nagcha-chat sa kanya si Cathy kahit na hindi niya ito nire-replayan. Madalas din ay nauuna pa ito sa venue kung saan siya may laro. Nakaabang kasi ito sa bawat post niya. Doon na siya unti-unting nagka-interest sa dalaga. Kaya sinubukan niyang kontakin sa messenger ang Ninong Mulong niya pero hindi niya ito in-add sa sss para hindi mapansin ni Cathy. Malaking tulong ang pangungulit sa kanya noon ni Cathy dahil kahit papaano natulungan siya nitong bumangon nang malugmok siya sa kalungkutan nang sabay na mawala ang mommy at daddy niya noong fourth year college siya. Sa araw-araw na pangungulit nito sa kanya unti-unting nahulog ang loob niya rito. At dumating sa punto na inaabangan na niya ang mga message nito araw-araw kahit pa nga pa-hard to get siya at bihirang sumagot sa mga message nito. Mabasa niya lang ang mga cute at sweet messages ng dalaga napapangiti na siya. Solved na ang araw niya. Hindi natigil ang communication nila kahit pa naka-graduate na siya. Pero hindi siya nagkaroon ng chance gawing totoo ang relasyon nila dahil na rin sa malaking obligasyon na naiwan sa kanya ng mga magulang niya. Kinailangan niya kasing bumalik sa probinsiya para patakbuhin ang farm nila. Nang maisaayos niya na ang lahat sa farm nagbalak siyang manligaw sa dalaga pero  bigla naman siyang nagka-offer abroad. Kaya isinantabi niya muna ang feelings niya para rito. Naniniwala kasi siya na may mga tamang timing para sa mga bagay-bagay. Sa ilang taon na rin nilang pagcha-chat bilang magkaibigan kumpiyansa naman siyang totoo ang feelings nito sa kanya. Dahil hindi ito bumibitiw kahit pa nga hindi niya ito napapansin minsan. Tila itinakda na kasi nito ang sarili para sa kanya. Naging toxic ang trabaho niya sa abroad kaya nawalan siya ng oras sa social media. Hindi na niya nasasagot ang mga message ng dalaga hanggang sa hindi na rin ito nagme-message sa kanya. Naisip niya na baka hindi na siya gusto ng dalaga kaya nawalan na rin siya ng lakas ng loob magpakita rito nang makabalik siya ng Pilipinas matapos ang isang taong kontrata. Kasunod noon na-hack ang f******k account niya kaya tuluyan na siyang nawalan ng gana. Kaya itinuon niya na lang ang buong atensiyon niya sa trabaho at nagpabalik-balik na lang siya abroad.  Pero hindi niya inaasahan na ang mismong daddy pa pala ni Cathy ang muling maglalapit sa kanilang dalawa. Hindi na sana niya tatapusin ang bakasyon at babalik na siya sa abroad nang bigla siyang kontakin ng ninong niya. Na-excite siya nang ipagbilin nito sa kanya ang dalaga. Kaya ipinagpaliban niya muna ang dapat sana niyang pag-alis. Pagkakataon na kasi niya ‘yon para siya naman ang magparamdam ng feelings sa dalaga. Pero dahil hindi naging maganda ang pagkikita nila, hindi siya nagkalakas ng loob magpakilala rito.     "Hoy!  Ano'ng tinitingin-tingin mo diyan, ha? Namboboso ka, noh?" sigaw ni Cathy nang magmulat ng mga mata. Bigla naman siyang natawa. Hindi siya sanay na ganoon ang isinisigaw nito pero aaminin niyang na-miss niya ang boses nito. Tumayo siya mula sa kinauupuan at naglakad siya papalapit sa balcony ng kuwarto ng dalaga  na halos abot kamay na niya ang layo. "Ano namang titingnan ko sa'yo? Eh, wala namang makikita diyan,” nakangiting sabi niya na inginuso pa ang dibdib ng dalaga. "Hambog ka talaga! Ano'ng nakita mo, ha?" asar na pilit siya nitong  inaabot. Napakunot ang noo niya. "Nagpapatawa ka ba? Mas gugustuhin ko pang pumunta sa bar at magpakalasing kaysa pagnasahan 'yang katawan mo," nangingiti pang sabi niya atsaka niya ito tinalikuran. "Buwisit ka talaga! Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ni Cathy. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya na insulto ng gano’n. Siya ang Queen Bee sa campus na pinapasukan niya. Dahil siya ang pinakamaganda at sikat. Sa balingkinitan niyang pangangatawan, maganda niyang mukha at  kutis niyang tila artista, ang daming mga lalaki ang gustong manligaw sa kanya. Hindi niya nga lang pinpansin dahil may Jordan na siyang tinatangi sa puso niya. Hindi siya maliit at hindi rin katangkaran. Sakto lang ang height niya para sa typical na Filipina. Hindi man siya nabibiyaan nang ganoong kalaking dibdib. Pero hindi naman niya masasabing flat- chested siya dahil mayroon naman kahit papaano. Kaya isang malaking insulto sa kanya ang sinasabi ni Gio na para bang wala siyang kadating-dating dito. "Akala mo kung sino kang  guwapo. Mukha ka namang tipaklong," sigaw niya kay Gio na noo’y natatawa lang na pinakikinggan siya sa loob ng kuwarto nito. "Daldal talaga," napapailing na lang na isinara ni Gio ang pintuan sa kuwarto niya. "Buwisit!" halos umusok ang ilong na sigaw ni Cathy na lalo pang nag-init nang pagsaraduhan niya ng pinto. "Catherine, apo. Sino bang kaaway mo diyan, ha?" narinig niyang tanong  ng Lola niya. "Wala po, Lola! Matutulog na po ako!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD