Buong linggo akong nasa kwarto ko lang. Bababa para kumain at umakyat ult sa kwarto, magmumukmok o hindi kaya magbasang mga online story. Gumawa ako ng dummy account sa social media. Nakaantabay sa mga balita tungkol sa pamilya ko. Nothing unusual. Ganoon pa rin si Papa, pakitang-tao kapag nasa labas. I even stalked Anthony. I saw pictures of him kasama si Ellaine na syempre ay kamukha ko. Wala akong nabasang bad news, except na lang sa mga bash sa akin. It seemed that all was well. I told Tita Nica that I wanted to be alone at ayaw ko munang pag-usapan ang lahat. Baka hindi kayanin ng sistema ko at mabaliw ako. "Katarina," tawag ni Tita Nica sa akin at kumatok sa pinto ng kwarto ko. "It's open." Narinig kong bumukas ang pinto. I was sitting on the floor, nakasandig sa paanan ng kama