Iyon pala ang rason kung bakit siya nag-sorry? Akala ko kasi kaya siya nag-sorry dahil sa hindi niya naman ginusto ang nangyari. Ibig sabihin... "Ginusto mo ang nangyari?" Kaagad akong napaiwan ng tingin. Bakit ba lagi na lang akong pinapahamak ng bibig ko? "N-Never mind." "Of course, yes!" he exclaimed at hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Pambihira. Ano naman ngayon kung nagsasabi siya ng totoo o hindi? What does it have to do with me? Una, walang kami. Pangalawa, hinding-hinding magiging kami. Oo, ganoon nga... "Pwede bang kitang ligawan?" "Oo, ganoon nga dapat," wala sa sarili kong nasambit sa kawalan. "Talaga?" "H-Ha? Anong talaga?" nagtataka kong tanong. "I asked if I can court you and you said yes," he explained that made my forehead crumpled like a paper. "Sin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books