After Three Years – Junior High School
MAGKATABI ANG BRATINELLA clique sa bleachers, sina Eunice, Janice at Xyria - bratinella ang bansag sa kanila dahil tampok sa buong eskwela ang kamalditahan nila at ka-striktahan.
Talbog rin ang iba sa taglay nilang mga kagandahan at karangyaan. Naka high school uniform na sila, Eunice’s beauty has become more sophisticated at halos dalagang-dalaga na talaga sa edad nito. Tahimik lang si Eunice ngunit klaro ang interes sa mga mata niya habang nakatuon sa nag-iisang bulto ng binatilyong nasa gitna ng indoor basketball court.
Nakikipag-agawan ng bola ang binatilyong pinapanood ni Eunice sa kalaban. Ilang segundo pa’y maliksi nitong naagaw ang bola at dini-dribble na ang bola palapit sa ring.
“Kuyaaa!” sigaw ni Janice para sa kuya nito na tinilian at kinakikiligan ng iba pang babaeng estudyanteng naroon sa bleachers. Si Xyria naman iwinagawayway ang pom poms, miyembro ito ng cheerleading team.
Parang young version ni Rachel McAdams si Janice, habang morena beauty queen naman ang aura ni Xyria. Si Eunice naman ay mestisa, natural na mapupula ang labi at pisngi at makintab at mahaba ang buhok, maganda rin ang hubog ng pangangatawan nito para sa isang dalagita. Eunice has the most striking beauty amongst the three.
Nai-shoot ni Adrian ng three points and bola at dumagundong ang hiyawan sa gym kasabay ng pagtunog ng buzzer. Panalo ang team Archers – basketball team ng Elite High School kung saan sila pumapasok.
Lumapit ang team mates ni Adrian dito, sumegway ang ngiti mula sa guwapong mukha nito habang pinaunalan ito ng yakap mula sa mga kalaro at mula sa coach.
Nagyakapan si Janice at Xyria habang napatayo naman si Eunice. In-ekis niya ang mga braso.
“Okay, you guys win,” iling niya. Alam niya kung bakit masayang-masaya ang dalawa. Nanalo ang mga ito sa bet nila.
Pag nanalo si Adrian ay aamin na siya dito na crush niya ito.
Pag hindi naman, si Eunice at Xyria ang aamin at magtatapat sa mga crush nitong sila Bob at Kael na ka-teammate rin ni Adrian. It was just a petty bet out of nowhere na pinatulan na rin niya dahil lately ay palihim na gusto niyang masolo na talaga ang atensiyon ng binatilyo.
Magaling man sa basketball at academics ay mahiyain sa babae si Adrian. Never daw talaga itong nagka-girlfriend pa, bahay, basketball game at eskwela lang ang routine nito.
Madalas kina Janice si Eunice lalo na tuwing may projects sila. Siguro doon na nagsimula ang simpleng paghanga niya kay Adrian.
Noong una pa lang mga bata sila ay napakabait na nito sa kanila ni Xyria bilang kaibigan ni Janice, lalo na sa kaniya, ramdam niya ang espesiyal na kabaitan nito.
Binigyan pa nga siya nito ng teddy bear noong nakaraang birthday niya. Pag nakakasalubong siya sa eskwelahan ay humihinto ang binata para kausapin siya kahit saglit, kinakamusta siya. Kahit strikta siya ay kay Adrian lang siya parang nagiging maamong tuta, madali siyang malusaw sa mga ngiti nito.
Isa pa, malapit na ang prom ng mga Seniors. Gusto niyang maging ka-partner ni Adrian.
Maybe it would give them a chance kung aamin na siya dito. Gusto niyang malaman nito na may pag-asa ito sa kaniya, na crush niya ito. At alam niyang hindi naman magagalit ang mommy at daddy niya dahil malapit na kaibigan nila ang pamilya ni Janice.
Her parents even admired Adrian at minsan nang pabirong sinabi ng daddy niya na gusto nitong maging manugang ang binata. Maybe if she tell Adrian honestly about her admiration, then things can start to fall into place magically.
Parang mga bebe nilang sinundan-sundan si Adrian matapos ang game. Inaya ito ng mga ka-team sa labas pero tinanggihan nito at sa susunod na lang daw na mga araw.
“W-wait, kuya!” si Janice iyon, nasa parking lot na sila ng eskwela at naghihintayan na lang ng mga sundo. Nasa likod ni Janice si Eunice at Xyria.
Namamawis ang kamay ni Eunice, malakas ang tambol ng puso niya. Susunduin na rin siya maya-maya ng drayber nila. Ito lang ang chance para makausap niya ang binata.
“Oh?” ani Adrian, sukbit ang back pack nito. Nagugulumihan itong napatitig sa kanilang lahat.
“Ah, eh, may sasabihin kasi si Eunice sa ‘yo,” ani Janice na hinila siya mula likod at iprisininta sa harap ni Adrian. “By the way kuya, may titingnan lang kami ni Xyria, we’ll be back quick-“
Bago pa niya mahabol ang mga kaibigan ay tumakbo na ang dalawa palayo. Naiwan si Eunice at si Adrian na magkatitigan.
Naumid ata ang dila niya, nanatili siyang tahimik. Kumurap ng mabilis ang mga mata niya.
“What do you want to say, Eunice?” tall Adrian hovered over her and she has to raise her face.
He waited willingly. She closed her eyes, gulped air and mustered all her strength upang maibulalas ang-
“A-Adrian crush kita. Maybe you also like me? I want to be with you in your prom!”
Her face crimsoned, a red balloon about to burst, unti-unti niyang ibinuka ang mata upang makita ang reaksyon nito.
Nakangiti ang binata sa kaniya, his usual pure and good-natured smile na tumutunaw lagi sa kaniya.
“Thank you, Eunice,” usal nito. “Marahil ay crush mo ‘ko dahil sa games ko kanina, hindi ba? Maraming salamat.”
She was confused. Yes, she admired him but not only because he was good in playing basketball. She admired him overall!
“Pero may inaya na ‘ko sa prom, may crush kasi ako at inaya ko siya,” mas lumapad ang ngiti ni Adrian. “Kung okay lang sa ‘yo puwede ka rin namang sumama. Pwede kitang isama kasama ni Cindy kung gusto mong sumabay.”
Cindy? Who could be this Cindy? Biglang may parang pumait sa lalamunan niya. “Crush mo si Cindy?” she tried her best to stop herself from frowning and raising her brows.
“Yes,” a momentary blush flashed in Adrian’s cheeks. A warm glow na wari ba’y kinikilig ito. “Hindi ba sinabi ni Cindy sa iyo na partner ko siya?”
Si Cindy. “M-my sister?” she stuttered.
“Who else would it be?” he giggled. “You’re really cute Eunice, you make me smile.”
Napa-atras siya, unbelieving at what he just declared. “Are you serious?” ekseharada niyang tugon.
“What, hey come one Eunice,” he smiled mildly. “Look, I’m sorry, you must be worried or concerned over Cindy, pero hindi naman ako nanliligaw pa sa kapatid mo. You’re quite young, but let me tell you that my intentions are good.”
She felt the ground below her shaking, or was it her jaw? She clasped her mouth and tried to digest the first bitter rejection she has just tasted in her life.
“Why is she your crush? Bulag ka ba?” her voice became scathing.
“Excuse me, Eunice?” Adrian’s mouth hanged open, hindi mapaniwalaan ang sinambit niya.
Her eyes misted. “I’m beautiful and gorgeous,” she said defensively.
“Of course, you are!” Adrian bounced back. “Look, Eunice. You are a special sister to me, almost like my own sister. Don’t think na dahil crush ko si Cindy ay mas mababa ang tingin ko sa’yo. In fact, you are more special. But Cindy is different, she just got certain traits na masasabing type ko. And believe it or not, I find you truly beautiful, even much more beautiful. Maganda ka at may mabuting puso. Alam ko na sa tamang panahon, may lalaking para sayo. But not now, since you’re still young.”
She froze there, and Adrian inched forward and patted her head, and to her shock, he bended down to kiss her lightly in the cheeks. “Although I must admit,” labas nito ng dimples. “I’m very flattered na crush mo pala ako.”
And then he pinched her cheeks after. “I will forever remember this, Eunice.” And then he is gone, waving back, leaving her dazed and with a wrecked heart.