bc

Falling In Love with Cinderella's Prince

book_age16+
670
FOLLOW
2.1K
READ
love-triangle
contract marriage
second chance
dominant
kickass heroine
drama
sweet
bxg
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Falling in love with Cinderella’s prince wasn’t so easy, and it happened to Eunice. If Eunice’s life was in a fairytale book, masasabing siya ang evil stepsister habang ang ampon naman niyang kapatid na si Cindy ang Cinderella.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"AND THEY LIVED happily ever after..." her mommy closed the story book, then she was tucked under the warm blanket. "Mommy?" pukaw ng anim na taong batang babae. "Yes, Eunice, you need anything?" her mommy Selinda asked her. "You want to drink more milk before sleeping?" She wiggled her head, puno ng pag-aalala ang sa mata. She embraced her teddy bear tightly. "Mommy, what happened to Cinderella's step-sisters?" Hindi kasi sinabi sa storybook kung anong nangyari sa kanila. Amused na napatawa si Selinda pero napangiti rin. "Not a lot are told about them after, but maybe they got punished. Because they have been bad people, then they will have some form of punishment. But I know Cinderella forgave them in the end, dahil mabuti ang kalooban ni Cinderella." The little girl's eyelids fluttered, looking unconvinced, "Meron din ba silang mga prince charming?" Truth is, in her little scheming mind, she was more concerned about the step-sisters. Cinderella was already a good person, of course she would have her prince. Pero paano iyong mga iba? "Of course baby," haplos ng mommy niya sa mahaba at makintab niyang buhok, mana siya ng ganda sa mommy niya, her skin was white as cream and her lips and eyes are like her mom’s cherry-tinted lips and almond eyes. Ang tangkad naman niya ay mukhang mana sa daddy niya. Nagpatuloy ang mommy niya, "They would have their own prince charmings too, lalo na kung magiging mabait rin sila sa huli, if they learn to accept and correct their mistakes ay marahil magkakaroon sila." "But I don't want to be like them..." nalungkot ang kaniyang mukha. "Gusto nila ang prince pero hindi sila gusto at pinapansin ng prince!" Napahikab ang mommy niya, alam niyang pagod pa ito mula sa work, "Okay, sweetie, why don't we talk about this tomorrow? Mommy will get ready for bed too-" "Mommy, ikaw ba, prince charming mo din ba si daddy?" "Sort of," ngiti nito, "I was a witch once and your dad is a prince, but now I'm a queen and your daddy is a king and now you are our precious little princess. So don't worry, a witch or a princess will always have their own prince.” A witch or a princess will always have their own prince. Umulit-ulit iyon sa isip niya bago siya mahimbing na ehele ng tulog. Kinabukasan ay excited siyang pumasok sa unang klase nila sa Grade One sa isang Private at exclusive school. Madali siyang nakakuha ng friends, si Janice at Xyria, mga seatmates niya. Siya ang pinakamagandang bata sa klase at marami ang nagbibigay ng candy sa kaniya tuwing recess. Pag uwian ay sabay siyang sinusundo ng mommy niya at daddy Martin. Noong nag Grade Three naman siya ay pumunta sila ng Disneyland sa Amerika, sinama sila ng daddy niya sa business trip nito. At noong Grade Four naman ay sa Japan sila pumunta. Masaya naman siya sa school, pero minsan ay late kasi umuuwi ang daddy at mommy niya mula sa work at noong Mag Grade Four na siya ay madalang na lang siyang sunduin. Sa bahay ay ang yaya lang niya ang kalaro niya, at medyo nabo-bored na siya kasi tahimik lang talaga ang bahay.  Malaki ang bahay nila, may tatlong palapag, may garden at may swimming pool. May pet bird siya, isang parrot, pero ang kawaksi lang nila at gardener ang parang enjoy sa pakikipag-usap sa parrot. And then one day, when she visited Janice's family mansion house for Janice's birthday...doon siya nakadama ng inggit. May baby sister kasi si Janice, may kuya din ito, pinanood niya ang pamilya nito na naglalaro sa swimming pool. Si Xyria naman, may ate din ito, tapos marami pa silang mga dogs, iba-ibang breed. Then she realized why she was feeling lonely sometimes. "Mommy," they were driving to her dentist para bunutin ang sumasakit niyang ipin ng hindi niya mapigil na tanungin na ito, "when will I have a baby sister?" "Oh," parang napatulala ang mommy niya. "Why baby, is there something wrong?" "Nalulungkot kasi ako minsan, mommy, I feel bored. Kelan kaya ako magkakaroon ng kapatid?" tanong niya. Medyo nalungkot rin ang mommy niya, "Of course Eunice baby, nasa isip naman namin yan ng daddy mo, let's just see," ngumiti ito at hinaplos ang pisngi niya. "Now, your tooth extraction is more important." Pero hindi na iyon nangyari...ang magkaroon siya ng kapatid...        NA-OSPITAL ang mommy niya sa sumunod na buwan at inoperahan ito upang tanggalin ang ovaries nito. May mga cyst na pala na nabubuo doon. Ilang linggo sila sa hospital ng daddy niya para bisitahin ang mommy niya, tapos kinausap pa ng doktor ang daddy niya. Naiintindihan naman niya, pero hindi niya napigilan na umiyak noong pinaintindi ng mommy at daddy niya na hindi na siya magkakaroon ng nakakabatang kapatid. To alleviate things, they gave her a white Pomeranian puppy. Na namatay makalipas ng isang linggo dahil sa hardinero nila. Pinapakain pala nito ng chocolate ang aso araw-araw habang nasa school siya at naiwan yung aso, ayun kaya natigok! Minsan ay pinapapunta siya sa bahay ng pinsan ng mommy niya, may mga cousins siya doon, pero malalaki na sila at hindi niya masabayan ang trip ng mga ito. Ang ginagawa niya, pag walang pasukan ay bumibisita na lang talaga sa mga kaibigan lalo na kina Janice – hindi niya alam pero masaya kasi siya na makita rin ang kuya ni Janice na si Adrian, sobrang bait nito at laging nakangiti. Okay na naman ang lahat ng biglang- Nagkaroon sila ng 'the talk' ng mommy at daddy niya. Pag may talk ay dinadala nila siya sa isang magarang restaurant kahit wala namang okasyon. "Eunice, we want to tell you something, I hope it is okay for you..." mukhang excited ang mommy niya. "I'm okay mom," sabi lang niya. "What is it?" "Eunice," marahan na open-up ni mommy, "what do you think about the idea of you having another sister? Diba gusto mo yun?" Napakunot siya. Paano? "We will adopt a kid," explain nito. Bago pa siya nakapag-reak ay dumagdag na ang daddy niya- "This is not what you might be thinking Eunice, hindi kami pumunta sa bahay-ampunan, we have been thinking about this a lot but something happened lately.  "Your dad's secretary? Kilala mo siya di ba?" She nodded, she has been to certain visits to her dad's office. Mabait ang sekretarya ng daddy niya, matanda na ang may mga singkwenta na babae na naaalala niya bilang si Cathy – malusog ang pangangatawan nito at kung una ay mapapagkamalan mong strikta pero magiliw itong kausap at lagi siyang pinagtitimpla ng chocolate milk pag nasa lounge siya ng office ng daddy Martin niya. "Yes mommy, bakit po?" "She died anak, buong pamilya niya nakaraang buwan, nasunog ang bahay nila," kuwento ng mommy niya. Natutop ni Eunice ang bibig niya. "Oh my god, daddy, mommy..." "Isa lang ang nakaligtas, at iyon ang pangatlong anak ni Cathy, si Cindy. Ka-edad mo siya, meron siyang school project noon at pauwi na siya nang mangyari ang sunog. Patay lahat, asawa, mga iba pang anak ni Cathy..." Kaya pala. Kaya pala parang problemado si daddy last month, naisip niya at minsan ay late silang umuwi ni mommy, siguro ay nakiramay sila nito sa pamilya ni Cathy. "We're thinking, kaysa naman mapunta siya sa ampunan, sa laki ng utang na loob ko kay Cathy ay kami na lang ang kukupkop sa naiwang anak niya. Mabuti namang bata si Cindy, makakasunod mo siya at hindi ka na malulungkot, may kasama ka na sa school..." Hindi niya alam ang mararamdaman, oo, gusto niya ng kapatid...pero mas gusto niya yung tunay na kapatid talaga... "Eunice?" her mom woke her up from her deep thoughts. "It's okay for me, mommy, daddy..." "Really?" parang naluluha ang mommy niya. Hindi na niya pinansin ang reaksyon ng mga magulang niya sa halip ay sumipsip na siya ng strawberry shake. But she felt a little uneasy...hindi pa niya nakikita ang mga anak ni Cathy. Okay naman ang hitsura ni Cathy, siguro ay okay naman ang mukha ng bagong kapatid niya. Matalino ba ito? Maiinis siya pag hindi niya ito makakausap ng matino. Kinakabahan na siya pag-uwi niya mula eskwela isang araw kasi sabi ng mommy niya darating na yung bago niyang kapatid. Saan kaya ang room ng new sister niya? Nakita niya isang araw may hinahanda ang mommy niya sa bakanteng kuwarto katabi niya. "Eunice! Halika!" excited ang mommy niya at dinala agad siya paakyat ng mahabang hagdan nila nang pumasok siya sa bahay. Her dad was there too. Tama ang hinala niya, dahil kinatok ng mommy niya ang pinto ng katabing kuwarto niya. Bumukas iyon, at lumuwa ang mukha ng isang bata na halos pareho lang niya ng tangkad. Natulala siya, maputi at maganda rin ito. Ngumiti ito, yung ngiting wagas ang tuwa. "Ikaw ba si Eunice?" tanong nito at bago pa siya makakilos ay nanlaki na ang mata niya ng bigla siyang yakapin ng estrangherang bata. Halos hindi siya makahinga sa higpit ng yakap nito. Nang ilayo nito ang katawan sa kaniya ay nakita niyang umiiyak na ito. Parang ang over-acting naman, naisip niya. "Masayang-masaya ako na maging bagong kapatid mo, ako nga pala si Cindy.” Tumutulo ang luha nito. Naisip ni Eunice at parang may nanikip sa dibdib niya ng makitang umiiyak rin ang mommy niya, at nakita niyang yumakap si Cindy sa mommy at daddy niya. Suot ni Cindy ang naalala niyang damit niya, isang pink na bestida. Halos magkapareho rin ang design ng kuwarto nito sa kaniya.                    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.3K
bc

His Obsession

read
90.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook