NAPATINGIN si Nigito sa kanyang mga kasama. Nakita niyang seryoso na rin ang mga ito. Katunayan iyon na handa na silang pasukin ang misteryosong palasyo na nasa kanilang harapan. Gusto rin nilang malaman kung ano ang nangyari sa mga Stryk. Isa pa, interesado rin sila sa kung ano'ng mayroon sa loob ng lugar na iyon. "Maging alerto tayo..." "Asuna, ikaw ang bahala kay Yuri," seryosong sabi ni Nigito at hinugot na niya ang espada niyang nasa kanyang likod. Nakatayo na sila sa harapan ng gate ng "Sand Castle". Maging ang mga kasamahan niya ay inilabas na rin ang kani-kanilang sandata. Wala silang ideya sa lugar at posibleng may umatake sa kanila mula sa kung saan. Isa lang ang dapat nilang gawin, ang maging alerto sa anumang oras! " Tayo na..." sambit ni Nigito. Itinulak niya ang gate. Nag
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books