Chapter 5: The Neo Nigito

1504 Words
NAKALALAMANG na si Yuri sa laban subalit biglang bumaba sa 75/500 ang HP nito matapos i-hit ng monster. Hindi agad ito pinansin ni Nigito, lalo pa't isa lamang level 5 monster ang kalaban dahil level 7 na si Yuri. "K-Kuya... Kuya Nigito, TULONG.." sigaw ni Yuri na pinipilit takasan ang kalaban pero hindi nya magawa. Namutla ang mukha ni Nigito sa kanyang nakita. Naka-hide STAT pala ang monster na nilalabanan ni Yuri. Isa na pala itong Level 13 at may isang passive skill, ang Critical Damage (1.5% Damage). "Yu-Yu.. YURI!" tinakbo niya si Yuri upang ito'y iligtas subalit huli na ang lahat. Bumaba na sa 0 ang HP ni Yuri at unti-unting nawalan ng malay. Itinakbo ni Nigito si Yuri sa likod ng isang puno. Pinilit niyang isalba si Yuri gamit ang Healing Salve ngunit wala itong epekto. Nagtaka sya kung bakit hindi nawala ang avatar body nito. Ang alam kasi ni Nigito na mare-respawn dapat ito sa isang Teleporting Plaza pero hindi ito nangyari. Hindi na muna niya ito pinagtuunan ng pansin, bagkus ay hinarap nya ang level 13 na monster. "Pagbabayaran mo ito. HUMANDA KA!" Galit na galit siya at buong lakas na nakipagbuno sa kalaban. Hindi na niya naisip mag-heal dahil buo ang tiwala niyang matatalo ito. "30/1050" Ito ang natirang HP ni Nigito nang tapusin niya ang lvl 13 monster. Hindi rin niya maipaliwanag pero pagod na pagod sya sa naging laban. Nawala rin naman ito, matapos niyang magHeal ng HP. Kinarga niya si Yuri at kompyansang babalik pa ang HP nito sa oras na madala niya ito sa Healing Fountain. "Relax ka lang ha... Ang kuya ang bahala sa iyo." bulong pa nito kay Yuri. Nakangiti pa siya habang pinagmamasdan si Yuri na animo'y natutulog lamang. "Hindi ka dapat nandito sa larong ito. Dapat ay nasa real world ka. Naglalaro, nag-aaral... dapat nagagawa mo ang gusto mo. Napakabata mo pa para mainvolve sa larong ito." "'Wag kang mag-alala. Hindi ako titigil hangga't hindi ka nakakarating sa real world. Ipinapangako ko... Ako ang tatalo at tatapos sa kahibangan ng XRG13! Sinisiguro ko iyon sa'yo." wika ni Nigito. Narating nila ang Teleporting and Healing Plaza ng isla. Ihiniga nito si Yuri sa tabi ng Healing fountain ngunit walang nangyari. Inabot na si Nigito ng ilang oras pero walang nangyayari. "Bakit ganun? Bakit hindi pa magkalaman ang HP Bar mo Yuri?" naiinis na si Nigito sa mga nangyayari. Dalawang araw na ang nagdaan subalit hindi pa rin nabubuhay ang avatar ni Yuri. Napansin din ni Nigito ang pagiging malamig ng avatar, nagkakaroon din ito ng pagbabago at may amoy na hindi kaaya-aya. "Ano ba kasing problema mong Healing Fountain ka? Bakit hanggang ngayon, ganito pa rin ang kapatid ko?" Pinagsisipa pa niya ang healing fountain dahil sa galit. Sa mundong ito, lahat ng player ay may kakayahang makaramdam ng emosyon maliban sa sakit at pagod. At sa pagkakataong iyon, punung-puno ng pangamba at galit ang puso ni Nigito. Hindi niya maintindihan kung bakit iyon nangyayari. Isang linggo na ang nagdaan. Patuloy pa rin si Nigito sa paghihintay at hindi niya ito talaga iniiwan. Kahit na may kakaiba ng itsura ang avatar ni Yuri ay patuloy pa rin siya sa paghihintay at umaasang maibabalik pa ang batang itinuturing na niyang kapatid. Habang siya ay naghihintay ay bigla na lang isang player ang lumitaw sa Teleporting Circle. "Kinji Matane, Level 25, 2500/2500 HP, 900 MP and 4300/12000 EXP. +20.7 Armour, 130+170 Damage, STR 5O, AGI 45, INT 40 and a melee type hero." ISANG matipunong player ang lumitaw sa Teleporting Circle. Mas mataas at mas matipuno ito kumpara kay Nigito. May dalawang matatalas at malaking palakol ito na nakasakbit sa kanyang likod. Isang level 25 na player. Naglakas-loob si Nigito na magtanong sa player na iyon. "Pwede ko bang malaman kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin narerespawn o bumabalik ang kapatid ko? Isang linggo na siya sa tabi ng Healing Fountain, pero wala pa ring pagbabago," seryoso naman siyang tinitigan ng lalaking player matapos sabihin iyon. Bigla na lang itong naghukay ito sa 'di kalayuan at pagkatapos ay kinuha ang katawan ni Yuri. Mukhang balak na niyang ibaon ito. "T-Teka!? A-Ano'ng gagawin mo kay Yuri?!" Galit na galit na hinarang ito ni Nigito at hinugot niya rin kaagad ang itim niyang espada. Pero hindi ito natinag at patuloy pa rin sa paglalakad. Sa sobrang inis, inatake ito ni Nigito subalit sinalag lamang ito ng lalaki gamit lamang ang kanyang isang kamay. Nagpatuloy ito sa paglalakad at hindi na pinansin si Nigito. "Ibaba mo si Yuri! Tangina! Ang sabi ko ibaba mo siya!" buong lakas na sinigaw ni Nigito dahilan upang mapahinto niya ito. "Hindi mo pa ba alam?" matipunong tanong nito kay Nigito. "Ang alin?" Medyo natauhan si Nigito pero nanatili itong nakahanda para makipaglaban. Ibinaba na nito ang katawan ni Yuri at umupo sa isang malaking bato. "Hindi mo ba alam na sa oras na maging zero ang HP ng isang player ay awtomatikong mamamatay na ito. Hindi na mabubuhay ang avatar body nya at hindi na rin pa siya babalik o makakalabas dito sa loob ng HQO. Sa madaling salita, patay na siya!" sabi nito. Nagulat nha si Nigito sa kanyang mga narinig at dali dali niya itong sinugod. Pero malakas ang player na ito dahil nagawang niyang pigilan ang atake nito dahilan kaya't napaupo si Nigito sa lupa. "Ano ba ang mga pinagsasasabi mo? Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo. Kahit na mas mataas ang level mo ay hindi kita uurungan!" seryosong pahayag ni Nigito. "Hindi ako nagbibiro. At bilang patunay na totoo ang sinasabi ko!" Bigla niyang iwinasiwas ang isa niyang palakol upang sugatan ang isa niyang braso. Nabigla si Nigito sa ginawa nito. Kitang kita niya ang pagsirit ng pulang likido, marahil ay ito ang dugo nito. Pansin din niya na parang nasasaktan ito pero paano? Tanong ni Nigito sa kanyang sarili. "Bago ko sabihin sa iyo ang lahat! Nais ko munang malaman kung kailan ka nag-log in dito sa laro?" tanong niya kay Nigito. "Mga apat na buwan na akong naglalaro. Tanging si Yuri lang ang nakilala at nakasama ko sa larong ito." Napabuntong hininga si Kinji sa sagot na iyon ni Nigito. "Marahil ay wala kang nabalitaan tungkol sa mga nangyari dito. Limang buwan na rin ang lumipas." Naging seryoso ang itsura nito. "Lahat ng mga players ay bumalik sa pagiging Level 1. At ang sinumang player ang mauubos ang HP ay mamamatay..." "Dito at maging sa real world!" Nabigla si Nigito sa kanyang mga narinig. "Marami nang manlalaro ang namatay. Ang iba ay dahil sa pagkatalo at ang iba ay dahil nawalan na ng pag-asa. Napag-alaman rin namin na sa oras na hindi mo pinataas ang level mo ay baka malagay ka rin sa bilang ng mga namamatay dito! Kaya kailangang makipaglaban ng bawat isa para sa kanilang sariling buhay!" dagdag pa ni Kinji. "Habang tumataas ang level mo ay unti-unti mo na ring mararamdaman ang pagod, at sakit sa katawan. Kagaya ng dugong ito sa braso ko, napakasakit nito pero ginawa ko upang maniwala ka!" "Sa oras ng laban ikaw na mismo sa sarili mo ang makakagawa ng paraan para hindi mo ito maramdaman!" dagdag pa ni Kinji. "I-Ibig sabihin," wika ni Nigito. "Hindi mo na maibabalik ang kapatid mo!" pahayag ni Kinji na tila nagpahinto lalo kay Nigito. Hindi alam ni Nigito kung dapat ba niya itong paniwalaan. Ayaw niyang maniwala! "Iba na ang HQO. Hindi na siya ang larong pwede kang mag-enjoy. Isa na itong Death Game! Napakaswerte natin dahil buhay pa rin tayo. Gaya ng sinabi ng XRG13, mga malalakas lang ang makakalabas at ang mahihina ay mamamatay!" kwento pa nito kay Nigito. "XRG13? Ibig sabihin... Alam mo na rin ang tungkol doon?" seryosong tanong ni Nigito. "Sa kanya lahat nagmula ang lahat ng ito. Tanging boses lang ang narinig namin sa virus na iyon. Bakit? May nalalaman ka ba?" ani Kinji. "Bago ako pumasok sa larong ito.. Sinabi ng mga taga Nigimoto na kailangang puksain ang virus na iyon dito upang makalabas ang lahat ng mga na-trap na manlalaro.." "At isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako naglakas-loob na pumasok sa larong ito!" mariing pajayag ni Nigito. Tumayo si Kinji at mukhang balak na nitong umalis. "Sapat na ang mga narinig ko at narinig mo para ituloy ko ang larong ito." "Magpalakas ka 'wag kang titigil hangga't hindi mo naiipaghiganti ang kapatid mo. Paalam na. Alam ko magkikita pa rin tayo!" Huling sinabi ni Kinji na pumunta na sa Teleporting Circle hanggang sa unti-unti na itong naglaho roon. Tulala si Nigito habang inaakay si Yuri patungo sa hukay na ginawa ni Kinji. "XRG13..." "Ako ang dapat sisihin sa mga nangyari sa 'yo aking kapatid." "Ako... Ako..." Namalayan na lang ni Nigito na umiiyak na pala siya. Hindi niya iyon mapigilan. Napakabata pa ni Yuri para mangyari ito rito. Naglagay siya ng palatandaan sa pinaglibingan niya kay Yuri. Napuno ng galit at poot ang puso niya. Mukhang wala na siyang dahilan para enjoyin ang HQO. Seryosong laro ito kaya hindi niya ito dapat basta-bastahin. Napagtanto niyang mas mabuting mag-isa na lang siya dahil ayaw na niyang maulit ang mga nangyaring iyon. Naglagi pa siya ng halos tatlong buwan sa f*******n Island. Doon ay nagpa-level siya hanggang sa maabot na niya ang level 30. Nigito Kuzuna, Level 30. 3500/3500 HP 200 MP 10050/20000 EXP +23.5 Armour 150+150 Damage STR 60, AGI 80, INT 50 TO BE CONTINUED!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD