Chapter 12 Jasmine Sa isang taon mahigit naming pagsasama ni Mike ay ngayon niya lang ulit ako napagtaasan ng boses. Ngayon lang ulit kami nagtalo. Alam kong mali ang ginawa ko, pero aminin man natin may mga araw na pagod tayo kaya hindi maiiwasan na hindi uminit ang ulo natin. Hindi ko alam pero parang naging manhid na ako at hindi ako naapiktuhan sa pagtatalo namin ni Mike. Sa halip ay natutuwa pa ako dahil napapa-inis ko siya. Kahit sa gano'n man lang ay makaganti ako sa kaniya. Sumapit ang gabi ay tinawag ako ni Tita Ann para kumain. Pumasok ito sa silid ko. "Iha, bumaba ka na at kumain. Nasa dining table na ang mag-aama mo," mahinahon na wika ni Tita. "Si Josh, po Tita?" tanong ko. "Ayon at nakatulog na sa balikat ng ama niya kanina. Nag-away ba kayo ni Mike?" tanong nito