Chapter 11 Jasmine Nang makalapit na kami ni Cristy sa mga asawa namin ay hindi kami makatingin ng maayo sa mga mata nila. Kagat-kagat ko lang ang mga labi ko nang marinig kong nagsalita si Janzel kay Cristy. "How many times i told you don't drive my car. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" inis niyang tanong kay Cristy kaya sumabat naman ako. "Hindi siya ang nag-drive kundi ako!" sabay turo ko ng sarili ko habang nakatingin kay Janzel. Nagsalubong naman ang mga kilay nito. "Kailan ka pa natuto mag-drive?" tanong ni Janzel na alam kong naiinis rin sa akin. "Noon pa! Kaya lang ayaw na ni Daddy mag-drive ako kasi muntik na ako mabangga noon. Hehehehe...." napapailing na lang ito sa bungisngis ko. "At proud ka pa? Nag-drive ka na expired ang license mo? Tapos may binangga ka pa! And th