JUST THE WAY YOU ARE Dalawang araw ang lumipas at halos wala akong Anthony na nasusulyapan. Talagang pinanindigan nito ang pag-iwas sa akin. Hindi ko rin naman kasi maintindihan ang sarili ko. Di ba dapat ako ang umiiwas? Bakit ako pa itong naghahanap sa kanya? Or maybe because I'm just concerned about him, after all. "Isay, bakit ba ganyan palagi ang suot mo? Hindi ka ba naiinitan niyan o giniginaw ka ba?" tanong sa akin ni Baleleng bandang hapon. "Tsaka ang pasa mo sa bibig, si Sir Reid ba talaga ang may gawa niyan? Natsismis lang sa akin ni Lorna. Narinig daw niya kayo sa komedor nung isang araw." I rolled my eyes. Kahit kailan talaga napatsismosa nitong si Baleleng. "Wala ito." ang tangi kong sagot dito. "Alam mo, ung mga naunang nurse ni Senora, nagkagusto rin kay Sir Reid. Yung