MASARAP Rough road ang aming tinahak ni Anthony bago makarating dito. Hindi pala talaga pwedeng lakarin lamang dahil sadyang malayo ito mula sa kabihasnan. Pinarada nito ang Hummer sa gilid ng daan kung saan maraming nakahilerang tricycle, bike at motorcycle. Meron ding jeep sa unahan. Wow. Ang daming tao. Eto pala ang silungan nila. Para itong covered court, open ito pero may mga mahahabang benches at tables. May malaking TV pa ang nakasabit sa harap. May malaking stereo din at malalaking speakers. Hindi abot ang linya ng kuryente dito sa looban ng lupain nila. Pero napansin ko ang malaking generator sa likuran at ito ang pinapagana para magkaroon ng kuryente. Wow. Nakakamangha. Sila Anthony na talaga ang mayaman. Hindi ko akalain na ganito pala karami ang mga nagtatrabaho sa kanil