Chapter One

1772 Words
SEVEN YEARS LATER... "KUMUSTA ang training ng mga magiging empleyado?" tanong ni Gogoy sa kay Jefti. "So far, so good. In due time, puwede nang mag-start ang operation ng Mondejar Cars Incorporated." Sagot niya. "Kaka-double check ko lang ng buong security system, everything's set." Sabi naman ni Miguel. "So, kelan na ang opening natin?" tanong ni Jester. "Next Month," sagot naman ni Kevin. "Marisse, nakahanda na ba 'yung mga gagamiting opisina sa showroom?" tanong ni Gogoy. "Oh yes! Wala ng problema doon. At ang computers na gagamitin ay i-install nila next week." Sagot nito. "Exciting 'to!" masayang komento ni Wesley. "Right. I can't wait to see the cars." Sang-ayon naman ni Wayne. "Speaking of that, kelan ang shipping ng mga kotse?" baling ni Gogoy kay Kevin. "Darating na 'yon in two weeks." "Ayos na ba sa Customs? Baka mamaya magka-aberya pa." tanong naman ng kadarating lang na Lolo nila. Mabilis silang lumapit dito, at nagmano sila pati sa Lola Dadang nila. Kakagaling lang ng mga ito sa Pampanga. Naisipan nitong bisitahin ang bahay nito doon kasama si Inday, ang kasambahay nila. Kasama rin sina Mark, Karl at Glenn. Naupo muna ito sa bakanteng silya doon sa dining area kung saan sila nagme-meeting. "Marisse, kuha ka ng tubig para kila Lolo," utos ni Marvin sa kakambal. "Ayos na po, Lolo. Nalakad ko na rin po 'yon," sagot ni Kevin. Nagdala ng isang pitsel na malamig na tubig at ilang baso si Marisse. Pinaglagay pa nito ang dalawa ng tubig sa baso. Saka inabot dito. "Kumusta ya ing bale Pampanga?" tanong ni Marvin sa wikang Kapampangan, na ang ibig sabihin ay 'Kumusta po ang bahay sa Pampanga?' "Ayus neman. Simap sesesen deng mayap. Maging ang mga koleksiyon ko ay nasa mabuti pa rin kalagayan," sagot nito. 'Ayos naman. Mabuti na lang naaalaagaan ng maayos' ang sabi nito sa una. Ang tinutukoy nito ay ang koleksiyon nito ng mga Vintage Cars. "Kumusta ya ing byahi, 'Lo?" tanong naman niya dito. Umiling ito saka tinuro ang Lola niya. "Oyni apu mu! Mangapali ne! Kaya wala kaming ginawa kundi huminto ng huminto. Binabalisawsaw na naman." reklamo nito. Nagtawanan sila. Ihi daw ihi si Lola Dadang kaya naiinis si Lolo Badong. Mayamaya ay inagaw ni Lola Dadang ang tungkod nito at inamba sa esposo nito. "Heh! Damuhong 'to! Nagreklamo ka pa! Alam mo naman itong pantog ko! Mabilis mapuno!" depensa nito sa sarili. "Aruuu! Napaka-pikon mo, nagbibiro lang ako." Depensa din nito sa sarili. "O siya, maiwan ko muna kayo't magpapahinga na ako. Hapong-hapo ako sa byahe." Paalam ni Lola Dadang. "Goodnight Lola!" sabay-sabay nilang wika. "I think that's it for now. Mag-meeting na lang ulit tayo few weeks before the grand opening. Kung magkaaberya man bago ang opening day, please let me know." Paalala naman ng isa sa pinsan niyang si Gogoy. Ito ang napagkasunduan nilang maging CEO ng Mondejar Cars Incorporated. Bilang pinakamatanda sa kanilang magpi-pinsan. "Okay," sang-ayon nila. Matapos ang pag-uusap tungkol sa negosyo. Nagkanya-kanya na silang uwi. At dahil doon naman siya nakatira sa bahay ng Lolo at Lola niya, pumunta siya sa loob ng kuwarto niya. Ang balak niya sa sandaling iyon ay matulog ng maaga. Napagod kasi siya dahil maraming customers kanina sa Jefti's Restaurant and Billiards. Ito ang kauna-unahang negosyong naipundar niya gamit ang trust fund na galing sa mga magulang niya. Na ngayon ay nasa Pampanga. Paminsan-minsan ay umuuwi siya doon para bisitahin ang mga ito. Kasama ng mga ito ang nakababatang kapatid niyang lalaki. Bilang may-ari, hands-on siya sa pagpapatakbo nito. Balak sana niyang magtayo ng isa pang branch malapit sa The Groove Bar, na siya naman pag-aari ng pinsan niyang si Karl. Pero naudlot ang plano niya ng sa wakas ay i-pursue nilang magpi-pinsan ang matagal na nilang planong negosyo. Ang Mondejar Cars Incorporated. Nag-invest silang lahat doon maging ang Lolo niya. Paghiga niya sa kama, biglang tumunog ang cellphone niya. Nang basahin niya kung kaninong mensahe galing iyon, napangiti siya ng makita kung sino ang nag-text. Si Samantha Lei Gonzales, his bestfriend. Walang ibang nakalagay sa mensahe kung hindi isang emoticons na malungkot. Napailing siya. Ano na naman kaya ang problema ng bestfriend niyang ito? "ANG kapal ng mukha nung lalaking 'yon!" maktol pa niya. Pagkatapos ay napabuntong-hininga siya. Sumipsip siya sa straw ng dala niyang mango shake. Ano ba talagang problema sa kanya? Kung hindi siya niloloko ng nagiging boyfriend niya, bading naman. Hindi niya alam kung siya ang may kakulangan, o talagang nati-tyempuhan lang talaga niya ang mga ganoong lalaki. "O, bakit na naman?" Napalingon siya sa nagtanong na iyon. Malungkot na ngumiti siya dito. Pinagmasdan niya ang isa sa pinakamalapit na lalaki sa buhay niya. Ang matalik niyang kaibigan, si Jefti. Ito lang yata ang matinong lalaki na nagtagal sa buhay niya. Palibhasa kasi, mag-bestfriend sila. Pagdating sa friendship, wala siyang dudang loyal ito. Pero nakita na niya itong magpaiyak ng babae. Napapalatak siya sa isip niya. Minsan, gusto niyang sapakin ito dahil sa ginagawa nitong iyon. Alam niya ang pakiramdam ng iniiwan ng minamahal. Pero paano niya maaatim na saktan at lagyan ng pasa ang guwapong mukha nito. Hindi bagay kung mangingitim ang maputing balat nito. O kaya naman, magdudugo ang matangos na ilong nito at ang kilay nito. O kaya naman ay pumutok ang natural na mapulang kulay ng mga labi nito. At habang papalapit ito, hindi maintindihan ni Sam kung bakit kailangan bumilis ng husto ang t***k ng puso niya. Gaya ng nakikita niya sa mga napapanood niyang teleserye kapag nakikita ng mga leading lady ang lalaking gusto nila. Parang nag-slow motion ang paligid habang papalapit ito. Lihim siyang napalunok ng mahagip ng mata niya ang mga muscles sa magkabilang braso nito. Nakasuot lang kasi ito ng sando at maong pantalon. Nang tumabi ito sa kanya, napatitig siya sa mga mata nito. Ngayon lang niya napansin na maganda pala iyon. Those brown velvet eyes were like looking at the deepest core of her heart. Bakit ngayon lang niya nakitang napakaguwapo pala ito? Napapitlag siya ng bigla nitong dutdutin ang ilong niya. "Hoy!" untag nito sa kanya. Napakurap siya. Saka mabilis na hinampas ang kamay nito. "Makadutdot naman ng ilong ko!" reklamo niya. "Eh bakit ka ba nakatulala diyan?" kunot-noong tanong nito. Tumikhim siya ng malakas. "Wa-wala," kandautal na sagot niya. "Ikaw ah! Naga-guwapuhan ka sa akin ah!" tukso nito sa kanya, habang nakangisi ito. Muntik na siyang masamid kaya tumikhim ulit siya. "Hindi ah! Ang kapal naman ng face mo!" pambabara niya dito. "Eh bakit ka nakatitig sa akin?" pang-uusisa pa nito. "Wala nga!" singhal niya dito. Bahagya siyang nagulat ng pisilin nito ang ilong niya. "Iyong butas ng ilong mo lumalaki, itiklop mo nga 'yan!" sabi pa nito. Hinampas ulit niya ang kamay nito. "Tigilan mo ang ilong ko, tukmol!" hiyaw niya dito. "Hindi mo mapapalitan 'yan kapag na-deform 'yan," pabirong sabi niya, habang hinihilot ang ilong niyang namumula na. Natawa ito. "Eh di ibibili na lang kita ng ilong sa Batibot." Sabi pa nito. "Ayoko nga! Baka mamaya magkatulad pa kami ng ilong ni Kapitan Basa!" sagot niya. Pagkatapos ay nagtawanan silang dalawa. Hanggang sa tuluyan ng mabalot sila ng katahimikan. Humugot siya ng isang malalim na hininga, saka hinilig niya ang ulo sa braso nito. "Tukmol, may mali ba sa akin?" seryosong tanong niya. "Bukod sa pangit ka, wala naman." sagot nito na may kalakip na pang-aasar. "Bading siya." Sabi niya, ang tinutukoy niya ay ang naging constant date niya. Naging espesyal na ang turingan nila ng lalaking iyon. Only to find out na ginagamit lang pala siya nito para itago ang tunay na pagkatao nito. Bahagyang yumugyog ang balikat nito, sabay tawa nito. Hindi niya napigilan na makitawa dito. Mayamaya, tumigil ito at umakbay pa sa kanya. "Ayos ka lang ba?" tanong nito. Tumango siya. "Slight," sagot niya. "Nakakainis! Kung hindi babaerong gaya mo ang napupunta sa akin, bading. Hindi naman siguro ako sinumpa no?" Piningot nito ang tenga niya. "Aray ko!" reklamo niya. "Kung makapagsabi ka talaga ng babaero? Hindi na kaya ngayon!" pagtatanggol pa nito sa sarili. "Kailan kaya ako makakatagpo ng lalaking magmamahal sa akin?" tanong pa niya dito, sabay tingala dito na siya naman tingin nito sa kanya. Kaya nagtama ang paningin. Naroon na naman ang kabang naramdaman niya kanina. Para saan 'yon? Tanong niya sa sarili. Naramdaman niya ng bahagya nitong pisilin ang isang braso niya. "Huwag kang mag-alala, nandiyan lang sa tabi-tabi ang lalaking 'yon. Naghihintay ng tamang panahon." Sabi pa nito. "Sino kaya 'yon? Nasaan? Nasaan siya?" tanong pa niya. Hindi na niya narinig na sumagot ito. Ilang sandali pa ang nagdaan, tumayo siya at humakbang palayo. "Wait, where are you going?" habol na tanong nito. "Uuwi na," sagot nito. "At doon magmumukmok?" dagdag nito sa sagot niya. Tumango siya, pagkatapos ay tumalikod na ulit siya. Hindi pa siya nakakalayo ng maramdaman niyang hinawakan ni Jefti ang kamay niya, kaya napahinto siya sa paglalakad. Kasunod niyon ay ang pagkabog ng dibdib niya. Bakit ganito ang kaba ko? Anong meron? Tanong niya sa sarili. "Ba-bakit?" kandautal niyang tanong. Humarap siya dito, ngunit hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay niya. "Wait here, I'll get something." Sabi pa nito. Nang bitiwan na nito ang kamay niya, hindi maintindihan ni Sam kung bakit tila may panghihinayang siyang naramdaman. Dahil sa pag-iisip niya kung bakit siya nagkakaganoon. Hindi na rin niya namalayan na bumalik na pala ito. Saka lang siya natauhan ng pumitik ito sa harapan niya. "Hoy! Kanina ka pa nakatulala!" puna nito sa kanya. Umiling siya. "Wala 'to." "Ikaw ah! Baka mamaya, naiin love ka na sa akin ah." Biro pa nito. Naumid ang dila niya. Hindi kaya? Tanong ng isip niya sa kanya. "Hah! Ako? Maiin-love sa'yo? Of course not!" sagot niya. Hindi agad ito nakasagot, tila natigilan ito. Hindi niya makita ang expression ng mukha nito dahil bahagya itong nakatagilid. Mayamaya, tumawa ito. "Good! Dahil alam mo naman ang mga type ko. Pang-model!" sabi naman nito. Pagkasabi nito iyon, may kung anong kirot siyang naramdaman. Bakit ganito? Parang nasasaktan ako? Mabilis niyang pinalis ang kung anu-anong naiisip niya. Nang humarap na ito, nakangiting tinaas nito ang hawak nito. Dalawang ice cream pint. Dalawang kutsara at sa likod ng pantalon nito ay ilang typewriting paper. Napangiti siya. Wala na siyang masabi. Talagang kilala siya nito. Alam nito kung paano pagagaangin ang loob niya. Bumalik sila sa puwesto nilang dalawa kanina, at doon kinain ang ice cream na dala nito. Pagkatapos, gaya ng nakagawian nila. Nag-unahan sila sa pagbuo at paramihan ng eroplanong papel, gamit ang dala nitong typewriting paper. Nang matapos sila, pinalipad nila iyon lahat. And then, she felt good. "Ano? Okay ka na?" tanong nito. Nakangiting lumingon siya dito saka siya tumango. "Yes. Thanks to you!" You're the bestfriend I ever had." Sabi niya dito. Pagkatapos ay niyakap niya ito, gumanti naman ito ng yakap sa kanya, pero bahagyang mas mahigpit ang ginanti nito. At sa tagpong iyon tila huminto ang pag-inog ng mundo niya. Pakiramdam niya ay napuno ng kasiyahan ang puso niya. Hindi dahil sa ice cream at sa eroplanong papel. Kung hindi mas higit pa doon. May kung espesyal na damdamin na pilit namumuo sa puso niya, ngunit hindi malinaw para sa kanya kung para saan 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD