PINAKIRAMDAMAN ni Ayana ang isang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang. Dahan-dahan nitong hinigit ang kaniyang katawan nang mapalapit sa matipunong katawan ng kung sinuman iyong nakayakap ngayon sa kaniya. Pinuno nito ng halik ang kaniyang pisngi hanggang sa tuluyan nitong sakupin ang kaniyang labi. Banayad ngunit may pagkaagresibo ang mga halik nito. ‘Nananaginip ba siya?’ Ayaw niyang imulat ang mata dahil baka panaginip lamang iyon at ayaw niyang matapos ang sandaling iyon. Base sa haplos nito sa kaniyang katawan at kung paano ma