“LOOK at the sea,” Gavin said. Nakaupo sila sa dalampasigan habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa kanilang harapan. Ang kalmadong dagat ay nagbibigay ng kalmang pakiramdam din sa kaniya. “So peaceful,” Gavin looked at her then smiled. Sinuklian niya ang matamis nitong ngiti. “I want to build a rest house here.” Hindi niya napigilan na ipikit ang mga mata ng sa ganoon ay mas lalo niyang maramdaman ang sariwang hangin na humahaplos sa kaniyang balat. School trip nila iyon kaya nandoon sila sa resort. Matapos nilang maggala sa iba’t ibang bahagi ng lugar na iyon ay doon sila nanatili. “Do you want to build our house here?” Gavin asked with a silly smile on his lips. “Our house? You want to build a house here too?” Kunot-noo niya