“UMUWI po ba si Gavin kagabi, Manang?” Tanong niya rito. Tapos na siyang kumain ng umagahan at ilang minuto na lang ay pupunta na siya sa kompanya nila para magtrabaho.
“Hindi, hija.”
She smiled weakly. Si Manang Belen ang laging saksi sa pag-aaway nila ng asawa niya. Tikom naman ang bibig ng kaniyang mga kasambahay kaya kampante siya.
“Aalis na po ako.”
Sadness consumed her again. How she wishes she can easily ignore her husband. If there’s a magical way to erase her feelings for Gavin, she’ll not think twice to do it.
Mababa lang ang posisyon niya sa kompanya nila. Gusto niya lang naman makita si Gavin araw-araw kaya nagpumilit siyang magtrabaho roon kahit na hindi na naman kailangan. Minsan ay hindi na nga siya nito inuuwian at madalas tulog na siya kapag umuuwi ito kaya paano pa sila magkikitang mag-asawa kung mananatili lang siya sa bahay nila?
Batid naman lahat ng empleyado sa kompanya na kasal na ito. Iyon nga lang, hindi alam ng mga ito kung sinong asawa nito. Kung tutuusin madali lang sabihin na siya ang asawa nito basta ipakita niya lang ang wedding ring nila pero syempre hindi niya pwedneg gawin iyon dahil ayaw ni Gavin.
Nang makarating siya sa kompanya ay agad siyang sinalubong Mica. Ito ang kauna-unahang nag-approach sa kaniya noong bago pa lang siya sa kompanya.
“Bakit ang laki ng eyebags mo? Ano bang ginagawa mo sa buhay, Ayana?” Nakapamayawang ito sa kaniyang harapan. Umupo siya sa kaniyang swivel chair at binuksan ang kaniyang computer para masimulan na ang trabaho.
Hindi niya ito sinagot bagkus ay sinamaan niya ito ng tingin. Tuwing umaga na lang itong ganoon. Hindi na ito napagod sa kakatanong sa kaniya. Napapagod na rin siyang magpaliwanag kaya hindi niya na ito sinasagot.
“Why don’t you tell me what’s happening in your life? O baka naman may boyfriend ka na?” Ngumisi ito sa kaniya at pabirong sinuntok ang kaniyang braso. “Ikaw, ha! Sino `yan? Ipakilala mo sa`kin!”
“Wala akong boyfriend kaya bumalik ka na r`on sa cubicle mo at magtrabaho ka na!” Akma pa sana niyang itutulak si Mica para umalis na sa cubicle niya pero biglang dumating ang secretary ni Gavin kaya hindi niya naituloy.
“Ms. Buenavista, the CEO wants to see you in his office.” Umalis na ito matapos sabihin iyon.
“Ipinapatawag ka na naman?” Takang-tanong ni Mica.
Talaga namang nakakapagtaka na direkta siyang pinapatawag ni Gavin gayong mababang posisyon lang ang meron siya sa kompanya nila. Isang simpleng empleyado lang at hindi galing sa marangyang pamilya ang pagkakakilala sa kaniya ng mga katrabaho niya. Akala rin ng mga ito ay single siya. Ginagawa niya kasing kwintas ang wedding ring nila para walang makakita.
Tahimik siyang tumayo at kumawala ang isang buntong hininga galing sa kaniya. Sa tuwing pinapatawag siya nito ay puro mahihirap na trabaho ang ina-assign sa kaniya ni Gavin na kung tutuusin ay hindi na sakop ng trabaho niya. But she chose not to complain. Kahit ano pang ipagawa nito basta makita niya lang ito ay ayos lang sa kaniya.
Nang makapasok siya sa opisina ni Gavin ay nakapokus ang mga mata nito sa mga papeles na nakahain sa mesa. Kung hindi niya pa ito tatawagin ay hindi nito mararamdaman ang presensya niya.
“Sir…”
“Encode those papers then give it to me before 6:00 pm today.” His expression was hard and hawkish. Masyadong marami ang mga papel na tinutukoy nito.
“Ngayong araw po talaga?” Umawang ang kaniyang labi ng mapagtanto na hindi niya iyon matatapos ngayong araw.
“Yes.”
“But sir—”
“Are you disobeying my order, Ms. Buenavista?”
There’s an unbearable pain struck on her heart. Kahit minsan ay hindi niya narinig mula sa mga labi nito na tawagin siya gamit ang apelyido nito. Ganoon ba siya nito kinamumuhian? Kung hindi dahil sa kasal nila ay wala ito sa upuang kinauupuan nito ngayon!
“Okay, sir.”
“Give the files to my secretary.” He glanced up at her once again before lowering his gaze on the papers. “Leave now.”
“Yes, Sir.”
Umalis na nga siya sa opisina nito at napasandal siya sa pituan nito habang sapo-sapo ang dibdib. Her heart tightened inside her chest and fresh tears well up in her eyes.
Isang taon na silang kasal pero hindi pa rin nagbabago ang trato sa kaniya ni Gavin. They were good friends before. Sa sobrang close nila ay madalas silang napagkakamalan na may relasyon kaya hindi niya alam kung bakit nagkaganito sila. College pa lang sila ay gusto niya na ito. Masyado kasi itong maalaga sa kaniya noon at ramdam niya na meron din itong nararamdaman sa kaniya.
But he became cold and hard when they got married. Ang Gavin na mayroon siya ngayon ay malayong-malayo sa Gavin niya noon. Nawalan ito ng pakialam sa kaniya samantalang dati ay kaunting galos niya lang sa katawan ay sobra na ang pag-aalala nito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit mas lalo niya lang itong nagugustuhan. Siguro ay umaasa pa rin siya na maibabalik niya ang dating Gavin na minahal niya.
She can’t believe her story is unrequited love.
She bitterly smiled. Why did she keep insisting herself to the man who can’t love her back? Love can make all people fool, right? Even though the pain was unbearable, the person was willing to bear it just for the person he loves. Inayos niya ang sarili bago pumasok sa department niya at sinimulang i-encode ang pinapagawa ng asawa. Sanay na siya sa ganoong bagay. Sinanay siya ng asawa niya. Lumipas ang ilang oras at oras na para sa tanghalian pero wala siyang balak tumayo sa kinauupuan niya. Kailangan niyang matapos ang kaniyang trabaho. Mas mahalaga iyon.
“Ayana, lunch break na. Sumabay ka na sa`min.” Kanina pa siyang niyayaya ni Mica at ilang beses niya na rin itong tinanggihan.
“Marami pa akong gagawin, eh.” Nakapokus lang ang mga mata niya sa computer at walang balak na sulyapan man lang ang mga katrabaho niya na ngayon ay naghihintay na sa kaniya sa pinto ng department nila.
“H`wag ka ngang masyadong seryoso sa trabaho. Maagang kukulubot ang mukha mo at baka hindi ka na makapag-asawa n`yan.” Stacey said, one of her officemates.
She just smiled. Sa tuwing pinupuna ng mga ito ang pagiging single niya ay gusto niyang matawa. Kung pwede lang sabihin sa mga ito na asawa niya ang CEO ng kompanya ay nasabi niya na.
“Masamang magpalipas ng gutom. Sumabay ka na kasi sa`min.” Pamimilit ni Mica pero wala paring nagawa ang mga ito kaya umalis na rin. Naiwan siyang mag-isa sa department. Hindi niya alintana ang pagkulo ng kaniyang tiyan. Ang mahalaga ngayon sa kaniya ay matapos ang trabahong nakaatang sa kaniya.
Lampas ala-siete na ng matapos niyang i-encode ang lahat. Dali-dali siyang pumunta sa opisina ng sekretarya ni Gavin. Baka kasi makaalis ito na hindi niya naipapasa ang ginawa niya. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makita niyang nasa loob pa rin ito.
“Tapos ko ng i-encode lahat. Nandito na `yong files.” Nginitian niya ito.
Tricia’s eyebrow quirks up. “Anong pina-encode sayo ni Mr. de la Vega?”
“Iyong data noong 2016.” Kita niya ang marahan nitong pag-iling. “Anong problema?”
“Matagal ko ng na-encode `yan at hindi na `yan kailangan.”
Her jaw dropped. Her forehead creased and she swallowed deeply. The fire of anger began to build up inside her. She clenched her fist and teeth and fought to hold back her tears. Kung ganoon ay nagpalipas siya ng gutom para sa wala?
“Nasa opisina pa rin ba ang CEO?” Hindi niya naitago ang kaniyang iritasyon.
“Maagang umalis si Mr. de la Vega.”
Nagusot ang mukha niya at ang tanging tumatakbo sa kaniyang isipan ay makita si Gavin para sumbatan ito. Pero paano naman kung maaga pala itong umalis? Magaling sana kung uuwi ito sa bahay nila ngayong gabi.