JANE POV "Oh ayan ha? Maayos na kayong dalawang magkapatid, siguro naman kapag umalis kayong dalawa, bati pa rin kayo di ba? Hindi na kayo mga bata ha? Matutulog na ako!" Nag ring bigla ang cellphone ni mama pero ang pinag tataka ko, bakit kinakailangan pa na sa labas niya ito sagutin. Mas lalo tuloy akong nag hihinala na mayroon siyang ibang lalaki. Nang lumabas siya, bigla namang nagtanong sa akin si Shaina. "Ate ano ka ba? Di naman ako manghihingi ng pera eh." "Ano ka ba! Dapat sa ating dalawa ang sikreto ko! Basta ako, papanindigan ko na ang pag sisinungaling ko-" "Pero mama natin siya? Akala mo ba di ko alam na nagpunta si kuya Kevin dito bago tayo mag away dalawa? Marami akong tropa dito sa lugar natin at sinabi nila na nakita raw nila na papasok si kuya Kevin sa bahay." "Wow!