KEVIN POV "Pa naman, bakit biglaan naman yatang desisyon mo jan?" "Kevin naman, ano pa ang gagawin natin dito sa Maynila kung wala na tayong matutuluyan? Biglaan na rin ang nangyari sa atin dito kaya dapat lang na lumipat na tayo ng tirahan. Kung gusto mo, pwede mo munang kausapin si Jane at sabihin mo sa kanya na gusto mong makipag balikan." Napakamot na lamang ako sa ulo dahil sa sinabi ni papa. Wala na akong planong makipag balikan pa kay Jane at hindi ko na rin gusto na magpaalam pa sa kanya. Gusto ko nang tuldukan ang ilang taong pagsasama namin kasi wala na ako kahit na katiting na pagmamahal para sa kanya. ------------------------ ------------------------ JANE POV Two weeks later, ganun pa rin ang sitwasyon ni papa. Nasa hospital pa rin siya dahil mino monitor pa rin daw ang