JANE POV Napa dilat ang mga mata ko kaagad sa ring ng cellphone ko. Kahit na puyat na puyat ako kagabi, kailangan kong idilat ang mga mata ko at maging productive ngayong araw. 6 am pa lang pero dapat ay pilitin ko ng gumising. Nawala ang antok ko ng si Sir Charles pala ang tumatawag sa akin! Dali dali naman akong bumangon sa kama ko. "Good morning po sir!" "Jane, sorry, it seems like you just woke up." "Don't worry po, sanay naman akong gumising ng umaga. May kailangan po ba kayo sa akin Sir?" Pilit kong nilalabanan ang antok kahit na hinahanap hanap pa rin ng katawan ko ang malambot kong kama. "Yes, I know you have your check up on the other day but I have come to realize that I need to care for our baby. Kaya naman, ngayon, sasamahan kita at magpapa ultrasound tayo ng baby mo.