JANE POV "Grabe ka naman sa akin Jane. Ganyan lang ba kababa ang tingin mo sa akin ha?" "Hindi mababa ang tingin ko sayo, sadyang wala na yatang direksyon ang buhay mo. Kailan ka ba titino? Sana naman maghanap ka ng permanenteng trabaho para naman mayroon kang maipag malaki sa girlfriend mo! Kahit wala na tayong dalawa, gusto ko pa rin na umayos ang buhay mo." "Kung gusto mo talagang umayos ang buhay ko, makipag balikan ka sa akin. Magsimula tayo ulit at pangako, maghahanap ako ng permanenteng trabaho para naman kahit papaano ay may pang date tayong dalawa." "Nako! Tantanan mo ako Kevin, pasimpleng banat ka na naman jan eh. Umuwi ka na lang, pero kung hindi mo kaya, pwede naman na tawagin ko ang kapatid mo para sunduin ka rito." "Teka, nasaan nga pala ang mga kapatid mo ha? Bakit para