REESE' POV
Natapos na ang dalawang araw na camp tour namin sa Batangas at sa loob ng dalawang araw na iyon ay maraming mga nangyari at nabago sa akin. Gusto ko na sanang kalimutan ang lahat ng iyon pero nandito ako sa reyalidad at kahit anong limot at iwas ko na hindi maalala iyon ay kusa pa rin iyong tatatak sa isipan ko.
Nandito si Ryu sa bahay namin at ngayon nga ay sasabihin ko na sa pamilya ko ang relasyon naming dalawa. Alam kong sa oras na malaman ito nina Kuya Red at Kuya Reevo ay sigurado akong magagalit at magtatampo sila sa akin.
Hindi nila gusto si Ryu para sa akin noon pa man. Ang dahilan kasi nila ay hindi raw mabuting tao si Ryu. Ako naman ay hindi naniniwala sa kanila sa kabila ng mga ipinakitang kabutihan ni Ryu sa akin.
Overprotective lang talaga ang mga kuya ko dahil nga nag-iisa nila akong kapatid na babae at lalake naman si Ryu kaya hindi palagay ang loob nila dito.
Pero ngayon, simula nang maging kami pati ako ay hindi na rin mapalagay ang loob ko sa kanya. Nakadepende na siya sa akin at palagi pa itong nagseselos o nagiging possessive sa isang maliit na bagay.
Ganon ba talaga ang isang lalake kapag nagkakaroon siya ng girlfriend? Siguro nga ay ganon iyon kaya iintindihin ko na lang muna ang mga pagbabago ni Ryu. Mahal naman raw niya ako kaya alam kong hinding-hindi niya ako sasaktan.
Magkahawak kami ng kamay ni Ryu habang nakaupo at nasa sala. Hinihintay namin sila Mom, Dad at ang mga kuya ko para sa sasabihin namin. Pinagpapawisan at kinakabahan na ako ngayon sa magiging reaksyon nila.
"Hey girlfie, kumalma ka lang. Matatanggap naman ako nina Tita Aiko at Tito Ramon para sa'yo, e." Sabi ni Ryu at hinagod-hagod niya ang balikat ko.
Napatingin naman ako sa kanya. "Pero sina kuya, sigurado akong hindi nila matatanggap ang relasyon natin." malungkot kong sabi. Ngumiti lang siya at hinalikan ang isang kamay ko.
"Don't mind them. Wala naman silang magagawa kung naging tayo na and besides, kung mahal ka nila ay tatanggapin nila ako para sa'yo." he said. Tumango na lang ako do'n at hindi na muling nagsalita pa.
Si Kuya Reevo ay alam kong matatanggap pa rin niya ang relasyon namin ni Ryu pero si Kuya Red? Talagang matigas siya kaya alam ko nang tututol siya sa relasyon namin ni Ryu.
Ilang sandali lang ay dumating na rin sina Mom at Dad na kakagaling lang mula sa mga trabaho nila ganon rin sina Kuya Reevo at Kuya Red.
Nang makita nila kami ay lumapit sina Mom at Dad kay Ryu nang nakangiti at bineso nila kami. Sina Kuya Reevo at Kuya Red naman ay natahimik na lang pagkakita nila kay Ryu.
"Hijo, it's nice to see you again. You're really handsome and tall na, ha? Dati, noong mga bata pa lang kayo ni Reese ay hanggang baywang ko lang kayo." Natatawang sabi ni Mom kay Ryu.
Tumawa lang rin si Ryu at nagmano ito kay Mom. "Salamat po, tita." he thanked.
Si Dad naman ang lumapit kay Ryu kaya nagmano rin ito sa kanya.
"Kailan pala uuwi ang papa mong si Ryuko dito sa Pilipinas? Hindi ba't 3 months na siyang nasa Japan?" Tanong ni Dad kay Ryu.
"Uuwi na po si Papa within two weeks. Talagang busy lang po siya sa Plantation business namin doon." Nakangiting sagot ni Ryu.
Tumango si Dad at ngumiti rin. "Miss na miss ko na kayang kainuman ang papa mo." At nag-usap na sila ng kung anu-ano.
Pagkatapos ay nagyaya nang kumain ng dinner sina Mom at Dad kaya lahat kami ay nasa dining table na.
Kapansin-pansin pa rin ang pananahimik ng dalawang kuya ko dahil kasama namin si Ryu. Sanay na sina Mom at Dad sa kanila kaya hindi na nila ito pinapansin.
Kinakabahan ako ngunit kailangan ko nang sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Ryu.
Bumuntong-hininga ako at buong tapang na hinarap ang pamilya ko. Pinisil naman ni Ryu ang palad ko nang makita niyang kinakabahan ako.
"Ahm.. Mom, Dad, Kuya Reevo at Kuya Red. M-may s-sasabihin nga pala kami ni Ryu sa inyo." Kinakabahan kong sabi.
Napahinto naman sila at tumingin sa amin ni Ryu. "Okay. What is it, baby girl?" Nakangiting tanong ni Mom.
Pumikit ako at mabilis na nagmulat. "K-kami na po ni Ryu. B-Boyfriend ko na po siya." I said.
Natahimik sila ng ilang sandali sa sinabi ko pero nang makabawi na sila ay pumalakpak bigla si Mom habang si Dad naman ay ngumiti na lang kay Ryu.
"Iyan lang naman ang hinihintay namin ni Ramon na sabihin niyo sa amin. Boto naman kami sa inyo na magkatuluyan kayo noon pa lang kaya I'm happy for the both of you!" Mom stand up and she kiss my cheeks and Ryu's saka ito bumalik ulit sa upuan niya.
Ryu was smiling widely. "Salamat po at pinagkakatiwala niyo po sa akin si Reese. I will do everything po para ingatan ko siya." Then Ryu look at me.
Ngumiti na lang ako at bumuntong-hininga ulit. Bakit parang hindi ako masaya sa naging desisyon ko? Bakit parang may kulang pa rin?
At bakit bigla ko na lang naisip ang pagsosorry ni Sky sa Batangas at sa sinabi niyang hulog na hulog na siya sa akin?
Why Sky is always in my mind?
"Take care of our daughter, Ryu kahit minsan ay pasaway 'yan." Dad tapped Ryu's shoulder while smiling.
"Of course tito, that's my duty to be Reese's boyfriend." Ryu said.
Tumingin ako kina Kuya Reevo at Kuya Red. Si Kuya Reevo ay ngumiti lang ng pilit sa akin habang si Kuya Red naman ay nakakunot ang noo at bigla na lang itong tumayo at akmang aalis na kaya napunta sa kanya ang atensyon namin.
"Red, where are you going? You didn't finished your food yet." Sabi ni Mom.
Napahinto naman at umiling lang si Kuya Red saka ito ngumisi na parang naiinis na. "Matutulog na ako. Nawalan na ako ng ganang kumain." Then he walk away at tuluyan nang umalis.
"Red, come back! Huwag kang bastos!" Pahabol pa na sabi ni Mom pero tuluyan nang nakaalis si Kuya Red.
Napayuko na lang ako at pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Kuya Red is now mad at me. Bakit ba hindi na lang niya matanggap si Ryu sa buhay ko?
Kapatid ko siya at mahal niya ako kaya dapat ay sinusuportahan niya ako sa mga gusto at desisyon ko pero bakit mahirap sa kanya na tanggapin na lang si Ryu para sa akin? Talaga bang mahal niya ako bilang kapatid niya? Bakit ganon siya?
Dad cleared his throat at bumaling ito kay Ryu. "Pagpasensyahan mo na si Red, hijo. Lumaki kasing spoiled 'yan at masyadong overprotective kay Reese kaya ganon na lang ang attitude ng batang 'yon." at umiling ito.
"I understand po. Sanay na po ako kay Kuya Red." Ryu said at hinawakan ang isang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
He smiled at me and I smiled a little bit.
I hope that someday, Kuya Red will understand my decision.
Natapos na ang dinner namin at umuwi na si Ryu sa condo niya. Humiga na ako sa kama ko at niyakap na lang ang teddy bear kong si Renren.
Masyado na akong naguguluhan at nahihirapan ngayon kaya sana mapawi man lang ito sa pamamagitan ng stuff toy na pinakamamahal at iniingatan ko.
I look at my stuff toy and my past and memories suddenly came back.
"I love you, Reese! Thank you for giving me a chance to prove how much I love you!" Sigaw ni Warren habang buhat-buhat ako at iniikot sa ere.
Natatawa na pinipigilan ko naman siya sa kanyang ginagawa pero deep inside ay kinikilig ako. We're now here at the park.
Hays, I really love My Super Kulit Consistent Suitor!
"Put me down, Warren! Nahihilo na ako sa ginagawa mo sa akin, e!" Reklamo ko. Natatawa naman niya akong ibinaba at iniharap sa kanya.
I look at his handsome face. I can't believe that he is now my suitor.
He's a heartthrob and smart guy in our school. This guy fell in love with me and I can't believe that.
He look at me while smiling then he take something inside his bag. Nang mailabas niya na iyon ay binigay niya ito sa akin.
"For you,"
A color blue cute and fluffy stuff toy teddy bear.
"Aww! Ang cute naman nito. Mas cute pa kaysa sa'yo!" Pang-aasar ko kay Warren at niyakap ang teddy bear na ibinigay niya sa akin.
He just pouted. "Ganon? Mas cute pa si Renren kaysa sa akin?"
Napatigil naman ako. "Renren?"
"Oo. Iyan ang pangalan ng teddy bear na 'yan. Warren na pangalan ko tapos ginawa ko na lang na Renren na nickname ko para kahit saan ka magpunta ay parang kasama mo na rin ako."
Tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa sinabi niya. I hugged him na ikinagulat niya.
Mahal ko na talaga siya at masaya ako na kasama ko siya ngayon.
"I love you too, Warren..."
Bigla na lang tumulo ang mga luha ko nang maalala ko ulit siya. Ilang taon na ang lumipas simula nang namatay siya pero hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa puso ko.
How can I forget you, Warren Benitez?
My first love.