Chapter 25

1234 Words
REESE' POV Kung noon ay komportable at masaya ako kapag kasama ko si Ryu pero ngayon ay parang marami nang nag-iba. Simula nang maging kami ay may doubt at pag-aalinlangan na ako sa kanya. Idagdag pa ang mga sinabi niya sa akin kahapon na kailangan ay sa kanya ko lang raw iikot ang mundo ko at ang galit sa mga mata niya nang umuwi ako galing sa Garden area ng hotel. Alam kong nag-aalala lang siya sa akin pero sa hindi ko maintindihan ay nag-aalinlangan na ako na sinagot ko siya. Matututunan ko nga ba siyang mahalin? Mas okay siguro na naging magkaibigan na lang kami pero ngayon ay naguguluhan na ako. Nalaman ko rin na wala naman talagang nangyari sa amin ni Sky. Masaya ako na kahit papaano ay naingatan ko pa rin ang p********e ko pero sa pagsisinungaling niya at pagpapaikot sa akin ay tuluyan na akong nagalit sa kanya. Ang lintik na puso ko naman ay naghuhurumentado kapag sinasabi niya sa akin na gusto niya ako at hulog na hulog na siya sa akin. Nababaliw na talaga ako dahil ang lalakeng ilang beses na akong tinangkang pagsamantalahan ay may iba na akong nararamdaman para sa kanya at kailangan ko na itong mapigilan! Huling araw na ng camp tour namin at sa awa ng striktong si Ma'am Sonia ay pinagbigyan niya ang request ng mga kaklase ko na enjoyin muna namin ang huling araw ng camp tour namin dito sa Batangas. Dahil natuwa at good mood si Ma'am Sonia sa ginawa namin sa camp tour sa Forest Park ay pinayagan niya kaming pumunta sa isa sa mga resort dito sa Batangas. Kaming lahat ay nasa resort na at ano pa nga ba ang inaasahang gagawin namin dito? May swimming, sports at night party rin kaya sigurado na mag-eenjoy kami ngayon. "Girlfie? Sabihin na natin sa parents mo na tayo na." Nakangiting sabi ni Ryu habang nakahawak siya sa baywang ko at hinahalikan ang isang kamay ko. Kinabahan akong bigla sa sinabi niya at binawi ang kamay ko sa kanya na ikinahinto niya. "K-kung kina Mom at Dad ay okay lang sa kanila ang relasyon natin pero.. sina Kuya Red at Kuya Reevo, sigurado akong hindi nila matatanggap na naging tayo na." Sabi ko at bumuntong-hininga. Umiling naman si Ryu at tumingin sa ibang direksyon. "Ang kontrabida talaga ng mga kuya mo e, no? Kung ayaw nila sa akin ay wala na akong pakialam do'n basta't ang mahalaga ay tanggap ako ng parents mo para sa'yo." sabi niya. Natahimik ako. The way Ryu speaks ay medyo nagiging rude na. "Huwag mo naman sanang pagsalitaan ng ganyan ang mga kapatid ko. Overprotective lang sila sa akin dahil nag-iisa nila akong kapatid na babae." I blunted. Hinawi lang niya ang kanyang buhok at tumawa ito ng mahina. "Anong akala nila sa'yo? Isang bata para bantayan at protektahan pa? Simula mga bata pa lang tayo ay magkakilala na tayo, Reese kaya ano 'yong mga drama nilang hindi sila tiwala sa akin pagdating sa'yo? Ang sabihin lang nila ay natatakot silang mawalan ng kinukulong na babaeng kapatid sa isang bahay." Uminit bigla ang ulo ko sa pang-iinsulto ni Ryu sa mga kuya ko pero dahil ayoko ng gulo ay pumikit na lang ako saka tumayo at tuluyan nang nag walk-out sa harapan niya. Naramdaman ko naman na sinundan ako ni Ryu kaya binilisan ko ang paglalakad ko. "Reese, saan ka pupunta?" Tanong niya at hinawakan ang braso ko saka iniharap ako sa kanya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Gusto ko munang mapag-isa kaya iwan mo muna ako." Madiin kong sabi. Pero imbes na lubayan niya ako ay hinila niya ako sa kung saan hanggang sa makarating kami sa isang tagong parte nitong resort. He shouted because of frustration na ikinagulat ko then he glared at me. "Huwag mong sinusubukan ang pasensya ko, Reese. Kailangan na palagi mo akong kasama at 'wag na 'wag mo akong tatalikuran!" Sabi niya at bigla akong hinalikan ng marahas sa labi. Nagpupumiglas naman ako sa kanya pero hindi niya pa rin ako binibitawan. Tuluyan na akong naluha dahil sa ginagawa ni Ryu sa akin. Hindi ko na kilala ang Ryu na bestfriend ko na iginagalang ang mga desisyon ko at hindi pinipilit ang mga bagay na ayoko pang mangyari. Mahal niya ako pero sa pagmamahal niya ay hinihigpitan na niya ako. Ang sakit na ginagawa niya sa akin ito. "T-tama na, Ryu.. please..." Pagmamakaawa ko pero patuloy pa rin siya sa paghalik sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Isinandal niya ako sa isang puno at hinahalikan na niya ang leeg ko. Nagsitindigan na ang mga balahibo ko dahil sa ginagawa niya. "I won't stop because I don't want to!" He said huskily between his kisses. "Class! I have something to tell you kaya bumalik na muna kayo dito sa cottage ngayon din!" Sigaw ni Ma'am Sonia mula sa malayo. Natigilan si Ryu sa paghalik sa akin at inis nitong ginulo ang kanyang buhok. "Panira talaga ang matandang 'yon!" Naiirita niyang sabi sabay sipa sa puno na sinandalan niya sa akin. Natigil ako sa pag-iyak at nagpunas ng luha ko. Humarap naman siya sa akin at nginitian ako. "Sorry, girlfie. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. Halika na, bumalik na tayo sa cottage." Nakangiti na niyang sabi at inakbayan ako papaalis sa kinatatayuan namin. Mas lalo akong kinilabutan sa biglang pagbabago ng mood ni Ryu. Tama nga kaya ang mga sinasabi ni Sky tungkol kay Ryu? SKY'S POV Apektado pa rin ako sa mga sinabi sa akin ni Reese at ang masakit pa do'n ay sinabi niyang kahit na kailan ay hinding-hindi niya ako magugustuhan. Mali nga ba ako ng paraan para makuha ko siya? Kung naging mabuti nga ba ako sa kanya ay magugustuhan niya rin ako? But still, I will continue my Dirty Game. I saw her alone in one of cottages here in the resort. I'm just looking at her. She looks very sad and very dissappointed. Lumapit naman ako sa kanya. Nang makita niya ako ay nagulat siya at sinamaan ako ng tingin. "Anong ginagawa mo dito? Umalis ka nga!" Sabi niya na may halong pagkainis. Binaliwala ko lang ang sinabi niya at umupo ako sa tabi niya. I can't believe that I'm still approaching this girl and ended up rejecting me again. "I'm sorry." I said. Natigilan siya sa sinabi ko at napatingin sa akin. "Sorry for what?" Tumingin ako sa dagat na kaharap lang namin at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "For attempting to rape you, to bother you, to force you to like me. Sa lahat-lahat. Sana ay mapatawad mo ako." Sabi ko ng seryoso. Umiling lang ito sa sinabi ko. "Hindi ganon kadali na patawarin ka, Sky. Halos sirain mo na ang buhay ko dahil sa ginagawa mo sa akin. Mahirap magpatawad sa ngayon. Gusto ko muna ng katahimikan." Sabi niya sa nanghihina niyang boses. Lumilipad ang ilang hibla ng buhok niya dahil sa hangin mula sa alon ng dagat. This is the perfect view I've ever seen. "Okay but remember, I won't stop myself from loving you and one day, I hope that you will see my worth. Another thing is.. please be careful to the people around you. They might be an angel outside but a beast inside." I said. I stand up while leaving her dumbfounded and confuse. You will love me soon, Reese and I will make sure.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD