REESE' POV
Now that I'm Mrs. Vereese Santillan-Avenido ay medyo challenging sa akin ang maging asawa ng isang Sky Avenido. Wala naman akong masyadong alam sa mga gawaing bahay, kahit nga sa pagluluto ay palpak ako.
Si Sky ay marunong sa lahat ng mga gawain kaya medyo nahihiya ako sa kanya. Ako ang babae pero ako pa ang walang alam sa mga gawaing bahay pero hindi naman ako papayag doon! Magpapaturo na lang ako sa mga gawain sa mga katulong namin nila Mom sa bahay.
Naghoneymoon kami sa Baguio pagkatapos nang kasal pero wala pa namang nangyayari sa amin ni Sky. We're only 20 years old at gusto ko na mapaghandaan namin ang future ng magiging mga anak namin.
He kindly disappointed on what I'd said pero nirerespeto niya ang desisyon ko. Kapag handa na lang raw ako.
Pagkatapos ng honeymoon namin ay umuwi na kami ng Maynila dahil next week ay magiging busy na si Sky sa pagpapatakbo ng business ng pamilya nila. Siya ang inaasahan nina Tito Clyde at Tita Kristina na magpapatuloy nun kaya ayaw silang biguin ni Sky. Sa isang buwan pa ako magtatrabaho sa kompanya nina Mom at Dad dahil nandyan pa si Kuya Red para tumulong.
Sky and I decided to date in the mall. Habang wala pa siyang trabaho ay sinusulit na namin ang moments na magkasama kami.
All the people inside the mall ay napapatingin sa amin habang naglalakad kami. Napapansin ko na napapatingin sa akin ang mga lalake habang ang mga babae ay halos tumulo na ang laway sa pagkamangha sa kagwapuhan ng isang Sky Avenido.
Well, I can't blame them. Sky is too perfect.
"Dapat talaga hindi na tayo pumunta rito, e. Halos lahat ng mga lalake nakatingin sa'yo." Naiinis na sabi ni Sky habang hawak ang isang kamay ko.
"Halos lahat nga ng mga babae ay nakatingin din sa'yo." Sabi ko naman at inirapan siya.
Natawa lang siya sa reklamo ko at inakbayan ako.
Nang mapahinto kami sa tapat ng isang restaurant ay kaagad akong hinila ni Sky sa loob at pinaupo sa isang bakanteng table. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang menu na nakapatong sa lamesa.
"Ako na ang mag-oorder sa'yo. Sinabi sa akin ni Ailah na nagda-diet ka raw. Sino ba ang pinagpapa-sexyhan mo? Si Zeke ba?" Nakataas na kilay niyang tanong na ikinatawa ko.
"Grabe ka! Pati ba naman si Zeke ay pinagseselosan mo? Close lang kami ng Private Investigator n'yo na 'yon, no!" Sabi ko.
Umiling siya sa sinabi ko. "Close? Baka sa sobrang close n'yo na ay magkagusto ka na sa kanya. Palagi mo ngang sinasabi na gwapo siya." Nakasimangot niyang sabi.
I looked at him and smiled. Ang cute-cute talaga niya kapag nagseselos!
Kinurot ko ng mahina ang magkabilang pisngi niya at pagkatapos ay hinalikan siya na kinabigla at ikinapula ng buong mukha niya.
"Hindi naman ako magkakagusto sa ibang lalake bukod sa'yo. Gwapo nga si Zeke pero unbeatable pa rin ang kagwapuhan mo kaya 'wag ka nang magselos dahil hindi gusto ni Mrs. Vereese Santillan-Avenido 'yan." Malambing kong sabi.
Mula sa pagkakasimangot ay unti-unti siyang napangiti at tinitigan ako mula sa mga mata ko. "I can't believe you're my wife; I'm such a lucky bastard to have you, babe..."
Ang sarap talaga kapag napapakinggan ko kay Sky ang mga salitang iyan. He has no regrets na ako ang pinakasalan niya at maswerte raw siya na mayroong ako sa buhay niya.
How could he have been so sweet?
"Me too, Sky... I'm so blessed to have you."
Napangiti siya sa sinabi ko at hinalikan ako.
AUSTIN'S POV
"Cyndi, pwede bang kumain muna tayo? Kanina pa ako parang chapperone dito na dala lahat ang mga pinamili mo. I'm hungry and I'm still tired dahil sa mga tambak na projects ko sa opisina!" Naiinis kong bulyaw sa pinsan ko na kasama kong umuwi ng Pilipinas last week.
Umirap lang siya sa akin at tumango. "Fine! We will eat pero pagkatapos ay magpapa-spa ako at hair treatment, okay?" Maarte niyang sabi.
I massage my forehead at tumango na lang.
Kung hindi lang ako pinakiusapan na samahan si Cyndi na magmall ng Mommy niya ay hindi ako magtitiis sa kaartehan ng babaeng 'to.
Dapat si Oliver ang nasa posisyon ko ngayon pero ang walanghiyang kapatid kong iyon ay nawawala na naman at hindi mahagilap!
Nang may makita kaming restaurant ay papasok na sana ako sa loob nang bigla akong hilain ni Cyndi sa braso ko at kinikilig na may tinuro sa loob ng restaurant.
"Do you see that guy? Oh my gosh! He's so handsome!" Tili niya.
Tumingin ako sa tinuturo niya at nagulat ako nang si Sky iyon na kumakain sa loob ng restaurant kasama si Reese.
They're dating in the mall, huh?
"I know that guy, he's Sky Avenido." Sabi ko habang nakatitig kay Reese na masayang nakikipag-usap sa asawa niya.
"Really? Ipakilala mo naman ako sa kanya, cous! I want to talk to him." Pakiusap ni Cyndi.
I smiled. "Yong babaeng kasama niya ay asawa niya."
Bigla namang sumimangot si Cyndi sa sinabi ko at napairap. "Tsk! Mas maganda naman ako kaysa sa asawa niya."
I chuckled.
Mukhang type pa yata ng pinsan ko si Sky and I can use Cyndi for my plan.
Good idea.
"I have a plan." Sabi ko at hinarap si Cyndi.
"What plan?" Tanong niya.
"You're Cyndi Jimenez, right? And Jimenez didn't accept defeat. We always get what we want, so why don't you get and seduce that Sky guy?" nakangiting sabi ko.
Napaisip siya sa sinabi ko at pagkaraan ay nginisian ako.
"Tell me, do you like his wife?"
Tumawa ako.
"Am I being too obvious?" I chuckled.
"Because I already know you? And we're cousins?" she asked. "But yes, I just want to ruin some relationship for fun, and you're kindly agreeing as well, so I'm in."
Napailing na lang ako habang napapangiti.
"Let's go inside?" I asked.
Cyndi grinned and nodded.