REESE' POV
After 2 years...
"You may now kiss the bride!"
Nagpalakpakan ang lahat ng mga taong nasa loob ng simbahan when Sky kissed me in front the altar of the church. I kissed him too at pagkatapos ay nagsigawan at naghiyawan ang mga bisita.
Last 2 years, Sky proposed to me sa tapat ng mansyon nila. Pinagplanuhan na niya pala ang pagpo-propose sa akin that time katulong ang parents niya pati na ang family ko. When the time na lumuhod siya sa harapan ko at isinuot ang singsing sa aking daliri ay hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko noong mga panahon na iyon.
May halong saya, kaba at higit sa lahat ay excitement.
Alam ko na siya lang ang lalakeng gusto kong pakasalan. I know that he's the one for me at sa mga pagsubok na darating sa amin ay kakayanin ko ang lahat ng iyon basta't kasama ko si Sky.
Sky graduated as Suma c*m Laude in YGA at nakapagtapos ng Business Administration same like me. Balak niyang magtrabaho sa kompanya ng kaniyang mga magulang at ganoon rin ako.
After the wedding ceremony ay dumiretso na kami at ang mga bisita sa reception area ng kasal sa mansyon nila Sky. Sky and her Mom are in good terms now. Hindi ko na inalam pa kung ano ang issues na mayroon sa kanila noon pero nagpapasalamat ako at nagkaayos na sila.
My family, relatives, friends and even business partners are here in the reception area, and Sky's, too. Maraming mga bumabati sa amin at may dalang wedding gifts or money.
I saw Ailah and her boyfriend Niccolo, Jedus and his girlfriend Lian, Raven and the love of his life, Serene at si Ivo na papunta sa kinaroroonan namin ni Sky.
Nang makalapit na sil ay binati nila kami.
"Congrats to the newly wed couple, Mr. and Mrs. Avenido! Honeymoon na 'yan pagkatapos!" Sigaw ni Jedus na nakatikim ng batok mula kay Ailah.
"Ikaw talaga, Legazpi! Puro honeymoon na kaagad 'yang nasa isip mo!" mataray na sabi ni Ailah at inirapan si Jedus.
Natawa na lang si Lian sa pagpout ni Jedus at yumakap ito sa kanya.
"Hon, oh? Inaaway ako ng amazona mong kaibigan." Sumbong ni Jedus sa girlfriend niya.
Natatawa namang kumalas sa pagkakayakap nito si Lian. "Mabuti nga 'yan sa'yo."
And we laughed.
They gave their wedding gifts to me at kay Sky at pagkatapos ay umupo kami sa isang mahabang table.
"Congratulations nga pala sa kasal n'yo, bro." Bati ni Raven at nakipag-apir kay Sky na kung todo makakapit sa akin at parang ayaw na akong pakawalan.
This is his possessive side that I really loved.
"Thanks." Sky said.
Binati rin ako ng iba pa naming mga kaibigan at pagkatapos ay nag-usap na kami habang kumakain.
"Grabe, Reese! Sobrang ganda mo talaga lalo na ngayon. Nagmumukha tuloy akong alalay dito nang dahil sa'yo!" Natatawang sabi ni Ailah na ikinatawa rin ng iba.
"Mukha ka naman talagang alalay, Ailah. Pasalamat ka lang at pinagtatiyagaan ka ni Niccolo." Pang-aasar naman ni Jedus na nakatikim ng death glare mula kay Ailah.
"Pasalamat ka rin at pinagtatiyagaan ka ni Lian kahit mukha ka pang kengkoy!"
Nagkunwari namang parang nagulat si Jedus sa sinabi ni Ailah at itinuro ang sarili niya.
"Ako? Mukhang kengkoy? Sa gwapo kong 'to?" Sabi niya with his fake shocked expression.
"The truth hurts." Pag-imik ni Ivo na ikinatawa namin.
Jedus roll his eyes at hinapit na lang sa baywang si Lian na busy sa pakikipag-usap kay Serene.
"I'm very excited to our honeymoon, babe." Bulong ni Sky sa tainga ko na ikinapula naman ng buong mukha ko.
He chuckled at my reaction at mabilis na hinalikan ang labi ko.
Oh my! Matagal na akong hinahalikan at pinapakilig ni Sky pero bakit hindi pa rin ako masanay-sanay sa kanya?
Pakiramdam ko ay para pa rin akong teenager na kinikilig dahil sa crush niya. Si Sky Avenido kasi ito, at ngayong dala ko na ang apelyido niya ay kailangan ko nang maging isang mabuting asawa sa kanya.
Nakita ko na papalapit ang family ko at ang family ni Sky sa kinaroroonan namin kaya tumayo kaming 'mag-asawa' mula sa pagkakaupo at binati sila.
Pagkatapos ng batian ay sandaling humiwalay sa amin sila Sky, Dad ko, Tito Clyde at ang mga kuya ko para mag man-to-man talk raw. Iniwan na rin kami nina Mom at Tita Kristina dahil may mga kakausapin pa silang mga bisita.
I was left with my friends at manghang-mangha silang makita ang pamilya namin nila Sky.
"Wow! Para kayong royalties ng mga family ninyo kapag pinagsama-sama kayo, ah?" Sabi ni Ailah.
"Great genes." Sabi naman ni Serene.
"And perfect choice!" Lian said.
"S-salamat." Sabi ko.
I pouted sa hiya at nakita ko na nakatitig sa akin 'yong mga boys sa ginawa ko kaya kaagad kong inayos ang ekspresyon ng mukha ko at umupo na lang ng tuwid.
"Now, I wonder why you're so beautiful, Reese. Sana naging kasing ganda mo navlang ako!" Sabi ni Ivo at umirap ng pabiro.
Natawa naman ako. "Sorry ka na lang dahil naging lalake ka at ang masaklap pa ay gwapo ka at hindi maganda." Sabi ko na ikinailing niya at nagkibit-balikat.
"Sad life." He said.
Natawa kami.
Nagpaalam muna ako sandali sa mga kaibigan namin ni Sky na mag c-cr lang. Nag insists pa si Lian na sasamahan niya ako pero tumanggi ako at sinabi ko na ako na mag-isa.
Bawat taong nadaraanan ko ay binabati ako kaya nagba-bow ako at nagpapasalamat sa kanila.
Habang naglalakad ay napatigil ako nang makitang papalapit sa akin ang lalakeng hindi ko na muling nakita pa after 2 years.
He's still handsome just like before but more matured looking. Naka brush-up ang buhok niya at nakasuot ng black tuxedo na may nakapaloob na red checkered polo shirt.
He's so tall at malakas ang dating kaya maraming mga bisita ang napapatingin sa kanya habang papalapit sa kinaroroonan ko.
Nang makalapit siya sa akin ay nginitian niya ako at hinalikan ako sa pisngi na ikinagulat ko.
"Congrats, Mrs. Avenido." He said at pagkatapos ay hinalikan ang kamay ko.
"A-Austin?" Nautal kong sabi at kaagad binitawan ang kamay ko mula sa kanya.
He smiled and nodded. "I'm sorry kung hindi ako nakaabot sa wedding ceremony n'yo ni Sky. Nadelay kasi ng 3 hours ang flight ko kaya dito lang ako sa reception ninyo nakaabot." Paghingi niya ng paumanhin.
Bigla akong natauhan at napaayos.
Bakit parang kinakabahan ako kay Austin? Kung anu-ano na talaga ang mga pinag-iisip ko! Maybe nagulat lang ako dahil sa loob ng dalawang taon ay ngayon ko lang ulit siya nakita.
"Okay lang. Salamat nga pala sa pagpunta." Sabi ko at nginitian siya.
"Reese..."
Nagulat ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Sky at hinapit ang baywang ko. Nakatingin lang siya ng seryoso kay Austin na nakangiti sa harapan namin.
"You're here." Sabi ni Sky with his cold voice habang nakatingin kay Austin.
Austin nodded at nagpamulsa. "Yeah. Congrats sa wedding n'yo. Anyways, I have to go. May pupuntahan pa pala ako. Pumunta lang ako dito para batiin kayo ni Reese."
Hindi naman sumagot si Sky at tumango na lang.
"Aalis ka na? Kumain ka kaya muna dito." Nag-aalala kong sabi na mas lalo pang hinapit ni Sky ang sarili ko sa kanya.
Umiling lang si Austin. "Thanks, but my Mom's in a hurry and she needs me. Maybe next time? Pwede naman tayong mag-usap someday." He said.
Naramdaman ko ang pagkuyom ng kamao ni Sky kaya hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya. Lumalabas na naman ang pagkaseloso niya.
I nodded. "Sige. Mag-iingat ka, ha? Salamat ulit sa pagpunta mo dito."
Austin smiled and nodded at pagkatapos ay umalis na siya.
Pagkaalis ni Austin ay hinarap ako ni Sky at tinitigan mula sa mga mata.
"Please stay away from him." He said seriously.
Nagtaka naman ako. "But why?"
He sighed at hindi makasagot.
Napailing ako at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. "Don't be so jealous. We're married, right? At wala nang makakaagaw pa sa akin mula sa'yo."
Unti-unti naman siyang napangiti sa sinabi ko at bigla akong hinalikan.
"Yes, because you're now my Mrs. Sky Avenido..."