Chapter Two

1774 Words
Jullianna's POV HINDI KO matanggap na si Gavin ang naging first kiss ko. Ang bwisit na 'yon! Nakakainis siya. Nabuhay lang ata siya para inisin ako. Siguro sinadya niya na halikan ako kahapon. At hindi dahil sa pagka-clumsy ko kaya nagdikit ang mga labi namin. Binalak niya 'yon, sinabotahe niya ang first kiss ko! "Argh!" inis na nagpagulong-gulong ako sa kama. "Honey?" ang malambing na boses ni mommy ang narinig ko mula sa labas ng aking kuwarto kasunod ang marahang pagkatok. "Are you up, baby?" Hindi ako sumagot. Muli lang akong umayos ng higa at tumulala sa kisame. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at ang mga yabag ni mommy na papalapit sa kama ko. Hindi ko siya nililingon kahit pa naramdaman kong lumundo ang kama dahil sa pag-upo niya sa gilid niyon. "May masakit ba sa 'yo?" nag-aalala at punong-puno nang pagsuyong tanong ni mommy. Ang boses niya ay tila sa isang anghel. Napakasuyo at napakalambing. Ang hinhin niyon na animo hindi marunong magtaas ng boses o magalit man lang. Pero sabagay ni minsan 'di ko pa naman nakita o narinig si mommy na nagalit. Ni hindi ko rin sila nakikitang nag-aaway ni daddy, kahit nga ata tampuhan. Si mommy kasi super submissive at si daddy naman sobrang devoted kay mommy. Walang oras na hindi ko nakikitang sweet sila sa isa't isa. Lagi rin na ang mga tingin ni daddy kay mommy ay puno ng pagmamahal kahit pa hindi aware si mommy na tinititigan siya ni daddy. Somehow nakikita ko si Gabriel kay daddy. Kung gaano kalambing si Gab sa mga magulang, kung paano niya protektahan at alagaan ang mga nakakabatang kapatid. Responsible si Gab despite of his young age. Miski sa 'kin napakabait niya. He helped me with my studies kahit pa busy rin siya sa studies niya. Wala akong naririnig na reklamo kapag nagpupunta ako roon para lang magpaturo sa kanya. He even made me meryenda kahit pa ako ang ang nang-iistorbo sa kanya. He's so sweet. At alam ko, kapag nagkaroon din siya ng wife he will treat his wife perfectly, just like my dad to my mom. And I want to give Gabriel everything I have, including my first kiss, but Gavin took it. Damn Gavino! Naramdaman ko ang paghaplos ni mommy sa balikat ko.I still didn't look at her; my eyes were fixed on the ceiling, looking at nothing. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko kaya pinipilit kong huwag kumurap para hindi bumagsak ang luhang namumuo roon. "M-mom..." My voice croaked. "Hey... what's wrong?" Mas lalong nag-alala si mommy. Nilingon ko si mommy na may nagbabadyang luha sa mga mata. "I lost my first kiss, mom... someone took it from me," sumbong ko. Saglit na natigilan si mommy pagkuwan ay may sumilay na ngiti sa kanyang maamong mukha. "And who the hell did that?" Nanlaki ang mga mata kong nang marinig kung sino ang nagsalita. Napabangon akong bigla nang makita si daddy na may madilim na ekspresyon sa kanyang mukha sa bukana ng aking silid. "Dad!" "Sweetheart, eavesdropping is impolite," mom repremanded dad. Tumikhim naman si daddy pero kahit papaano ay kumalma ang ang ekpresyon ng mukha niya pero ang pagkakakunot ng noo niya ay hindi pa rin naalis. "Who stole your first kiss, Julliana?" tanong ni dad sa boses na animo handa niyang ipakulong ang kung sino mang babanggitin kong nagnakaw ng first kiss ko. Nakalabing sumandal ako sa headboard ng kama ko at humalukipkip. "Gavino..." bulong ko. Napataas ang kilay ni daddy. Si mommy naman ay nag-form ng O ang bibig. Pagkatapos ay nagkatinginan si mommy at daddy bago umismid si daddy. Marahang tumikhim si mommy bago muli akong hinarap. "He called last night," sabi ni mommy. "Who?" kunot ang noong tanong ko. "The culprit," paismid na sagot ni daddy na ikinatawa naman ni mommy. Lalo akong naguluhan. "Gavin called last night; he apologized and said he didn't intend to do what he'd done. I was so confused as to what he was talking about, but I now understand." Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni mommy. "He did what?!" Ang buwisit na 'yon! "So, he snatched your first kiss?" dad asked. Mukhang hindi natutuwa. "Someone kissed my baby, damnit..." salubong ang kilay na bulong ni daddy. "I should talked to his parents!" "Dad!" "Mael!" Sabay na saway namin ni mommy. Ngayon bigla akong nagsisi kung bakit ko pa ba kasi nabanggit ang tungkol sa bagay na iyon. "What? He stole your kiss. You still a baby!" "I am not a baby!" "Yes you are, Jullianna!" "Mom..." ungot ko kay mommy dahil kapag ganito si daddy na lumalabas ang pagiging over protective ay nakakainis. "Ishmael," babala ni mommy kay dad na agad namang tumigil. Binalingan naman ako ni mommy, "why don't you explain to us what really happen? Did he do that on purpose or it's just an accident?" Napalabi ako at walang nagawa kung hindi ikuwento kung ano talaga ang nangyari. Masama ang loob ko dahil na-invalidate na ang galit ko kay Gavino. Pinagsabihan ako ni mommy na humingi ng sorry kay Gavino dahil sa ginawa kong pagsampal sa kanya. "HOW did it feel to have a first kiss, Ate?" Amber asked me: She's my little sister; I was just three years older than her. Amber sitting beside me in the back seat of our car. Papasok kami sa school at si Kuya Temyo ang driver namin. I glanced at kuya Temyo pero mukha namang busy siya sa pagmamaneho o nagpapatay malisya lamang siya na hindi kami naririnig. "It's sucks," I answered and rolled my eyes, reminding myself of my first kiss. Actually, it wasn't called a kiss since our lips just brushed for a few seconds. But it's still a big deal for me. "Why?" inosenteng tanong ni Amber. Umusod pa siyang lalo papalapit sa akin. "Because he's not supposed to be my first kiss, Amber! I reserved my first kiss for my first love." Kumiling ang ulo ni Amber. Parang lalong naguluhan. "But... why should it be your first love?" "Because that is exactly what it should be. I believe that all firsts should be saved for my first love in order for him to love me excessively since it is a tremendous honor to him." Isa pa lang naman ang lalaking pinagtuunan ko ng pansin at pinangarap na gawin ang lahat ng first ko sa kanya kaso nga lang... Lumabi si Amber pero hindi na siya nagsalita pa. Nanahimik na lang din ako hanggang sa makarating kami sa school. "I think you're crazy, Ate," narinig kong sabi ni Amber nang naglalakad na kami sa loob ng school grounds. "What?" Umismid ang maamo niyang mukha. Amber is a spitting image of our mom. While I look like our dad. "Si kuya Gavino and kuya Gabriel ay sobrang magkamukha. Kahit pa si kuya Gavino ang nahalikan mo sa sobrang pagkakahawig nila para na ring si kuya Gabriel ang naging first kiss mo. Mindset ba," sabi niya na nagmumwestra pa ng mga kamay. "Magkaiba sila!" "Because of the smell of their breath?" "How would I know the difference hindi ko pa naman naaamoy ang hininga ni Gabriel!" At kahit na-te-tempt ako noon na ilapit ang ilong ko sa bibig nio Gabriel kapag tinututuran niya ko para maamoy ko ang hininga niya ay hindi ko magawa dahil baka ma-turn off siya sa akin. "E di magpalit ka na lang ng first love! Si Kuya Gavino na lang ang first love mo, siya naman ang first kiss mo, e. Na-i-stress na ako sa 'yo, ate!" What the fudge? Siya pa ang may ganang ma-stress sa akin? Siya nga itong kung ano-ano ang sinasabi na wala namang katuturan. "Argh!" Inis na tinalikuran ko na siya at tumuloy an sa building ko. May mga bumabati s akain pero hindi ko pinapansin mainit pa rin kasi ang ulo dahil sa kung ano-anong mga pinagsasabi ni Amber. Yun ba ang mga nakukuha niya kakabasa sa mga fantasy book? Napapraning na ba ang kapatid ko? I think I should talk to-- Naging marahan ang paglalakad ko nang may amamataan akong nakatayo sa labas ng room namin. Nakasuot ito nang pang senior high uniform. Bumilis ang t***k ng puso ko for a momment not until mapansin ko ang hikaw sa kaliwang tenga nito. I though na si Gabriel iyon pero si Gavino pala. Hindi ko siya pinanasin at lalagpasan ko sana siya ng iharang niya sa harap ko ang isang cadburry chocolate at maliit na blue teddy bear. "Pinabibigay ni Gabriel," sabi niya na mabilis na ikinalingon ko sa kanya. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Sabi niya bigyan raw kita nito at mag-sorry ako sa 'yo dahil sa nangyari nung Sunday," sabi niya na sa tonong parang may utang na loob ako sa kanya. Bigla namang nawala ang excitement na nararamdaman ko nang malamang hindi naman pala talaga kay Gabriel galing ang iniaabot nito. Muli ko na sana siya uling lalagapasan dahil mas lalo nioya lang pinainit ang ulo ko. How dare him na gamitin pa si Gabriel sa mga pakulo niya. Akala ko pa naman si Gabriel na talaga ang nagbigay non. Umasa pa naman ako. Iniharang niya uli ang kamay niya para hindi ako makadaan. "Kunin mo na, tapos magbati na tayo." Halata na ang pagkainip s amukha nito. "Ayoko ko nga. Habang buhay akong galit sa 'yo, you thief!" Tinabig ko siya at tuluyan nang pumasok. Nakatingin sa amin ang mga kaklase ko pero hindi ko sila pinansin diretso lang akong naupo sa silya ko sa tabi ng bintana. Nagulat na lang ako nang biglang may naupo rin sa tabi ko at may nagpatong ng chocolate at teddybear sa mesa ko. Matalim ang mga matang binalingan ko si Gavino. Hindi na seryoso ang mga mata niya. Nakangisi an siya uli gaya ng karaniwan niyang ekpresyon at tila nakakaloko ang mga matang nakatingin sa akin. "Hindi ko naman sinasadya na manakaw ang first kiss mo," anito na inilapit pa ang mukha sa mukha ko kaya napaatras ako pero hidni ako masyadong nakalayo dahil hinawakan niya na ang likod ng ulo ko. "Kung masama ang loob mo dahil sa 'kin napunta ang first kiss mo, ibabalik ko na..." after that he kissed me! Matagal at mariin. Unlike sa nangyari nung Sunday na basta lang nagdikit ang labi namin ngayon at naramdaman ko ang paghagod ng dila niya sa labi ko. And it shocked me. Bago ko pa siya maitulak ay nakatayo na siya at sisipol-sipol na naglalakas palabas ng room. Nasa pintuan na siya ng muli siyang lumingon. "Ah, sinama ko na yung interes para wala ka namang masabi," nakakalokong anito at kinindatan pa ako.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD