Chapter One

1252 Words
Jullianna's POV TAPOS na ang misa kaya mabilis akong humiwalay kina mommy para pumunta sa bukana ng simabahan. Palinga-linga ako sa paligid. Maraming tao ang nagsisimba ngayon dahil unang Linggo ng buwan kaya mas tinalasan ko pa ang aking mata. Sinisiguro kong hindi makakaligtas sa akin ang pakay ko. Linggo-linggo pinanabikan ko ang araw na 'to. Ito kasi ang araw na puwede kong makasabay si Gabriel at makausap kahit saglit lang. Nakita ko na siya kanina. Na sa kabila ng pew kasama ang mga magulang niya at kapatid. At nasa unahin namin yon kaya alam kong kami ang naunang nakalabas. Mayamaya pa nga ay may pamilyar na bulto na akong natanawan. Automatic na humagod ang aking palad sa aking buhok at dress. Isang baby pink na dress na umabot hanggang sa itaas ng tuhod ang suot ko. May lace ribbon sa bandang baywang. Katerno iyon ng headband kong suot at doll shoes. Mabilis kong dinukot ang lipgloss ko at naglagay para masigurong hindi ako maputla sa paningin ni Gabriel. Huminga ako nang malalim para itago ang excitement na nararamdaman ko. Ayoko namang magmukhang trying hard kay Gabriel, major turn off yun. "Hi, tito Gabino, tita Sab," masiglang bati ko sa mag-asawang Melchor; ang mommy at daddy ni Gabriel. "Jullianna! Kamusta ka, hija?" bati sa akin ni tita Sabrina. Bumeso ako sa kanya at nagmano kay tito Gabino. "Hi, Juls," bati sa akin ni Gabriel. Kaakbay niya ang kapatid niya si Leticia, ang sumunod rito. "Hello," bati ko sa kanila sabay ipit ng buhok sa likod ng tainga ko. "Ang awkward mo magpa-cute," ani Gavin na kakalapit lang, ang salot na kakambal ni Gabriel. Karga nito ang bunsong kapatid na si Alicia. Nakangisi sa kanya si Gavin ng nakakaloko. Sarap burahin ng mukha. Kung wala lang kami sa labas ng simabahan at hindi lang kaharap si Gabriel at mga magulang ng mga ito malamang na natarayan ko na si Gavin. Epal kasi. Hindi ko alam kung paano ito naging kakambal ni Gabriel, samantalang ubod ng bait ng huli. Sa katunayan ito ang student president nila sa St. Ignatius, ang nag-iisang private school dito sa San Ignacio na pag-aari ng pamilya namin. Doon ako nag-aaral bilang grade nine habang si Gabriel naman ay grade twelve na. Huling taon na nila sa Highschool department at lilipat sa Capistano University of College na nasa kabilang bakod lang naman ng St. Ignatius. Malapit lang kung tutuusin pero magiging madalang niya na itong makita lalo na kapag breaktime. "Gavin..." saway rito ni tito Gabino. Pilit ang ngiting nginitian ko si Gavin bago bumaling sa daddy nito. "Okay lang po, tito. Alam ko naman pong palabiro talaga 'tong si Gavin." Sorry po, Lord, sa pagsisinungaling. Kung di ba naman talaga demonyito kakalabas ko lang ng simbahan nagawa niya na akong pagawain ng kasalanan. Buti na lang talaga hanggang physical appearance lang ang pareho sa dalawa. Umismid naman ang malditong si Gavin. Halatang hindi naniwala na okay lang sa akin ang pasmado niyang bibig. "Asan pala ang mommy at daddy mo? Bakit ka nag-iisa?" magiliw na tanong sa akin ni tita Sab. Si tita Sab ay pinsan ng tita Erika ko na asawa naman ng tito Juancho ko na kapatid ng mommy Angela ko. "Nauna na po sila, tita Sab." "Gano'n ba? Ang mabuti pa sumabay ka na sa amin. Dadaan kami sa chef Melchor, doon ka na rin mananghalian," aya ni tita Sab na ikinakinang ng mata ko at ikinalapad ng ngiti ko. Hulog talaga ng langit si tuta Sab. Mababait naman ang mga ito, maging si tito Gabino. Nakakapagtaka talaga si Gavin kung saan nagmana. Kung hindi lang ito kakambal ni Gabriel baka isipin kong ampon lang ito. "Salamat po, tita," kunwaring nahihuyang pasalamat ko kahit pa sa totoo lang ina-anticipate ko na talaga 'yon. Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa parking lot ng simbahan. Wala na roon ang kotse ni daddy kaya nakahinga ako nang maluwag. "Hey," bati ni Gabriel sa akin ng pasimple akong sumabay sa kanya sa paglalakad. "Hi, Juls," nakangiting bati ni Gavin sa kanya. "You looked pretty," puri pa nito na halos ikahimatay niya sa sobrang kilig. "Maihi ka sa kilig, uy..." bulong ni Gavin na sumabay din sa paglalakad nila bitbit pa rin ang kapatid. Sinamaan niya ito ng tingin pero hindi pinansin. Narinig niya namang mahinang natawa si Gabriel at para iyong musika sa pandinig niya. Haaayy... Sa Chef Melchor kami tumuloy, ang pag-aaring restaurant ni Tito Gabino. Marami ng mga parokyano kaya ang pamilya ay sa garden nananghalian. Under construction pa ang Greenhouse na extension naman ng restaurant. Malaki at malawak ang Greenhouse. Iilan pa lang ang mesa roon. Mayroong manmade na pond doon na may mga coy fish. May tulay sa gitna na puwedeng daanan ng mga tao. Maraming bulaklak sa paligid at mga paro-paro na lumilipad. Unang beses niya pa lang nakapasok sa Greenhouse na balak gawing tourist attraction ng mga Melchor para sa restaurant nila. Hindi niya maiwasang mag-imagine na naglalakad sila roon ni Gabriel at magkahawak ang kamay. "Boys, bakit hindi niyo muna samahang maglibot si Julianna habang iniintay natin ang pagkain?" nakangiting suhestiyon ni Tita Sabrina. Tumalima naman ang dalawa. Nauna pang tumayo si Gavin at inilahad ang balikat nito para kapitan niya. Lihim na inirapan niya ito at lumapit kay Gabriel at dito iniangkla ang kamay niya. Tinaasan lang siya ng kilay ni Gavin. "Ang ganda dito..." aniya para makapag-umpisa sila ng usapan ni Gabriel. "Yeah," tipid na sagot ni Gabriel. Napalabi na lang siya at nakontentong pinagmamasdan si Gabriel na kontentong tumitingin-tingin sa paligid. Malaya niya tuloy itong natititigan. Mas lalo ng tumangkad si Gabriel. Dati hanggang tainga siya nito pero ngayon hanggang balilat na lang siya nito. Mas lumapad din ang katawan nito at nagkaroon ng mga muscle sa mga braso. Kung hindi lang siya nahihiya baka pinisil-pisil niya na iyon. Napabuntong hininga na lang siya. Gutong-gusto na niyang mag-college para makasama niya sa isang universiy si Gabriel-- Napatili siya ng hindi niya napansin ang isang paso sa dinaraanan niya kaya naman natapilok siya. Napahawak siya ng mahigpit sa braso ni Gabriel at may mainit ding mga kamay na umalalay sa balakang niya. Nilingon niya ang may ari ng mga kamay na iyon at nanlaki ang mga mata niya ng sa paglingon niya ay nagdikit ang mga labi nila ni Gavin. Malakas na napasinghap siya at mabilis na umurong palayo dito kaya naman pareho silang nawalan ng timbang ni Gabriel ng mabangga niya ito dahil sa biglaan niyang pagkilos. Natumba sila ni Gabriel. Napahiga si Gariel at napaupo naman siya sa bandang tiyan nito. Narinig niyang umungol si Gabriel pero mas malakas ang ginawang pagsagising ni Gavin malakas na hinila siya nito patayo kay Gabriel na halos ikabali na ng kamay niya. Madilim ang mukha ni Gavin ng magkatinginan sila. Ngayon niya lang ito nakitang ganito kagalit at nagbigay iyon ng takot sa kanya. "Ouch," angal ni Gabriel na nakaupo na at hinihimas ang nasaktang balakang. Hindi niya magawang tanungin si Gabriel kung okay lang ito. Nag-iinit ang mga mata niya sa sobrang pagkahiya at inis. Lumambot naman ang ekspresyon ni Gavin ng makita nitong naiiyak na siya. Akma nitong pupunasan ang luha nko ng tabigin ko ang kamay niya at malakas siyang sampalin. "I hate you..." mahinang bulong ko sa kanya na hindi siya tinitingala. Walang sali-salitang tinalikuran ko silang dalawa. Hindi ako lumingon kahit pa tinawag ako ni Gabriel. Naiinis ako. Naiinis ako dahil wala na ang first kiss ko! Ninakaw iyon ni Gavin. Inagaw sa akin! "I f*****g hate you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD