Chapter 3

4991 Words
"You tried to eat my doorknob?!" "Uy hindi ah! Kinagat ko lang, hindi ko nginuya, hindi ko rin nilunok hehehe!" "What the hell is wrong with you?!" Hinawakan nila ako para hindi mahawakan ang engot na toh! Damn it! Kumukulo yung dugo ko! "Hala, galit ka sakin mon-mon?" Taka nyang tanong kaya naningkit yung mata ko. "Galit? No. Im not fuckin mad! I'm happy for pete's sake! Ang saya saya ko kasi kinagat mo yung doorknob ko! Next time hiramin mo saken yung susi para naman ma-check mo din kung ginto o hindi." Sarcastic na sabi ko tsaka sila sinenyasan na bitawan ako na agad naman nilang sinunod. I thought he already got what I'm trying to point out but he just smiled widely and started clapping his hands like a five year old blissful kid. "Sige! Next time ah? Wag na muna ngayon kasi masakit pa yung panga ko." f**k. Napahilamos ako sa mukha ko tsaka pumikit. Be calm, Monica. Be calm. I just sighed and stared at him. "Gaming room, Party room, Training room, Bar, Studio, Library, Cinema room at garden are the only rooms that you're allowed to enter. You can't also leave without my permission." "Eh yung room ko?" I groaned. "What about your fuckin room?" "Pwede ba akong pumasok dun? Hindi mo kasi nabanggit yung room ko." "It's your room for f**k's sake." Hinilamos ko yung palad ko sa mukha ko, "You can enter anytime you want." Sukong sagot ko "Yay! Ang galing!" Idiot. (Liam's POV) "By the way, before I forgot." May kinuha sya sa bulsa nya tsaka iniabot saken—Isang cellphone na malapad at kulay puti! Mayaman nga talaga syaaaa~ Ang ganda! Iniabot nya yun saken kaya nangingintab yung mata kong tinanggap yun. "Woooow~ Ang ganda mon-mon!" Ang nipis at kinis! Parang yung balat ny—EHEM. Hmn. Behave, Liam. Sumama yung tingin nya tsaka nakasimangot na tumayo sya, ipinatong naman nung babaeng gumising sakin yung isang coat na itim sa balikat nya. Waaaaah! Ang cool nya talaga! "Our numbers are already there. Call us if there's any problem. You can call me anytime you want, siguro naman marunong ka magdial diba?" Sarkastiko nyang anya. Tumango-tango ako sa kanya habang yakap-yakap yung phone na bigay nya. Hindi ko alam kung nagkacellphone na ko dati pero iingatan ko tong bigay nya saken! Dapat hindi sya magasgasan! Hehehe! "Anytime? As in kahit tawagan kita ngayo—tatahimik na." Napalunok ako dahil nakakatakot nanaman yung paraan ng pagtingin nya saken! Galit nanaman sya? "Z, take care of this idiot, don't take your eyes off him dahil sobrang tanga neto. Kapag tinawagan ako nyan para sa walang ka-kwenta-kwentang bagay, you'll be automatically dead." Anya na sinamaan pa ng tingin si Z na sunod-sunod namang tumango. "And you!" Bigla nya akong itinuro kaya itinuro ko din yung sarili ko, ako daw eh, "BEHAVE or ELSE." Sabay tumalikod na sya at naglakad paalis kasama yung limang babaeng laging nakasunod sa kanya. Ngumuso nalang ako habang nakatingin sa likod nyang papalayo. Banta ba yun? Hehehehe. Parang hindi naman ih. "Gusto ko syang tawagan." Tumingin ako dun sa Z at tsaka ngumuso. Ngumiwi lang sya tsaka hinilot yung sentido nya. "That won't work to me. I swear." Tsaka inangat yung kamay nya sa ere na akala mo sumusuko sa pulis! "Owkay." Kinagat ko yung labi ko tsaka inilapag yung cellphone na bigay ni mon-mon kanina at kunwaring matamlay na tinusok tusok yung pagkain ng tinidor. Nagpapaawa epek ako. Baka sakali kasing tumalab. Gusto kong tawagan si mon-mon. Namimiss ko na agad sya kahit kalalabas nya lang. "Ano namang drama yan?" Nagkakamot ng ulong sabi nya kaya ngumiwi ako. Drama? Tingin nya ba saken artista? Pulubi kaya ako. Artistahin lang talaga yung mukha ko. Ngumiwi din ako at tumayo na. "Sabi nya behave diba? Nagbe-behave na ako. Hanggang sa bumalik si mon-mon." Tsaka ako padabog na tumalikod at nagumpisang maglakad patungong hagdan pero hindi pa ako nakaka-limang hakbang eh bumalik ako sa harap nya na. Halatang nagulat sya kasi bumalik ako. Nagtataka syang nakatitig saken. "Oh? Bakit bumalik ka?" Ngumuso ako at nag cross arms. Hmp. Kunwari nagtatampo para kyut kahit kyut naman talaga ako. "Hindi ko matandaan yung daan ih." Ngumiwi sya tsaka nameywang. "Anong di matandaan ka dyan? Eh di-deretsuhin mo lang yang hallway ah? Kaya mo na yan! Malaki ka na!" Pano ko matatandaan? Eh ni hindi nga namin nakalahati yung 2nd floor sa sobrang laki nitong bahay ni mon mon! Malawak na nga ang laki pa! Tinalikuran nya ko kaya binuksan ko yung cellphone na bigay ni mon-mon tsaka nag type kunwari, nilakasan ko pa yung volume para marinig nya yung tunog ng nagta-type. "Monica yung pangalan nya diba? Tatawagan ko nga si Mon-Mon, itatanong ko kung walang kwenta ba yung tanong ko o hindi t—" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng banggain nya yung balikat ko. "Oo na! Oo na! Aish! Tara na nga!" Sabay nauna ng naglakad kaya ngumiti ako tsaka itinago yung cellphone sa bulsa ko. Maliligo muna ako. Tapos tsaka ako maglilibot sa buong bahay—Teka? May damit kaya ako dun sa kwarto? Sana meron, naiwan ko lahat ng damit na minana ko kay tatang at mamang dun sa ilalim ng tulay e. Sana may brief din, hehehe! *** Simula noong magising ako anim na taon ng nakakaraan, iniisip ko na agad kung anong klaseng tao ba ako. Kung masama ba ako o mabuting tao? Hindi ko alam pero magmula nong magising ako na walang naaalalang kahit na ano ay nagdesisyon nalang akong makuntento sa kung ano ako ngayon—Isang mahirap na pulubing saksakan ng gwapo't talino. Pagala-gala para manlimos ng perang panggastos sa araw araw, tatambay sa mga kalsada dala dala ang lata o kaya baso ng cup noodles lalagyan ng perang ibibigay ng mga dumadaan na tao. Madalas din akong sumideline bilang kargador sa mga palengke pag wala ako sa mood para manlimos. Binubuhat ko yung mga sako-sakong paninda, minsan mga naka-kahon. Kadalasan din eh pagkain nalang yung hinihingi kong bayad mula sa kanila dahil mas sulit kaysa sa pera. Hikahos ako sa pera, may mga araw na hindi ako kumakain, madalas itinutulog ko nalang para maibsan yun. Hindi rin naman ako yung klase ng pulubing marungis talaga, minsan madungis kasi pag kung saan-saan na ko nakakarating, pero hindi yung sobrang dungis na aalingasaw na ako ganon? Hindi rin ako nagsusuot ng maruming damit na may mga uling uling? Damit na may butas, oo nagsusuot ako pati mga damit na kupas na kupas na yung kulay. Minana ko pa yun kay tatang na asawa ni mamang na nag-alaga saken. Pero iba na ngayon, dahil ikinasal ako sa isang mayamang babae na may maliit na hibla ng pasensya at mahilig magmura eh alam kong ito na rin ang simula ng bago kong buhay. Alam kong hindi na rin ako pwedeng maging tulad ng dati. Tulad ngayon, nandito ako sa loob ng kwartong pinagmulatan ko kanina, nakatitig ako sa laman ng pintong puti na pinabuksan ni Z saken dahil nandun daw yung mga damit na pinabili ni mon-mon para sa mapapangasawa nya at ako yun! Walk in closet ko daw yun sabi ni Z, may mahabang pasilyo sa loob at nasa gilid nakasabit ang mga magagarang damit, nakadisplay din ang mga iba't ibang klase ng relo, necktie, sunglasses, medyas at mga mamahaling sapatos na kumikinang pa sa kintab. May mga three piece suit din na tuxedo at bow tie suit. Lahat ng klase ng damit eh nandito na sa loob ng pasilyo na toh! Astig na sana, kaso lang... "Uhm. May ideya ba kayo na hindi kakasya saken tong... brief?" Inangat ko yung brief na kulay puti na may size na 'S' sa gilid. Ngumuso akong lumingon kay Z pero ngumiwi lang sya tsaka bumuga ng hangin habang nakapameywang. "Ano bang malay ko dyan? Eh si bossing ang nagpa-order nyan hindi ako." Ngisi nyang saad, "Baka akala nila jutay yung mapapangasawa ni boss HAHAHA." Humagikgik sya habang bubulong bulong kaya ngumuso ako lalo bago binalik yung tingin sa brief na hawak ko. Ang liit! Ang laki laki ng kargada ko tapos ganito kaliit yung brief? Paano nito masasalo si junjun kung maliit yung brieeeeeeeeeef? "Anong isusuot ko? Eh brief ko pa tong suot kahapon eh. Hindi pa ko naliligooo!" Naiiyak na ko! Wala akong maisuot na brief! Ayokong mamanghe nalang basta maghapon! Nakakahiya naman kay mon-mon na pinatira at pinakain na nya ko, tapos magkakalat pa ko ng baho dito sa bahay nya? Ew. Ramdam kong umiinit na yung sulok ng mga mata ko. Huhuhu. Tama na yung utot ko kahapon! Gusto ko namang makaamoy ng mabango si mon-mon! Yung fresh! Yung super bango! Ibinaba ko yung brief at nilingon ulit sya habang sumisinghot. Nararamdaman ko na yung sipon kong unti-unting tumutulo kasabay nung luha ko. Dugyot pero okay lang, malungkot kasi talaga ako. Huhuhu. Gulat syang napalingon saken habang lumulunok, itinuro nya ko gamit ang hintuturo nya na para bang hindi sya makapaniwala. "O-oy! U-umiiyak ka b-ba?!" Tarantang sabi nya habang napapaatras. Ngumuso ako tsaka naupo sa sahig. "Wala akong brief." Nakakaiyak talaga! Paano ako makakabihis ng walang brief?! Pinahiran ko yung luha ko. Kahit pulubi ako, hinding-hindi ako kailanman nagdamit ng walang brief! Mas lalong hindi naman ako nagsusuot ng brief na nisuot ko na noh?! Kadiri. "Hoy! Wag ka ngang ngumawa dyan! Kalalaki mong tao!" "Pero wala akong brieeeeef!" Iyak ko, "Paano na ko ngayon? Hihintayin ko nalang si mon-mon." Padabog akong tumayo at lumabas dun sa walk-in closet na tinatawag ni Z tsaka dumiretso sa kama at nahiga sa kumot tsaka rumolyo doon, ibinalot ko yung kumot sa katawan ko na parang isang sushi. Hindi nalang muna ako maliligo, hihintayin ko nalang si mon-mon! Nagmartsa papunta sa harap ko si Z bitbit-bitbit yung brief gamit ang dalawang daliri, diring-diri nya itong nilapag sa paanan ng kama at tsaka ngumiwi. "So dyan ka lang sa kama maghapon? Hindi ka lalabas?" Tumango-tango ako. Pinahid ko yung luha-luha ko gamit ang braso ko. "Hihintayin ko si mon-mon." Mas mabuti ng hintayin ko si mon-mon, atleast behave ako. Hindi sya magagalit lalo na't unang araw namin bilang mag asawa! "Sure ka? 7:30 ng gabi pa uwi non o kung si-swertehin ka naman eh baka mga alas-tres ng hapon makauwi na yun. Hindi ka talaga maliligo?" Tumango ulit ako, Naningkit yung mata nya kaya ngumuso ako. "Oo nga!" Paniniguro ko. Bumuga sya ng hangin kaya nilipad ng bahagya yung bangs nyang blue tsaka sya humalukipkip. "Bahala ka." Nagkibit balikat sya? "Gawin mo kung anong gusto mo, basta wag kang gagawa ng kalokohan." Kumindat sya tsaka sya lumabas ng nakapamulsa. Nang maisara na nya yung pinto ay inangat ko yung kumot hanggang sa bibig ko tsaka tumitig sa kisame. Kaya ko namang hindi maligo eh! Pulubi kaya ako—noon. Waaaaaaaaaah! Mon-mon bilhan mo ko ng brief! Cotton, yung XL! Huhuhu! (Monica's POV) "Why the f**k did you called me?" Bungad ko sa mga taong kasalukuyang nakatitig sakin ng mariin at halatang may gustong malaman tungkol saken. I can feel their suspicions and disappointments while looking at me directly. Umupo ako sa pinakadulong pwesto ng lamesa, humilera naman sa gilid ko ang mga tauhan ko at pawang mga estatwang nakabantay saken. Nasa magkabilang gilid ng mahabang lamesa ang konseho o yung mga taong nagtatag netong alta sosyalidad na ito. They are the ones who has control within the illegal world, it's like a government for illegal people and the council acts as the politicians. Sila ang nagpapataw ng parusa o sintensya sa mga nagkakasalang myembro ng Underground Society. Underground Society is like an organization for different types of illegal groups, it was established in order to maintain peace and order and also to avoid sindicate or mafia wars between those groups. Aside from the council, there are called Mafia King and Queen. Of course, I am the Queen. The seat for the King is vacant for now since that bastard is still enjoying his vacation overseas. I clenched my fist in anger. That motherfucker. All in all, there are eight people aged around 40's and 50's whose occupying the seats on both sides of the table. Sa kanilang lahat na may nakasimangot at nakakairitang mga mukha ay si Uncle Harvey lang ang tanging nakangiti sa akin. He's my godfather and also my parent's friend while Rojan, the person who loathes me so much is giving me a f*****g deathglare as he yawned out of boredom. Tinaguan ko si Uncel Harvey bilabg pagbati bago ibinaling ang blanko kong tingin sa kanilang lahat. "Spill it." Humalukipkip ako bago prenteng sumandal sa swivel chair. They exchanged glances before one of them cleared his throat that made me look at that guy. He also looked at me suspiciously. "Yesterday is supposed to be your expiration date for your position as the Queen, but then, you made some unexpected decision that stirs up the situation." Bumuntong hininga sya na tila nanghihinayang kaya ngumiti ako. I knew it. Disappointment is written all over their faces except Uncle Harvey who's still smiling widely and also Rojan whose still giving me cold stares while comfortably leaning his back on the chair. "Care to tell us the truth, Queen? Hindi ka naman siguro nagsisinungaling para lang mailigtas ka diba?" "I agree. We all want to know the truth, Queen." "We, the council, heard that you got married before your due." "That's pretty ridiculous, You know? You're the Queen, you are supposed to be married to the King!" Sa sunod-sunod na mga negatibong komentong nilahad nila ay doon ako napahalakhak sa sinabi nilang ang King lang ang dapat kong pakasalan. My loud laughter caught their attention, I saw how they frozed on their seats. Fuck. Pakiramdam ko sasabog yung tyan ko sa kakatawa. They are literally funny. "Why are you laughing?" Asar na tanong ng isa sa kanila, "Do you think this is some kind of a joke?! It's a very important matter because it involves the relationship between the Saavedra's and Verdan's!" Yung paghampas ng kamay nya sa mesa ang naging dahilan ng unti-unting paghupa ng tawa ko, napalitan ng ngising kanina ko pa gustong ilabas yung ngiting nakaplaster sa mukha ko. "It's fuckin ridiculous. That's why I'm fuckin laughing." "Ridiculous? HAH! Are you hearing yourself miss Saavedra?" I chuckled while looking at them one by one. Kita ko kung paano gumalaw yung lalamunan nila sa paglunok na ikinatawa kong muli ng mahina. "Yes. I obviously am. What do you fuckin think of me? Uncapable to hear my goddamn self though I can hear others?" Umupo ako ng maayos tsaka nawala yung ngisi sa mga labi ko habang isa-isa silang pinukol ng masamang tingin, "How about you? What do you think of this society? Isang estadong kinukubabawan ng monarkiya? Oh c'mon! Stop spitting nonsense bullshits and just tell everything that you want to say straight to my fuckin face! You think I don't fuckin know that all of you are fuckin dissapointed because I'm still breathing fine?!" "Monica, please be calm. Not anyone here is disappointed about your wedding yesterday—" Naputol sa pagsasalita si Uncle Harvey nang tumawa ng malamig si Rojan habang hinihilot ang sentido. "Can't you say something new?" He asked to Uncle who's looking at him confusely, "I'm done with your damn shits everyone, say something funny that can make me fuckin laugh." I grinned sarcastically, "Want me to tickle you with my guns?" "Oh, the wedded Queen have the guts to talk to me now, huh?" "I always have the guts, Rojan." I shrugged, "It's you who doesn't have the balls to talk to me." Sya naman ang humalakhak ng pagkalakas-lakas, sinamahan pa nya yon ng pag-iling bago ngingisi-ngising tumuwid ng upo. "The Queen has some serious sick jokes, makes me want to leave just to not hear it again anymore." Pinasadahan nya kaming lahat ng tingin, "The meeting ends here, motherfuckers. Get the f**k out of here and just die." Ani nya tsaka tumayo at walang lingunang lumabas ng conference room kasama ang dalawang guard nya na nakasunod sa kanya. Napailing nalang ang ibang myembro ng council dahil sa itinuran ni Rojan habang ako ay napangisi lang. I want to thank him for adjourning this fuckin meeting early because honestly? I want to fuckin leave too. Tumayo na rin ako at namulsa bago sila inismiran. "Call me if you have something very important to say, because the next time that you'll waste my time? I'll make sure that you'll never get out of here alive." Sumenyas ako kaya naunang lumabas ang mga tauhan ko bago ako sumunod sa kanila. After getting out from that hell hole, I immediately took my phone out of my pocket as I get on the elevator and checked if there's any notifications only to disappoint myself because there's no calls from Z or text either. I wonder what's happening in my mansion now, knowing Z, she's playful and patient but she's not into babysitting especially if it's someone like Liam whose brain is empty as f**k. "Next destination boss?" Pinindot ni A yung ground floor button ng elevator. I slid my phone back to my pocket before letting out a heavy sigh. "Saavedra Company, I'll finish some papers today. You can go home after accompanying me to my building, C take my Aston Martin to my building, I'll drive by myself home later." Utos ko sa kanila na sinagot lang nila ng sunod-sunod na tango. Mabilis kaming nakarating sa Saavedra Company at mabilis din silang umalis. I'm currently walking while wearing my usual blank expression. Nakahilera sa magkabila kong gilid ang mga empleyado ko na panay ang bati sa akin. "Goodmorning Miss Saavedra." Yan lang ang naririnig ko hanggang sa makapasok ako sa elevator na tanging ako lang ang may karapatang gumamit. I'm the one who's managing my late father's company, since my mother is not into business, the only thing that she left to me is her collection of heavy jewelries and some savings, she also left the mansion on my name. Unlike dad na lahat ng pag-aari nya mula sa pera hanggang sa kumpanya ay sa akin talaga nakapangalan, I really don't want to take over my father's business because I want to build my own legacy, pero dahil wala namang mag-aasikaso ay kinuha ko na rin para may pagkaabalahan but of course, I have my 'real' business. I have plenty of 'other real businesess' that I have to take care of. I'm the number one dealer of weapons, from knives to guns and also the different kinds of bombs. Kaya alam ko kung paano gumamit ng lahat ng klase ng armas, I learned it from my father and brother since I was in elementary. Brother. Yeah. My older brother. Naputol ang sandaling pag-iisip ko nung tumunog na ang elevator tanda na nasa tamang palapag na ako ng opisina ko. "Goodmorning, miss Monica." Agad na tumayo at bumati saken ang sekretarya kong si Lanie pagkakita palang sa akin na tinugon ko naman ng tahimik na pagtango. She followed me until I got sit on my swivel chair, now she's standing in front of me while holding a pile of some sort of folders and papers. "What's my schedule today?" I asked right after she dropped those pile of papers on my desk. "Heavy schedule, miss Monica." "How many meetings do I have to attend?" Pinasadahan ko ng tingin yung laman ng folder na nakuha ko. "Lots," Hindi ako nagsalita ng bumuntong hininga sya at patuloy ko lang na ini-iscan ang mga papel na nasa loob ng folder, "Two consecutive meetings, meeting with the board members and shareholders while the other one is meeting with the employees for their monthly inspection then after that you have an appointment with Mr. and Mrs. Garett. They are interested to invest in our company then you have to visit the new subdivision project that we have started two weeks ago." "Yeah," Sabay lipat ng page, "That's really quite heavy." I added. Puno nga ang schedule ko maghapon though it's not new to me anymore dahil parang wala namang bago, It's always the same everyday. Heavy schedule, plenty of meetings, eerily nspection on new projects and such. Needless to say, it was akways this boring. "By the way miss monica, there's an invitation came this morning for you." Then she placed a small black envelope with the familiar gold wax seal beside of the folders, "It's from the Underground Society." I stopped because of that and signalled her to leave which she obeyed right away. I took the envelope and immediately broke the seal then pulled out the black paper inside and started to read the content—that made me frowned in confusion. Those assholes are not contented, they want to see the proof that I'm really fuckin married or in short—they really want me dead. Tss. Motherfuckers. I took my phone out and started dialing my cousin's number that she immediately answered. "Hey Queen, what's up?" "Have you read it?" Referring to the invitation. "Yep," She said popping the 'p', "Are you coming?" I gritted my teeth. Hell yeah, as if I have a fuckin choice? Tsk! I pinched the bridge of my nose then started masssaging it out of irritation. They really want to end my life, how dare are they? This is such a bold move, are they planning to kill me in front of everybody? "Yes," Bumuntong hininga ako nang maalala yung tukmol na pinakasalan ko, "But I'll explain everything to him first." (Z's POV) Prenteng-prente akong nakaupo ngayon sa sala ng mansyon ni bossing at habang nakadekwatro ay nagbabasa ako ng hawak kong dyaryo. Perpekto ang araw na to, maaliwalas na panahon, mataas na sikat ng araw, sariwang simoy ng hangin, mga ibong humuhuni, mainit na kape na ako ang nagtimpla at ang paborito kong mainit na tinapay na may natunaw na butter. Hays, Ang sarap talagang mabuhay! Hindi man masyadong maayos ang naging umpisa ng araw ko ay naging maganda naman ang buong katanghalian k— Z! Answer my goddamn call! Z! Answer my goddamn call! —or not. The best talagang gawing ringtone yung sigaw ni bossing! Napapatayo ako sa gulat eh, nasasanay akong maging alerto. "Oh baket?" Sagot ko sa tumawag habang patuloy pa rin sa pagbabasa ng dyaryo, nakarinig ako ng pagbuntong-hininga sa kabilang linya. "Z~ Anong oras na?" Tanong niya sa nagpapakyut na boses—eh? Sinilip ko yung relo na nakasabit sa pader na kaharap ko bago kunot noong nagsalita. "One fifty three na, bakit mo tinatanong? Tsaka wala bang orasan dyan sa kwarto mo?" Ang alam ko kasi kumpleto naman yung gamit na nasa kwarto nya, of courseee! Kapag si bossing Monica ang nagpahanda always kumpleto! The best ang bossing ko! "Alam ko kung anong oras na Z. Marunong naman akong magbasa ng oras." Napakunot yung noo ko dahil sa kanya, alam naman pala nya eh bakit nagtatanong pa? "Alam mo naman pala kung anong oras na, Bmbakit tinatanong mo pa ko?" "Eeeeeeeeeeh!" Nailayo ko ng bahagya yung phone dahil sa tili nyang parang baboy, "Z! Hapon na! Kumain na ba si mon-mon? Baka mamaya hindi pa sya nagtatanghalian Z! Hindi pwedeng malipasan ng gutom si Mon-mon!" Ano ba yan? San ba napulot ng ABCDE Agents toh? (Absidi) Pakiramdam ko sa kalsada lang to napulot si boss L eh. L kasi nakakatamad syang tawaging Liam. "Ano ka ba? Baboy? Makaigik ka dyan para kang kinakatay," Naibaba ko yung dyaryo sa hita ko, "Tsaka hindi yun magpapalipas ng tanghalian si bossing kaya wag kang mag-alala. Ikaw nga dapat ang kumain ng tanghalian kasi nga hapon na, baba ka na dito boss L, ako mapapagalitan sayo eh." Iling-iling kong sabi bago pinatay yung tawag. Hindi ako makapaniwala na inaalala nya si bossing, Paanong hindi? Engot sya diba? Tapos napulot lang sya ng mga ABCDE agents ni bossing mula sa kung saang lupalop tas nagpakasal at boom! Nagpapanggap na mag asawa, don't tell me ginagampanan na nya talaga ang pagiging asawa? "Imposible." Natatawang saad ko sa sarili ko dahil sa naisip kong yon, "Sobrang nakakatakot si bossing, paano sya makakapagpanggap na asawa nya si bossing eh singhal palang nun nakakapanindig balahibo na eh." Umiling ako. Ipinagpatuloy ko nalang ulit yung pagbabasa. Z! Answer my goddamn call! Z! Answer my goddamn call! Nakangiwi kong sinagot ulit yung tawag, Tsk! Bakit hindi nalang kaya sya bumaba ano? "Z namaaaaaaaaaan~" "Ano nanaman yon?" "Eh Z bakit mo ko pinatayan? Galit ka ba saken?" Sabi nya sa nagtatampong boses. Ano daw? "Hinde, kaya wag ka ng makulit dahil baka tuluyan akong mapika sayo." Ani ko, "Kung nagugutom ka pwede kang bumaba dito tapos ipagluluto kita, okay? Ge. Bye." Sabay patay ko ulit ng tawag at dinampot yung dyaryo kaso hindi ko natuloy nang mag-ring ulit yung phone. Z! Answer my goddamn call! Z! Answer my goddamn— "Bakit kaya hindi ka nalang bumaba dito ano? Tapos one on one tayo mag-usap? Masyado kasi akong bad-ass para akyatin ka ulit dyan sa taas. Okay?" Dire-diretso kong sabi. "Perooo—" Boom. End call. Binagsak ko sa sofang inuupuan ko yung phone ko tsaka nagpatuloy sa pagbabasa ng matiwasay. Haaaaaaaays! Ang kulit. Sabi ni boss Monica bantayan at behave! Hindi nga naglilikot, nangungulit naman. Ano bang pinagkaiba? Z! Answer my goddamn call! Z! Answer my goddamn call! "Anak ng..." Inis kong bulong nang mag-ring ulit yung phone ko, iritable kong sinagot yun at agad na nagsalita. "Ano ba Boss L? Alam kong hapon na at alam kong alam mo rin, kung may gusto ka pang itanong wag mo ng itawag. Kanina ka pa nagkukulong dyan sa kwarto mula ng umalis si bossing bakit hindi ka bumaba dito at kumain—" "He's not yet eating?" Nanlamig yung buong katawan ko ng marinig ang malamig na boses ng bossing monica. "B-bossing!" Nabitawan ko yung dyaryo at napatayo pa dahil sa gulat. Kahit hindi ko sya kaharap eh ramdam ko yung malamig na awra na laging nakapalibot sa kanya. Lumunok ako sa takot. "Z. Answer me." Nine-nerbyos akong tumawa, "H-hindi pa eh." Sabay kamot sa ulo. Patay. "And why is that?" Ayan na. Mag uumpisa na death remarks ni bossing! "E-eh k-kasi," Ano ba? Wala akong maisip na palusot! "Ano... Ahm..." "Didn't I told you to take care of him?" "Ah oo nga boss— "Then why is that?" May diin nyang sabi. Gumapang ang kilabot dahil sa pagdiin ng tono nya kaya naging sunod-sunod yung paglunok ko. Alam kong kapag ganyan ang tono ng pananalita nya ay talaga namang dapat kong ikatakot. Bumuntong hininga ako habang patuloy na nagkakamot sa ulo. Sasabihin ko ba yung dahilan kung bakit ayaw bumaba ng lalakeng yun? Kaso baka bulyawan lang ako ni bossing para hatakin yung asawa nya! "Ang totoo nyan bossing, ayaw bumaba ni Boss L kasi..." Lumunok muna ako bago pabulong na sinabi, "Wala syang masuot na brief—" —Toot—toot—toot—toot—toot— Eh? Binabaan ako? *** "Go gwapo, go~" Pakanta-kantang anya ko habang mariing nakatitig sa giinagawa kong malapit ng matapos! Hehehe! Pagkatapos kong kausapin si mon-mon kaninaay agad akong dumiretso sa banyo para maligo pero hindi ko ginamit yung mga bote-bote doon, baka kasi masira buhok ko dun eh mas hiyang sa sabon yung buhok ko hihihi. Pinunasan ko yung pawis na tumutulo sa gilid ng noo ko, ewan ko ba hindi naman mainit pero kanina pa ako pinagpapawisan! Siguro dahil excited na akong sumama kay mon-mon! *FLASHBACK* Kunot noo akong nakatitig sa kisame habang balot pa rin ng kumot. Inaalala ko yung mga araw na pulubi pa ako, yung oras na nakaupo ako sa gilid ng kalsada habang nakangiti sa mga taong dumaraan, matyagang naghihintay ng baryang malalaglag, hinihintay magbreak yung mga magjowa, nagbubuhat ng mga paninda, tumatakbo pag may parak na nanghuhuli ng gwapong pulubing pakalat-kalat gaya ko, umaakyat ng puno pag hinahabol ng askal kasi sobrang yummy ko. Hays! Parang nakakamiss maging pulubi no? Kahit kahapon lang naman ako ikinasal. Nakalobo ang magkabila kong pisngi habang nakakapit ang mga kamay ko sa kumot na tumatakip hanggang sa bibig ko nang mag ring ng malakas yung cellphone na bigay ni mon-mon. Baka si Z nanaman ang tumatawag! Isa syang weird! Bababaan ako tapos ngayon tatawag sya? Tapos tinanong ko kung galit ba sya, sagot nya hindi raw pero halata sa boses nyang nagpipigil sya ng inis. Hindi kaya baliw yun? Dapat ipadala na ni mon-mon yun sa mental eh. Hmp! Nakanguso kong inabot yung cellphone mula sa lamesitang katabi ng kama tsaka sinagot yun. "Z~ Nababaliw ka na? Sabi ko naman sayo mamay—" "Liam." Putol sakin ng boses mula sa taong tumatawa kaya napahinto ako. Hindi kasi boses ni Z yun. Pero kung hindi sya yon, sino naman kaya? Wag mong sabihing... "Bakit po?" Magalang kong sagot, "Sino ho ito?" Waaaaah! Hindi kaya mama nya to? Huhuhuhu! Hindi kaya nagsumbong sya? Bakit?! Inaway ko ba sya? Naluluha na ko! Sumbongera si Z~ "What the f**k are you saying?" Napanguso ako lalo. Hindi nya ba naintindihan? Teka, hindi kaya inglesyera tong mommy nya? "Tagalog po." "Idiot," La sya? Idiot daw? Ako? "You didn't even check the caller, stupid." Ay. May punto sya. Hihihihi! Inalis ko sa tenga ko yung phone para tingnan at napangiti nang makitang pangalan yun ni mon-mon! Hehehe! Kaya naman excited akong naupo sa kama at kinikilig na humawak sa isang pisngi ko. "Mon-mon! Kumain ka na? Hehehehe~ Mag a-alas dos na hihi~" "No." Kita?! Kita na?! Sabi na talaga eh! Ang kulit ni Z! Ngumuso ulit ako, "Bakit hindi ka pa kumain?" Dapat kumain na sya, ala-una na kaya! Konting galaw nalang ni pareng orasan titilaok na sya sa alas dos! Huhuhu! "How about you?" How about me? Hmn... "I'm fine, thank you, how about you?" "What?" "Mon-mon bakit ang gulo mo kausap?" Napakamot ako sa batok, "Kanina ka pa, huh tapos what? Akala ko pa naman matalino ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD