Kasabay ng pagmulat ko ay ang pagkunot ng noo ko sa pagtataka. Anong nangyari matapos kong makita yung picture? Bakit hindi ko maalala?
"Wala akong maalala mon-mon." Saad ko matapos syang lingunin. "Nakita ko yung family picture nyo tapos... wala na! Yun lang tapos wala na akong maalala."
Nanghihina syang sumandal pabalik sa pader tsaka salubong ang kilay na nag-isip.
"Family picture..." Bulong nya na hindi ko masyadong narinig sabay pikit.
Tilaw umilaw naman bigla yung bumbilya sa tuktok ng ulo ko nang sumagi sa isip ko yung pamilya nya.
"Nga pala mon-mon, nasaan na parents mo? Kailan ba sila uuwi rito? Tsaka kasama ba yung kapatid mo? Kuya mo ba yung nasa picture? Sasama ba sya?" Tumagilid ako ng higa sa hita nya paharap sa papalubog na araw. "Gusto ko silang makilala. Gusto kong magpakilala sa kanila bilang asawa mo, hehehehe~"
"They're not going home." Mahinang sagot nya, napanguso ako. Nakakalungkot naman kung ganon. "Not anymore."
"Pati si kuya mo?"
"Yeah."
"Hala pero bakit? Kung hindi na sila pupunta dito edi tayo nalang ang pumunta sa kanila." Humarap ako ulit kay mon-mon na nakahalukipkip. "Nasaan ba sila mon-mon? Hahanapin ko para pauwiin dito."
"Behind the Golden valley park, it's near the river."
Nagliwanag yung mukha ko dahil alam ko kung saan yung tinutukoy nya.
"Alam ko yun mon-mon! Nakapunta na ako ron, kung ganon malapit lang pala yung pamilya mo sa—" Napahinto ako dahil napagtanto ko kung saang parte ng park yung tinutukoy nya.
Umupo ako tsaka sya malungkot na pinagmasdan.
"Mon-mon..." Tawag ko pero hindi sya sumagot.
Napansin kong banayad yung paghinga nya habang nakapikit—palatandaan na nakatulog na sya kaya pahina ng pahina yung boses nya.
Kaya tumayo ako at nagpagpag ng sarili bago maingat syang binuhat at dinala patungo sa kwarto ko. Doon ay dahan-dahan ko syang inihiga tsaka kinumutan bago naupo sa gilid nya.
Hindi ko napigil yung ngiti ko dahil sa noo nyang nakakunot kahit na tulog na sya, hanggang sa pagtulog ay nagsusungit sya pero yung ngiti ko ay naglaho nang maalala yung tungkol sa magulang nya. Nalulungkot ako para sa kanya dahil wala na syang pamilya, hindi katulad ko na may posibilidad na buhay o pwede ring patay na.
Hinawi ko yung buhok nya tsaka nilapit yung mukha ko sa kanya. "Ang tapang mo mon-mon. Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan, hindi ko pasasakitin yung ulo mo at aalagaan rin kita tulad ng pag-aalaga mo sakin."
Dinampian ko sya ng halik sa noo tsaka ngumiti.
"Magpapakabait ako mon-mon, sobrang bait na asawa."
(Third person's POV)
Naalimpungatan si Monica dahil sa hirap na paghinga. Inaantok syang nagmulat at inilibot ang paningin, nanlaki yung mata nya sa gulat nang mapagtantong wala sya sa sariling kwarto.
"f**k!"
Mabilis pa sa alas-kwatro syang bumangon at tatayo na sana nang matigilan sya sa brasong nakayakap ng mahigpit sa bewang nya at ang hitang nakdantay sa sarili nyang hita.
Pero ang pinaka-nakapagpagising sa kanya ay ang bagay na kanina pa tumutusok sa hita nya. Kaya hindi na sya nag-aksaya ng oras at malakas na itinulak yung taong dahilan ng pamumula ng mukha sa kahihiyan.
Nahulog si Liam sa sahig pero mabilis ring bumangon dahil sa gulat, hawak-hawak nya yung tsinelas ni Monica at nakaambang manghahampas.
"HINDI NYO MAKUKUHA SI SUPER TANOD! SUMUKO NA KAYO!" Saad nya habang paikot-ikot.
Nahinto lang sya dahil sa tunog ng pagkasa ng baril tsaka napapalunok na nilingon si Monica. Hawak nito ang barili at...
...nakatutok iyon sa 'junjun' nya kanya.
"Mon-mon?" Tinuro nya yung baril neto. "B-bakit sakin yan n-nakatutok?" Napa-atras sya.
"You dumbass." Ani nya tsaka nag-iwas ng tingin ng mapadapo sa bandang baba ang paningin nya. "Pervert!"
Takang in-internalize ni Liam yung sinabi ni Monica pero nang simulan syang asintahin neto ay walang ano-ano syang nagtatakbo palabas. Agad naman syang hinabol ng babae.
"WAAAAAH! Ang aga-aga mo namang galit mon-mon!"
"SHUT UP!"
Kinalabit nya ang gatilyo para tamaan si Liam pero napatid si engot sa huling baitang ng hagdan kaya maswerteng nakaiwas. Nagpatuloy ito sa pagtakbo at ganon rin naman si Monica na hinahabol sya.
Napapabuntong hininga na pinanood sila ng ABCDEZ agents. Magkakasama itong nag-aalmusal sa dining room. Tinapik ni E si Z sa balikat na nakangiwi habang nagka-kape.
"Mukhang marami-rami kang lilinisin, Z ah!" Sabay silang napaigik nang makarinig ng pagkabasag.
"At marami-rami kang papalitang gamit, E." Sagot ni Z tsaka tinapik din ang balikat ni E. Sumimangot sila pareho.
(Z's POV)
Pasimple kong iniayos yung sunglasses ko habang pinapanood yung grupo ng kalalakihan na naglalakad papasok sa isang hotel
"90 degrees west. Kinseng itlog. Sampung attache case." Sinimsim ko yung kape ko habang nagmamasid kung sino pa ang ibang papasok doon.
"Sino-sino sila, "Dela Cerna Mafia, Consists of 200 men around the country, si Ferdinand Dela Cerna ang nasa gitna. Tig-kalahating bilyon kada case."
Nasa loob ako ng isang cafe katapat ng hotel na binabantayan ko, Dito kasi magtatagpo yung grupo na kumuha ng bilyones sa Saavedra Company at yung ka-transaction neto. Medyo nahirapan nga ako sa pag trace eh kasi naman! Hindi ako si B na sobrang galing mag track ng mga bagay bagay.
"Copy that. Papasok na ko ng hotel." Seryosong sabi ni D, Maya-maya pa'y nakita ko na syang maarteng naglalakad papasok. Napa-iling nalang ako.
Naka-pulang sexy dress sya at may beach hat pa, Naka-shades din sya at may bit-bit na handbag. Hays. Mga babae talaga kahit kelan ang aarte---I mean. Babae ako pero matino ako di gaya nila. Ako kasi pinaka-bad ass sa kanila.
"Room 3306, Nasa katapat na kwarto ako." Ani ni C na kanina pa naka-check in sa loob, "Pumasok sila pero sampung itlog nalang kasama si Ferdinand, dalawang bugok sa pinto, Isang palakad-lakad na kwago at sa tingin ko nandyan lang sa baba yung dalawa pang itlog."
Plano naming bawiin yung pera ni bossing kahit ang utos lang naman eh patumbahin yung mga ugok na nagnakaw at kasabwat. Sayang naman kasi yung pera, Kung si bossing hindi nanghihinayang sa limang bilyong nawala sa kumpanya nya pwes kame oo, Aba't! Sayang din yun ah? Pang ilang taong bar din yun. HAHAHA. Wala naman kay bossing kung kunin namin yun eh, Basta sundin mo yung inuutos nyang itumba yung mga pinatutumba nya, Tapos! Bahala ka na kung ano pang gusto mong gawin.
"Coming right up, Guys." D said.
Inubos ko na yung kapeng iniinom ko at maangas na tumayo at nag umpisang maglakad pero napatigil ako nang makitang may mga lalaking paparating. Mga De Vera, Marami ding lalaking nakasunod kay Eduardo De Vera na nagmamay ari din ng ilegal na bentahan ng armas. May dala itong malalaking mga bag, tatlong bag in total. Mumurahin lang naman mga produkto nya tsaka cheap!
So dito gagastusin ni Dela Cerna yung bilyones na ninakaw nya kay bossing?! HAH! Bobo naman pala neto, Kung armas lang din pala ang bibilhin nya edi sana yun nalang ang ninakaw nya sa kumpanya ni bossing! 100% surebol pa na nakakapatay! Tss. Tanga amp.
Pero napako yung tingin ko dun sa tatlong lalaking kahina-hinalang sumusunod dun kina De Vera, Kung titignan mo eh normal lang sila pero para saken hindi. Mukhang may iba pang nandito.
Nag umpisa na akong maglakad ulit patungo sa hotel para sundan ang mga lalaking yon nang bigla akong mabangga ng kung sino, Naglaglagan ang mga dala nun sa sahig habang ako naman ay napa-atras and yes, bumagsak din yung dala kong laptop sa sahig kaya napakagat labi ako sa inis.
"Sorry miss di ko sinasadya." Kinamot ko yung ulo ko sa inis dahil dito, nahulog yung laptop eh! Nandyan yung mga k-drama at mga mv's ko! Paano nalang kung nasira yan!?
"Lintek na, bulag ka ba?! Hindi mo ba ako nakitang paparati..." Natigil ako sa pagsasalita nang mapagmasdan ang kabuuan ng lalaking nakabangga saken.
Bagsak ang itim nitong buhok, Naka-simpleng v-neck printed shirt at straight cut jeans, May bit-bit itong mga libro at may bag pa sa likod. Nakaluhod sya habang dinadampot yung gamit nya.
Shet. Oppa.
Parang biglang nag ingay yung wang wang sa utak ko, Naiimagine ko pang may pulang ilaw tas may paulit ulit na tumutunog na parang alarm. Tumutunog yung Oppa Radar ko.
"...ng-ina kasi di ako tumitingin sa dinadaanan ko!" Lumuhod din ako para tulungan syang damputin yung mga libro at iba pang gamit nya.
Nagulat pa sya kasi bigla akong tumulong sa kanya kaya nginitian ko nalang sya, Yung pamatay na ngiti, "Malabo talaga mata ko, pasensya ka na saken, hehehehe~"
Sorry. Marupok talaga ako sa mga oppa. HAHAHA.
Ngumiti din sya saken, Wtf ang bright ng ngiti nya! Nakakatunaw! "It's alright, Ako naman ang nakabangga sayo eh." Hah?! Hindi! Hindi ayos yun! Tantanan mo kakangiti baka iuwi kita! Amp.
Alanganin ko syang nginitian dahil panay ngitian nalang kame. Inabot ko sa kanya yung mga libro tsaka tumayo.
"Salamat sa pagtulong at pasensya na ulit kasi nabangga kita."
Oh pakening shet. Bakit ba panay ngiti tong lalakeng toh? NASISILAW AKO!
"Ah he-he-he~" Napakamot ako sa ulo ko dahil sa hiya, Namumula din yata yung mukha ko, "Ayos lang hahahaha! Ano ka ba? Ayos lang me. Hehehehehe."
He chuckled, "Sige, Una nako." Nakng! Tumawa pa! Nakakagigil! Sarap pisilin ng pisngi!
Kumaway sya habang naglalakad paalis. Ugh! Bakit ampogi mo? Bakit? Huhuhuhu ang gwapo nya—
"Z!"
"Anak ng—" Gulat kong sambit dahil biglang sumigaw si C sa suot kong earphone. "Bakit ka ba sumisigaw?!"
Ang sakit sa tenga. Aish.
"Nasaan ka ba?! May ibang grupong naki-ambush dito! Nasaan ka?! Bakit hindi ka bumack-up?!"
Nanlaki yung mata ko dahil sa galit na galit na sabi nya, s**t! Oo nga pala!
Dali-dali akong tumakbo papasok sa hotel. Hindii alintana yung mga taong nagtataka dahil tumatakbo ako.
Damn it! Weakness ko talaga mga gwapo!
(C's POV)
Sirang sira na yung plano! Ugh! Walang hiyang Z toh inatake na naman siguro ng kalandian!
Maayos naman ang umpisa ng plano namen. Nakapasok si D sa loob ng kwarto nina Dela Cerna dahil nagkunwari syang 3306 ang room number kahit 3309 naman talaga. Nakakarinig na ko ng kalabog mula sa linya ni D gamit ang earpiece. Okay na okay na nung dumating na din sina De Vera dahil bahagya kong inawang yung pagkakabukas ng pinto at pasimpleng inilabas yung dulo ng silencer na nakakabit sa baril na hawak ko.
Kakalabitin ko na sana yung gatilyo nang biglang may magbukas ng pinto at niyakap ako papasok ng kwartong pinag-check-inan ko.
"Hi babe! Sorry kung ngayon lang ako nakauwi. Traffic kasi." Saad ng boses ng lalakeng nakayakap sakin.
Who the hell is this?!
"Ano?! Bita—" Di ko naituloy yung sasabihin ko ng takpan nya yung bibig ko gamit ang isang kamay.
Sinubukan kong pumiglas pero sadyang malakas sya! Hindi masakit yung pagkakahawak nya sa'kin pero hindi ko rin mahigpit pa rin kaya hindi ako makaalis sa hawak nya.
"Shhh!" Sinara nya yung pinto tsaka ako binitiwan dahilan para mapaupo ako sa sahig.
Doon ko napagmasdan yung mukha na na may nakakalokong ngisi. Mukhang fuckboy!
Itututok ko sana sa kanya yung baril pero nagtaka ako ng hindi ko maalis sa sahig yung kamay ko. Napamura ako nang malingunan yung longsleeve kong may nakabaon na kutsilyong tagos sa sahig! Nabitawan ko tuloy yung baril habang pilit na hinihila yung manggas ng damit ko.
Sinubukan kong tumayo pero sunod-sunod na bumaon ang iba pang kutsilyo sa iba't ibang parte ng damit ko, dahilan para mas hindi ako makaalis sa pwesto ko dahil kung ipipilit ko, mapupunit ang damit ko at uuwi akong nakahubad!
"Easy ka lang kasi babe."
Eww! Babe!? Kadiri!
Ngiting-ngiti syang umiskwat sa gilid ko bago tila sumusukong itinaas ang kamay na tila sumusuko pero may nakasingit sa pagitan ng mga daliri nya na kutsilyo.
"Damn babe, easy! Ang ganda-ganda mo kapag nagagalit."
What the heck?!
"f**k you!" Mura ko sa kanya habang namumula ang mga pisngi. "H'wag mong hintayin na makatakas ako dito dahil talagang papatayin kit—"
Hindi ako nakakilos agad nang dumampi yung labi nya sa'kin. Kadiri!
Pilit kong iniiwas yung ulo ko pero parang glue na nakadikit yung nguso nya sa'kin! Damn it! I even felt his lips sucking my tongue!
Naghahabol ang hiningang lumayo sya sa'kin pero hindi pa rin mabura-bura yung ngisi nya. He even wiped my lower lip as if may naiwan syang laway doon kaya sinubukan kong kagatin yung daliri nya, ang kaso ay mabilis rin syang nakaiwas.
"That kiss was awesome, babe." Humagalpak sya ng tawa habang sapo-sapo ang magkabilang pisngi ko. "I want to kiss you again but too bad. I have shitload of works left to do."
Sunod-sunod ko syang minura kahit alam kong wala rin naman silbi yon. Hindi ako pwedeng mag-aksaya ng oras! D needs me! She needs me, I need to back her up!
Bahagya akong natulala saglit nang yumuko itong kumag na ito para halikan ako sa noo.
"See you next time, babe!" Then he winked before finally leaving me lying on the floor and stucked with a lots of knives!
Asar akong bumuga ng hangin. Bwiset!
"Z! D! What the hell happened?! Guys?!"
Wala akong naririnig mula sa kabilang linya kundi mga background sounds. Naghahalo yung background sounds nina D at Z and I think D is in trouble!
"Z!" Napamura ako. "Z!" Sigaw ko ng mas malakas.
"Anak ng—" Nagugulat nyang sigaw sa kabilang linya. "Bakit ka ba sumisigaw?!"
"Nasaan ka ba?! May ibang grupong naki-ambush dito! Nasaan ka?! Bakit hindi ka bumack-up?!" Lintek na yan, baon na baon yung kutsilyo sa damit ko!
She didn't said anything but I bet she's running on her way here.
Fuck. My kiss! My f*****g first kiss is gone!
(D's POV)
"And it's a nine!" Masayang sabi ko bago pinatamaan sa ulo yung lalaking katabi ni Ferdinand Dela Cerna.
Nanginginig akong nilingon ni Ferdinand habang nakasalampak sa sahig.
I killed his men one by one saktong pagkapasok pa lang nila rito sa suite, so naiwan si Ferdinand Dela Cerna! Hinihintay ko na lang na pumasok yung ka-transaksyon nyang si Eduardo De Vera tsaka yung mga tauhan nito para tapos na yung trabaho ko! Hihihi~
Pagod akong naupo sa tabi ni Ferdinand. "May gusto ka pa bang sabihin? Kasi tatapusin na kita kung wala na."
Tulala lang nya akong tinitigan kaya nagkibit balikat ako bago itinutok sa ulo nya yung baril.
Akmang kakalabitin ko na yung gatilyo nang makaramdam ako ng paparating na kutsilyong tatama sa ulo ko. Mabilis akong umiwas pakanan kaya imbes na ako ang tamaan ay si Ferdinand Dela Cerna ang sumalo para sa'kin.
Aww! Sinalo nya para sa'kin.
Bumaling ako sa pint kung saan may dalawang pogi na kakapasok lang. Pareho silang may hawak na bag at tag-isang baril.
"You killed him!" Sigaw nung isa bago kinwelyuhan yung kasama nyang nagkakamot ng ulo. "Ang utos sa'tin, kunin ng buhay at sila ng ang bahala! Damn it!"
"Eh umiwas sya eh?" Anya nung kakamot-kamot sa ulo tsaka ako nilingon. "Bakit ka kasi umiwas?" Takang tanong nya.
Tumabingi yung ulo ko sa pagtataka. "Eh kung hindi ako iiwas, mamamatay ako diba? Ikaw ba palit tayo, batuhin kita ng kutsilyo habang nakatalikod ka. Anong gagawin mo?"
"Iiwas din malamang!"
"Bakit ka iiwas?"
"Kasi mamatay ako pag hindi ako iiwas."
Pumalakpak ako. Matalino rin pala sya eh, parang si sir Liam.
Walang salita kong itinutok ang baril ko sa kanila at sinimulan silang paulanan ng bala. Sinundan ko ng tingin yung masungit na lalaki habang tumatakbo palapit sa akin. Nagtaka ako nang biglang mawala yung lalaking kakamot-kamot sa ulo kanina.
Susugurin ko sana itong lalaking masungit pero napasubsob ako sa sahig nang may pumatid sa paa ko mula sa likuran. Ang bilis nya! Paano napunta agad sa likod ko yung isa? Ang bilis!
"Aray!" Daing ko matapos nya akong daganan sa likod at talian yung kamay ko. "Teka, dahan-dahan lang kasi masakit."
"Sorry." Niluwagan nya ng kaunti yung tali, sapat na para mawala yung sakit. "Okay na?"
"Nge! Anong okay na? Pakawalan mo nga ako!" Sigaw ko pero panay lang ang sorry nya.
Hmp. Akala ba nya madadala nya ako sa sorry nya?
"Bibitbitin din ba natin tong babae?" Tanong nya. "Baka kasi magsumbong o huntingin tayo eh."
"No need. Tauhan ni Queen yan." Sumulyap yung masungit sa'kin bago ngumiwi. "Just get the bags on De Vera's men and also Dela Cerna's body. Leave that woman and the rest of the money bags."
Doon ko lang napansin yung bagong bangkay na nasa pintuan katabi ni De Vera. Nakatali na ito at may busal sa bibig kaya nahuhulaan kong in-ambush na nila ito sa labas pa lang ng kwarto.
"What? The fun is already over?" Tanong ng kadarating lang na gwapong lalaki pero mukhang babaero.
Umawang yung labi ko matapos nya akong kindatan. Naku, kung nandito si C eh malamang kanina pa nanggagalaiti sa inis yun! Galit kasi sa mga lalaki yun eh.
"Get Ferdinand's body and move out!" Utos nung masungit na sinunod naman nila.
"Pakawalan nyo ko!" Pagpupumiglas ko habang nakadapa ako sa sahig at nakatali. "Kailangan deads yan si De Vera kundi magagalit si bossing!"
Nilingon ako nung kuyang masungit. "Mas alalahanin mo yung reyna nyo kaysa sa gagong 'to since some assassins are on their way to your Queen's house."
Nanlaki yung mata ko dahil dun. Walang ABCDE agents sa bahay ni Bossing! Ang nasa labas lang ng mansyon ni bossing ay yung mga tauhan ni C and they are not enough! Hindi sila yung agents na pang battle type, pang guwardya lang skills non!
"Kalagan nyo ko, I need to warn them!"
Imbis na pakinggan ako ay nginisihan lang ako nung sungit. "Too late. You don't have to worry though, yung asawa nya ang target hindi si Queen mismo."
Tinalikuran nila akong tatlo at iniwan na nakanganga.
Oh no! That's not good to hear!
(Monica's POV)
I took a sip on my coffee while reading the documents in my laptop that Lanie sent to me. Wala akong ganang pumasok kaya lahat ng importanteng doumento ay ipinase-send ko na lang kay Lanie at dito ko na lang mismo sa laptop nire-review at pini-pirmahan.
I'm in the library. I feel uneasy today so I decided not to go to work and just spend the rest of the day here in the library.
Tatlong katok ang nagpahinto sa'kin mula sa pagbabasa. "Come in."
I frowned when Liam entered and walk towards my direction. He looks normal today. I mean, he's wearing normal clothes like simple shorts, printed black shirt and a pair of slippers instead of a pastel colored or animal designed onesie.
Baka nagsawa na kakasuot ng pajama araw-araw or maybe nasa labahan na lahat kaya wala syang choice kundi ang magpaka-normal na tao today.
"Mon-mon?"
"What?" I asked.
He sat down on the chair in front of my desk while nibbling his own lip. That looks fuckin cute—s**t! Erase, erase!
He scratched his head before glancing at me. "Wala kang pasok, mon-mon?"
Ibinaba ko muna yung tasa ko bago sya sinagot. "Meron, but I'm not in the mood to attend work." Isinara ko yung laptop ko at iginilid. "Why are you asking anyway?"
Nagitla ako nang humalumbaba sya sa mesa gamit ang dalawang kamay at tinitigan ako gamit yung tila pang-tuta na mga mata nya. I can't help but to make a poker face that made him chuckled.
Tss. Engot.
"Hehehe~ Gusto ko sanang magpaturo ulit sayong mag-gitara, mon-mon." Ngumiti sya ng malapad. "Gusto ko na kasing ma-perfect agad para makapagpatugtog na ako ng ibang kanta."
My eyebrows rose as I purse my lips. Atat matuto? Didn't he know that it took me 8 years just to learn on how to play that stupid guitar?
"Learning takes time. It's not something that you can learn just by practicing once or twice." I rest my back on my chair. "Besides, why are you so eager to learn?"
"Para makantahan na kita mon-mon." He said while fluttering his eyes and giving me a bright wide smile.
"W-what?"
Napahawak ako sa sarili kong dibdib nang maramdaman yung mabilis na t***k ng puso ko doon. Wtf? First, he looks cute in my eyes and now my heart is beating fast for him!? What kind of bullcrap is this!?
Pumalakpak sya na para bang maagang nagsi-celebrate. "Nag-promise kasi ako sa sarili ko mon-mon ikaw ang unang kakantahan ko kapag natuto na akong maggitara."
"Fuck." I whispered. My heart, damn it! Slow the f**k down!
Napansin nya yata yung pagkakahawak ko sa dibdib ko kaya mabilis syang tumayo at tumabi sa'kin. He even held both of my shoulders while examining me from head to toe.
"Mon-mon, may masakit ba sayo? Saan? Patingin ako."
Nag-iwas ako ng tingin. "I'm fine."
"Sigurado ka mon-mon ah? Nag-aalala ako sayo."
"I said I'm fine, you moron." I rolled my eyes. "You don't have to worry about me."
"Okay..." Ngumuso sya. "Nga pala, may multo ba dito. mon-mon?"
"What the f**k are you saying? There's no fuckin ghost here, Liam."
"Aaaahhh." Tatawa tawa nyang kinamot yung ulo nya. "Hindi naman ako takot sa multo mon-mon kaso kasi alam kong dalawa lang tayo dito sa mansyon mo ngayon. May kumalabog kasi kanina sa may kusina dun malapit sa backdoor tapos parang gumagalaw-galaw yung doorknob. Naririnig ko rin yung yabag ng paa sa labas mon-mon kaya naisip ko na baka may multo dito."
I stared at him for a couple of minutes before I immediately took the gun hidden under my table. I held his hand and pulled him out the library.
"Do you want to watch some movies?" I suggest.
His confused face was replaced with a bright smile.
"Sige! Sige! Anong panonoorin natin mon-mon?" He asked while we're walking in upstairs. "Pwede bang ako ang pumili? Pwede? Pwede? Sige na mon-mon? Please?"
"Sure, no problem."
I kept on answering his questions but my attention is focused on our surroundings.
Seven? Eight? No, ten people, I think? More than ten people. I can feel their stares and I can hear their light footsteps along with the gun clicking noises and sharpening knives. I'm not sure where exactly they are but I know that they are just hidden somewhere inside my house.
I held his hands even tighter. He's not gonna die today, not here, not now and absolutely not with me. I'm not going to let that happen.
"You go first." I opened the door for him after reaching the cinema room. "Choose the movie that you want. Susunod ako."
"Bakit may hawak kang baril mon-mon?" Natitigilan nyang tanong matapos makita ang baril na hawak ko. "May problema ba?"
"Just go inside and wait for me." I said before pushing him to go inside.
"Pero mon-mon—"
"Liam, close the door and don't open it. I'll knock three times to inform you that that's me, is that clear to you?" Madiin kong utos.
He looks confused but still nodded even though he's doubting me. Pumasok sya ng tuluyan tsaka isinara ang pinto. I sighed as soon as I hear the door lock clicking.
Walang emosyon kong dinukot yung baril na nasa likod ng pants ko at kinasa. I'm holding a Calibre 45 in my left hand and a Gold dessert eagle in my right hand. Naglakad ako pabalik sa may bungad ng hagdan, only for me to see 4 of them confidently waiting for me.
(Third person's POV)
Prenteng nakatayo si Monica habang hawak sa tagkabilang kamay ang baril. Nakatitig lang sya sa mga ito habang walang mababasang emosyon sa mukha nya.
Ano pang hinihintay ng mga ito? Kamatayan? She'll gladly grant them death if they will just give her the signal to do so.
"Ang tagal mo naman queen." Ungot ng babaeng nakasandal sa railings ng hagdan habang ngumunguya ng chewing gum.
"Don't worry, Queen. I'll finish you quickly." Saad naman ng lalakeng katabi nito.
May isa pang lalaki sa opposite side naman na kumakaway sa kanya, habang ang tila pinakamukhang propesyunal sa mga ito ay may mayabang na ngisi sa labi.
"Just hand him over and we will leave as if nothing happened." Utos nito.
She's not familiar on any of them, so Monica assumed that these people are amateurs. Paano nya nalaman? Elite assassins will never dare to attack her, not unless they want to die just like these cheapskate people in front of her.
They want him? As if she'll give Liam to them so easily. If her husband dies then she'll be back from being single at magkakaroon ng karapatan ang kahit sino sa Underground Society na mapatay sya.
That idea made her laugh. This whole scenario that was happening is a complete bullshit. I mean, who the f**k in their right mind thinks of something as useless as that kind of law in their illegal grounds? Sya? Mamamatay nang dahil lang sa single sya pagdugtong ng bente otso? Sounds like a a motherfucking bullcrap pero dahil bored sya ay pinatulan nya na rin kaya hindi sya papayag na makuha ng kahit sino si Liam.
"You're ordering me to give my husband to you after you trespassed in my own house? For someone who's in a cheap ass position of an assassin, aren't you a little demanding?"
Sumimangot ang tila pinaka-lider. "If you're not going to give him to us then we have no choice but to kill both of you."
"So, you're looking down on me?"
"You're the one who's underestimating us."
"It's not that I'm underestimating you." Kibit balikat na sagot ni Monica. "It's just that, I already knew who will live among you after this fight."
Nang-iinsultong tumawa ang lalaki tsaka nanghahamon na tinitigan sya. "Kung ganon, pwede bang malaman kung sino-sino sa'min yung tinutukoy mong mabubuhay matapos ng laban na 'to?"
Umawang ang labi ni Monica habang isa-isa silang pinapasadahan ng tingin. Maya-maya'y tila nag-isip ito bago nagpakawala ng nang-aasar ng ngisi.
"None of you."
Tila naging hudyat yung sinabi nyang yon at biglang nagpaputok ang isa sa assassin na syang nasa gilid nya. Ngunit sa dami ng balang pinakawalan nito ay hindi sya tinamaan ni isa dala ng mabilis ng pag-ilag, mas mabilis pa rin ang naging pagkilos ni Monica at naunahan itong matamaan sa braso, dibdib at leeg na naging sanhi ng pagtumba nito.
One down.
Matapos non ay dalawang lalaki ang sumulpot sa harapan at gilid nya. Tinutukan sya ng baril ng mga ito pero nahawakan nya iyon at sinipa ito para tumalsik sa sahig. Hindi sya nag-aksaya ng oras at mabilis na siniko ito sa sikmura bago sinapak ang isa bago pinaputukan pareho sa dibdib tsaka itinulak pababa ng hagdan kung saan may paparating pa na dalawa.
Walang kahirap-hirap na iniwasan nya ang akmang pagpapatuok nito at agad nia pinatamaan sa iba't ibang parte ng katawan. Matapos non ay walang ano-ano syang humawak sa railings ng hagdan at matapang na tumalon patungo sa first floor.
Samantala...
Hindi mapakali si Liam habang nakadikit ang tenga sa pinto, pilit nyang pinakikinggan yung mga ingay sa labas dahil kanina pa sya naiintriga. Gusto nyang lumabas pero hindi nya magawa dala ng bilin ni Monica kaya heto sya't nagtitiis na lamang sa pakikinig at pag-i-imagine ng kung anumang nangyayari sa labas.
Ngumiwi yung labi nya nang humina yung ingay at kalabog hanggang sa tuluyan ng tumahimik ang paligid.
Kakamot-kamot sa ulo syang tumayo ng maayos. "Baka nagpaparkour si mon-mon sa hagdan tapos ayaw lang akong isali?" Lalong tumulis yung nguso nya. "Ang damot naman pala talaga ni mon-mon, ayaw masapawan."
Padabog syang naupo sa isa sa mga upuan na katulad nang sa sinehan. Ang tototo nyan ay mukha naman talagang sinehan ang kwartong yon pero pinaliit na version lang. Gusto na nyang pumili ng pelikula para maipalabas sa malaking screen pero hindi nya alam kung saan yung hahagilapin, yung switch nga ng ilaw hindi nya rin makita eh kaya nagtitiis sya sa dilim.
Napaigtad sya mula sa pagkakaupo dahil sa tatlong katok mula sa pinto. Naalala nya si Monica kaya mabilis syang nagtungo sa pinto at walang pagdadalawang isip na binuksan iyon.
Nahinto yung akmang pagbati nya nang tumambad ang isang di kilalang babae imbes na si Monica.
"Hello! So, ikaw pala si Liam." Bati nito tsaka sya buong lakas na itinulak dahilan para mapatumba sya sa sahig.
"S-sino ka?"
"Aaaw~ Ang gwapo mo naman pala." Humahagikgik na sinara nito ang pinto at nilock tsaka sya tinutukan ng baril. "Too bad, the council wants you dead. Ba-bye~"
Kinaway-kawayan sya nito bago kinalabit ang gatilyo. Tila may isip naman ang katawan ni Liam at kusang gumulong patungo sa gilid ng mga upuan.
Nagulat ang babae pero mas lumawak ang ngisi nito sa labi tsaka sinimulang paulanan ng bala yung direksyon ni Liam.
"H'wag ka ng magpasaway at tapusin na natin 'to." Anya bago asar na nagpalit ng magazine.
Bukod kasi sa madilim ay hindi nya maintindihan kung paano nagagawa ng lalaki na umiwas kahit pa tila natatakot ito.
Ang totoo nyan ay nasa isang gilid lang si Liam kung saan tahimik at nine-nerbyos na nagtatago. Hindi nya alam yung gagawin nya. Sa isip-isip nya ay hindi naman sya si Georgia ng ika-anim na utos na may lakas ng loob na manutok ng toygun sa kalaban at malamang naman na wala pa rin syang binatbat sa kalaban kahit na magkaroon pa sya ng toygun.
Sya si Liam Anything na ex-pulubing engot na may amnesia. Asawa ng isang mayaman at importanteng tao na si Monica Saavedra. In short, pabigat lang sya. Isa syang walang kwentang sakit sa ulo na walang ibang alam na gawin kundi galitin ang asawa nyang si Monica.
Tinakpan nya yung bibig nya para di makagawa ng ingay, malapit na kasi sa kinalalagyan nya yung babae.
"Pwede ba? Magpaubaya ka na lang, tutal naman eh mamamatay din si Queen kapag namatay ka. So basically, magkasama pa rin kayong dalawa sa kabilang buhay." Anya nito habang sinisilip ang bawat row ng upuan. "You think mabubuhay sya even though mailigtas ka nya ngayon? There are still people out there who's eager to kill her kaya why not na mauna ka, diba?"