"Pinatawag mo ko boss? May... may ipapagawa ka ba?" Sabay kamot sa ulo ko.
Isang buntong hininga lang ang pinakawalan nya bago dumukot ng kung ano mula sa bulsa nya at inilapag yun sa harap ko.
Isang sira-sirang pvc card, tila isang ID ganon.
"Find everything about Liam's identity. His family background, status, businesses or everything about his previous life. I also want you to investigate about the people who's with him before he got an amnesia."
Umawang yung labi ko. Dumako yung tingin ko doon sa card na may bahid pa ng natuyong dugo at tunaw na halos ang kalahating parte dala ng pagkasunog. Kulay itim ang kulay non na may pula at puting disenyo.
"That's all that he have, B. He has an amnesia for six fuckin years so I want you to know everything about him, even if it's good or bad."
*END OF FLASHBACK*
Yung utos nyang yon rin ang dahilan kung bakit ilang araw na akong hindi nakakasama sa mga lakad nina A, hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong nahahanap na kung anong may kinalaman sa ID ni boss L, hindi rin kasi nagma-match iyon sa kahit anong company ID's na mas lalong nagpapagulo sa isip ko.
Bakit walang ka-match yung card nya sa kahit na anong kumpanya o organisasyon sa bansa? It's either the ID is fake or he's part of something else... maybe an illegal group or organization kaya hindi nagma-match sa mga legal companies yung ID nya.
Yun rin ang dahilan kung bakit kailangan ko yung laptop, yung database na naka-install doon ay naglalaman ng iba't-ibang impormasyon tungkol sa di ordinaryong tao o yung mga taong masasabi mong kinatatakutan at pinangingilagan, kabilang na ang mga mafia, syndicates, elites, councils at iba pang klase ng tao na may illegal na gawain.
Nag-aalinlangan akong hanapin ang pangalan nya doon, pero kailangan kong gawin dahil yun ang utos saken. Tulad nga ng sabi ni bossing, even if it's good or bad.
Nasa sala palang ako nang mapahinto ako nang umalingawngaw ang isang malakas na sigaw, kaya madali kong nilabas ang baril na nakasukbit sa pantalon ko at tumakbo papunta sa pinanggagalingan ng sigaw.
Umawang yung labi ko kasabay ng pagbitaw sa baril nang maabutan ko si boss L na namimilipit sa sakit habang nakahiga sa sahig ng library. Mukhang sobrang sakit dahil halos sabunutan nya yung buhok nya habang nagpapabaling-baling ng higa.
"B-boss!" Lumapit ako at inalalayan syang maupo pero nakapikit lang sya habang sumisigaw.
"Monica! Ang sakit! Ang sakit sakit! Bitawan mo ko!" Sigaw nya tsaka ako itinulak dahilan para mapa-upo ako sa sahig, "Aaaaaaaaarrrrghh!"
Nataranta ako lalo nang mas lalo syang maglililikot kaya nagmamadali kong idinial yung numero ni bossing na agad naman nyang sinagot.
"Bossing! Kailangan mong umuwi dito!"
"What the f**k is it?"
"Si L-liam kasi—"
"What!?" Putol nya sakin kaya kinabahan ako.
"May nangyayari kay boss Liam! H-hindi ko alam ang gagawin ko boss! Nagwawala sya sa sakit!"
"Damn it! How is he?!"
Nabitawan ko yung phone nang marinig ulit ang malakas na sigaw nya, paiba-iba yung pwesto ng katawan nya at putlang-putla na yung labi nya. Hindi ko sya malapitan dahil tinataboy nya lang ako pabalik.
"f**k, B! I'm coming!" Dinig kong sabi ni bossing kasabay ng mga kalabog na naririnig ko sa kabilang linya, sa tingin ko ay tumatakbo si bossing kaya ibinaba ko na yung phone ko.
Sinubukan kong muling lumapit pero tinapik nya lang yung kamay ko, hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o ano dahil nagsisimula ng tumulo yung mga luha nya.
"L-liam, huminahon ka, s-sandali lang..."
"Wag mo kong hawakan! Aaaah! B...bakit....bakit ang sakit sakit?! A-aaaaaargh!"
"M-mawawala rin ang sakit, k-kumalma ka."
"S-si M-monica!? N-nasaan si Monica!? Aaaaah!"
Bahagya akong nagtaka sa paraan ng pagkakabanggit nya ng panalan ni bossing pero hindi ko nalang masyadong pinansin dahil mas naagaw nung pag-agos ng luha nya yung atensyon ko.
"Monica! Monica! Monica!" Paulit-ulit nyang sigaw.
Wala akong magawa kundi ang pagmasdan sya habang pabiling-biling sa pwesto nya. Wala akong alam sa medisina kaya hindi ko alam kung paano sya pakakalmahin, tsaka isa pa ay mukhang napakasakit nga nung nararamdaman nya para magsisigaw sya ng ganyan.
Ilang minuto pa ang lumipas na pinagmamasdan ko lang sya at inaagapan yung susunod nyang kilos, hanggang sa makarinig ako ng malakas na pagharurot at tunog ng pagkaskas ng gulong mula sa labas. Agad akong tumayo para sumilip sa pinto kung saan tumambad saken si bossing monica na tumatakbo kahit naka-heels.
Nilagpasan nya ako tsaka mabilis na dumiretso sa pwesto ni boss L at lumuhod. Hinawakan nya yung kamay nito at iniyakap sa bewang nya habang si boss L naman ay pilit pa ring naglulumikot habang iniinda yung kanina pang masakit sa kanya.
"Where?! Where does it hurts?! Tell me!" Natatarantang sabi ni bossing habang hinahanap kung nasaan ang masakit rito, naka-unan sa hita nya yung ulo ng asawa.
"Monica... Ang sakit... Ang sakit sakit neto..." Itinuro nya yung ulo nya, "Ang sakit... Monica... Hindi ko kaya... Ang sakit sakit..." Sumubsob sa bewang ni bossing yung ulo ni boss L habang nakakapit ng mahigpit sa bewang nya.
Nagitla naman ako nang niyakap sya ni bossing pabalik habang marahang hinahaplos yung ulo nya at tila ba isang mahika ay kusang kumalma at tumahan ni Liam.
"Shhhh... Calm down, it's okay now. Everything's gonna be alright. I'm here now. I'm not leaving you." Pinunasan nya ang luha neto bago niyakap ulit, "I'll stay with you no matter what happens." Saad nya habang patuloy na hinahaplos ang ulo ni boss liam na parang batang pinapatahan.
At doon ko napagtanto habang pinagmamasdan silang dalawa na sa loob ng ilan taon kong paninilbihan kay bossing, ito pa lang ang pangalawang pagkakataon na nakita kong bumakas ang pag-aalala sa mukha nya na may halong takot at kaba.
(Monica's POV)
I immediately entered Liam's room after changing my clothes into a simple shirt and jogging pants. Sakto namang katatayo lang ng doktor mula sa pagkakaupo sa upuan, I think he's about to call me when I already came in.
"He's okay now konting pahinga lang at babalik na sa dati yung lagay nya. Mas maganda kung hindi muna sya mag-iisip ng ikaka-stress nya." Saad ng doktor sakin pero wala sa kanya yung tingin ko.
I'm looking at Liam whose sleeping peacefully in his bed, covered by the thick blanket. This idiot, kung titingnan mo ay parang wala lang nangyari sa kanya dahil sa lakas nyang maghilik.
I just shook my head.
"Is there a possibility that he gained back his memories?" Nilingon ko ang doktor, "I saw him lying on the floor while screaming in pain, he said that his head hurts so much. Does it mean that he gain his lost memories?"
Napaisip ng ilang minuto ang doktor bago bumuntong hininga.
Kaming tatlo lang ang narito sa mansyon, I told B to leave and do her task. I need her response immediately about the task that I'm asking her to do.
"You said that he had an amnesia for six years and in those years he didn't even have any clue about his real identity kaya tatapatin na kita Ms. Saavedra—"
"It's Mrs. Anything." Umubo ako para mawala ang kung anong nakabara sa lalamunan ko, "We're married, So... call me Mrs. Anything." Namumula kong sagot.
Natulala saglit ang doktor kaya sinamaan ko sya ng tingin, mabilis naman syang bumalik sa focus at umubo-ubo pa kunwari. Tss.
Subukan nya lang tumawa.
He did a fake cough. "So, Mrs. Anything, nasaan na nga ba tayo—Ah! So as I was saying, tatapatin na kita. Matagal-tagal pa bago bumalik ang alaala nya, I think he suffered from some traumatic experience kaya ganyan nalang ang reaksyon nya."
I frowned. "Do you mean painful past?"
"Yes. Maaring meron syang matinding karanasan na pwedeng nakaramdam sya ng galit, poot o pwede ring kalungkutan bago sya maaksidente o mawalan ng memorya. Base na rin sa kwento mo kung paano sya magreact sa sakit na naramdaman nya sa ulo nya kanina, mukhang hindi pa babalik ang alaala nya."
My eyes went back on Liam—whose now facing the bed while hugging those pillows around him, wala na yung kumot sa katawan nya at nakabuka ang mga paa na tila isang palaka.
Worst of all, his mouth is hanging open! May tumutulong laway sa gilid ng labi nya!
Yuck.
"Then how about the pain that he felt earlier? Why did it happened so suddenly?"
"Anim na taon syang walang maalala, maybe he saw something related to his past that triggered his head ache." Nangunot yung noo ko dahil sa sinabi nya.
Familiar? Here? In my mansion? I saw him in the library, meaning he saw something familiar to him on my library? Then what the f**k is it?!
"So you're saying that... I should prevent him from seeing familiar things about his past in order to avoid severe headache?"
"No, that's not it. Hindi maiiwasan na bigla syang makakita ng mga bagay o tao na makakapagpaalala sa kanya ng nakaraan nya. All you have to do is to observe him and stay with him because his past must be really painful for him that causes a painful headache too." Nag-iwas sya ng tingin bago nagpatuloy ng sasabihin, "And also, his emotions in the past might affect his future actions."
Emotions... might affect his future actions...?
"Mon-mon?"
Napabaling yung tingin ko kay Liam na syang tumawag sakin. He's now sitting on the bed while still hugging one of his pillows while his other hand is rubbing his eye.
I walked towards his direction and sat beside him.
"How do you feel?"
Liam just stared at me for several seconds before pouting his lips that made me frowned.
Anong kalokohan nanaman kaya yung tumatakbo sa isip neto?
"Inaantok lang ako mon-mon, ayos naman yung pakiramdam ko." Nilingon nya yung doktor, "Doktor pala yung papa mo mon-mon? Bakit mas gwapo sya dun sa family picture nyo kesa sa personal? May filter yung picture nyo noh?"
Wtf is he saying again?
"He's not my father, you idiot. He's a doctor."
"Eh bakit sya nandito? May sakit ka ba—" His words cut midway as he began staring at me weirdly, then he covered his body with the blanket, "Wag mong sabihing..."
"What?" Ismid ko.
He alternately looked on both of our bodies before began crying, "Wag mong sabihing buntis ka mon-mon?! Waaaah! Kaya siguro may doktor dito! Huhuhu may nangyare na ba satin mon-mon? Kaya ba kagigising ko lang? Paano mo pinasok sayo? Nasaktan ba kita? Bakit wala akong matandaan? Kanina lang ba natin ginawa?! Nasan ang dugo? Huhuhu ambilis namang mabuo ni baby!" Naglulupasay na sabi nya.
The doctor let out a hard laugh while my face immediately blushed. What the f**k is he saying!? The audacity of ths guy to say those disgusting things!? Ugh!
Tumalon sya pababa sa kama tsaka lumapit sa doktor, Liam leaned on him and began whispering which is fuckin useless since I can still hear him! Tanga talaga!
"Doc? Ilang seconds na po ba yung baby namen? Lalaki po ba o babae? Pag lalake ang baby ni mon-mon gusto kong pangalan eh Liam junior tapos pag babae naman Mon-mon junior—" Nahinto sya ng batukan ko sya, "Waaaaah! Bakit ka nambabatok mon-mon!? Ang sakit mong mambatok!"
I glared at him while he's scratching his fuckin empty head!
"I'm not pregnant!" Hinatak ko yung tenga nya, "At hindi pwedeng maging junior ang babae!"
"A-a-aray mon-mon! Huhuhu bakit mo ba ko sinasaktan ng ganito mon-mon? Huhuhu yung tenga ko!"
Dali-dali syang tumakbo patungo sa likod nung daktor para magtago matapos kong bitawan yung tenga nya. Tss!
"Doc oh! Bakit ganyan si mon-mon? Bakit nananakit sya? Huhuhu salbahe sya doc!" Bumulong bulong ulit sya kay doc, "Minsan nga doc ang weird kausap nyang si mon-mon, alam nya sigurong alam kong sya na talaga ang papatay kay Cardo kaya ganyan nalang sya kung magreact."
Nagtiim yung bagang ko dahil sa inis. What?! So I'm the weird now!? This stupid freak!
I just shut my eyes and sighed. It's useless to be mad at him, masi-stress lang ako lalo.
The doctor cleared his throat before glancing at me with a teasing smile. "Mrs. Anything, I think your husband is fine now. I should take my leave." He stood up and nodded. "Please don't forget what I've said earlier." Tsaka sya tuluyang lumabas.
"Ba-bye doc~" Liam said while waving his hand as he peek on the door.
Ismid ang mga labing napaupo ako sa kama tsaka pinagmasdan sya.
He looks fine. Unlike earlier na namimilipit sya sa sobrang sakit to the point that he can't hold back his tears. He really looked miserable.
"Anong iniisip mo mon-mon?" Malambing nyang anya.
Bahagya akong napaigtad dahil hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala sya at ilang segundo nang nakatitig saken. He looks confused, that's why I can't help but to heave a sigh again.
"Nothing," I faked a cough before continue talking, "How do you feel? Is your head aching again?"
"Huh? Anong pinagsasabi mo mon-mon?"
Napalingon ako sa kanya. What am I saying?
"You don't know what I'm saying?" Tinaasan ko sya ng kilay, "Tinatanong ko kung ayos na ba ang pakiramdam mo."
Kinapa-kapa nya yung noo nya sabay takang tumitig ulit saken. "Pero wala naman akong sakit mon-mon."
"You don't remember anything, don't you?"
He looked at me with confusion. "May amnesia ako diba mon-mon?"
"No! Not about your past, you dimwit! I'm asking about what happened earlier in the library."
I cleared my throat when his face suddenly changed into a serious one, there's also a suddne change in the atmosphere. The air became heavier and uneasy, as if the next thing that he's going to say is a matter between life and death.
"Mon-mon..." He called in a dead and boring tone. "Kanina noong pumasok ako sa library, binuksan ko yung pinto tapos..."
He stopped and heaved a sigh as if he's having a hard time saying whatever he's gonna say. "M-may... may naalala ako bigla."
Lumunok ako tsaka bahagyang lumapit sa kanya. "What? What is it? Ano yung naalala mo?"
"Naalala ko na..."
"Na?"
His dark brown eyes are staring at me deeply. He looked so different, gone the childish vibes and funny expressions replaced by the dark and serious ones.
"Damn Liam, naalala mo ang ano?"
"Naalala kong hindi pa pala ako nagtanghalian." His eyes suddenly got teary before holding my hands. "Tara sa kusina mon-mon! Hapon na oh? Nagugutom na ko! Kain ka rin mon-mon ah? Para sabay tayo yieeeeeh~"
My jaw dropped out of disappointment and shock, still cannot believe that he got me there. This damn idiot is really getting on my nerves!
"You asshole—" My words were cut when he began pulling me out of the room. "Wait, you fucker don't pull me—LIAM!"
(Lanie's POV)
HALOS madapa na ako dala ng sobrang pagmamadali sa paglalakad patungo sa opisina ni Miss Monica. Sandamakmak na folder at papers ang bitbit ko pero alam kong madadagdagan pa yon kinabukasan, nakapatong doon ang bagong gawang nameplate nya. She's now married kaya pinapalitan na nya yung name plate nya since iba na rin yung surname nya.
She left early this day, she said it's an emergency kaya wala akong choice kundi ang akuin lahat ng naiwan nyang trabaho. I'm actually shock, si Miss Monica yung tipo ng tao na hindi basta-basta iiwan ang trabaho pero mukhang unti-unti na yong magbabago. She's cold, ruthless and deadly. I'm afraid of her—actually lahat naman kaming mga empleyado nya except for her agents na tila ba walang takot na inisin sya.
Pinihit ko yung seradura ng pinto at humakbang papasok para lang mapahinto nang makita ang pamilyar na bulto ng lalake. He's wearing an elegant suit, nakatalikod sya habang ang isang kamay ay nakapamulsa at ang kabila'y nakahawak sa lumang name plate ni Miss Monica.
"S-sir Kian." Utal kong anya dahilan para mapalingon sya.
"Hello, Lanie." He smiled wickedly before putting down the old name plate on the table and waved his hand. "Long time no see."
I cleared my throat and took a step back out of nervousness. Nagsimula na ring kumalat yung takot sa sistema ko kahit na hindi naman sya lumalapit sakin.
Oh gosh. This is bad, really, really bad.
The most dangerous guy in the Underground Society. He's back and he's here. He's right in front of me! Oh goodness! I can do some self defense but if he's my opponent I'm surely gonna die!
Tila nagkakarerahan sa bilis ng t***k yung puso ko. I want to run but I can't, it'll make me suspicious in his eyes at baka kung ano pa ang gawin nya sa akin kapag ginawa ko yon.
"I just got back from Paris, New york. You know, a little vacation. I was missing in action for a month yet I decided to pay your boss a visit instead of going straight to my office but..." He shrugged as he began walking towards my direction. "I think she's out to grab a snack or something?" He chuckled at that thought as if he remembered something funny, then he stopped right in front of me. "Anyway, what time will she come back?"
Natigilan ako dahil sa tanong nya tsaka sunod-sunod na napalunok. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sumagot.
"My apologies, Sir Kian but the CEO already went home at exactly two O'clock in the afternoon."
He pursed his lips as he frowned. Both of his hands slid inside of his pocket before tilting his head. He looked amused and annoyed at the same time.
"Went home?" Ismid nya. "As in, she's done working for today?"
"Yes."
"Really? Hmn..." Mahina syang natawa bago umiling-iling. "My Monica is a workaholic type of person, how come na umuwi sya ng maaga?"
"Miss Monica said she had an emergency to attend." I said, trying to compose myself.
"Emergency, huh?" Tatango-tangong anya bago napatingin sa new name plate na nakapatong sa bitbit kong mga papeles. His face got darken and lips turned into a lopsided grin, nagtatagis ang mga ngipin nya. "Oh now I think I know why." Bumalik saken yung tingin nya. "Keep my arrival as a secret, Lanie. I would like to surprise your boss, is it okay to you?"
"Y-yes, Sir kian." Takot kong anya.
He just nodded but the dark aura surrounding him didn't vanished, mas lalo lang nadagdagan yung nakakatakot nyang presensya kaya naman nang lagpasan nya ako ay dali-dali akong napasandal sa pader para alalayan ang sarili na huwag matumba. My knees weakened because of my contained fear.
Damn it. He's back. The Mafia king is back and the Queen needs to know.
(Third Person's POV)
"Mix the rice, you moron—"
"Mon-mon naman eh!" Putol ni Liam sa sasabihin nya. "Marunong akong magluto ng sinangag! Anong tingin mo sakin? Engot na hindi marunong magluto?"
"Yes." Mabilis na sagot ni Monica kaya tumulis ng husto yung nguso nya.
Nakatayo sya sa tapat ng electronic stove habang may nakasalang na kawali kung nasaan yung sinangag. Suot nya ang isang baby pink na apron at nakataas ang hood ng onesie.
Sa island counter naman nakapwesto si Monica. Prenteng nakatayo't nakasandal ang balakang sa marmol na counter habang ang mga braso ay naka-ekis sa ilalim ng dibdib. Pinagmamasdan nya yung engot na asawa kung ano ang sunod na katangahan na gagawin neto.
"The rice, idiot, the rice." Paalala nya nang makitang nakatitig lang si Liam doon. "Mix the f*****g rice."
"Weyt! Weyt! Weeeyt! Pwedeng weyt!?"
"You're not mixing it, dumbass! Nakatitig ka lang! You think kusang maghahalo yang sinangag!? Mix it with your fuckin hand, was that really hard to do!?"
"Weyt nga—"
"Engot! Puro ka wait-wait—do it properly! Puro ka yabang! Tss."
Nameywang si Liam tsaka hinarap ulit ang asawa na kanina pa hindi maipinta ang mukha. "Teka nga mon-mon kanina pa kita napapansin panay ka engot ng engot sakin ah! Pinagmumukha mo na talaga kong engot nyan eh!"
"Natural kang engot kahit hindi kita tawagin engot, okay? So either I call you engot or not still, you're an engot."
"Nakakainis ka mon-mon! Hindi ka man lang magpanggap na hindi ako engot. Payag naman ako kahit uto-utuin mo lang ako eh. Nagsisikap akong maging perfect husband para sayo mon-mon kaya sana naman makisama ka man lang. Hmp." Nagtatampong anya tsaka sinimulang haluin yung kanin sa kawali.
"You mean, you want me to be a fuckin liar just to comfort you? No, thank you." Sarkastikong sabi nya at kumuha sya ng mansanas sa gilid ng counter. "And for your fuckin information, nobody asked you to be a responsible and perfect husband so stop pretending like one." Anya sabay kagat sa mansanas.
Bumuga ng hangin si Liam bago pinatay yung kalan at inilipat ang sinangag sa bandehado bago inilapag sa island counter.
"Hindi naman sa ganun mon-mon." Hinubad nya yung apron at naupo sa mataas na upuan katapat ng counter. "Sasakyan mo lang naman yung pagiging 'Perfect Husband' kuno ko, tutal naman eh asawa kita diba mon-mon? Sabi mo pa nga diba umarte akong parang tunay mong asawa?"
Naupo rin si Monica kaharap ni Liam, nilapag nya yung mansanas sa isang platito tsaka pinanood ang lalake. Sinandukan sya neto ng kanina tsaka nilagyan ng ulam na ikinatigil nya saglit bago pinahinto ang lalaki.
"It's better being slapped by the truth rather than to be comforted with lies." Sambit nya tsaka dinampot ang kubyertos. "That's why I'm slapping you with the truth on how stupid you are."
Ngumisi sya tsaka sinimulang kumain na ikinasimangot naman ni Liam. Sinimulan na rin nyang kumain pero pagdamping-pagdampi palang ng kanin sa dila nya ay halos isuka na nya pati atay at bituka nya dahil sa sobrang alat neto. Dahil doon ay agad syang tumayo at tumakbo para iluwa yon sa lababo.
"Pwe! Ang pangit ng lasa!" Nilingon nya ang babae tsaka nanlaki ang mata nang makitang patuloy lang ito sa pagkain. "Mon-mon waaag!"
Taka itong nag-angat ng tingin. "What? Ikaw naman ang buntis ngayon? Sinong ina nyan?" Pagbibiro nya.
Pero hindi yun nakuha ng asawa nya dahil lumapit ito sa kanya at kinuha yung pinggan na kinakainan nya, dahilan para magpakawala sya ng malalim na buntong hininga.
"Hindi mo ba nalalasahan mon-mon? Ang alat kaya!" Takang tanong nito na ikinangiwi ng babae bago nag-iwas ng tingin at nagsalin ng tubig sa baso para uminom. "Waaaah! Mon-mooon! B-bakit hindi mo ko sagutin? May sakit ka ba mon-mon? Mamamatay ka na ba mon-mon!?"
Sinimangutan nya ang lalake. "Moron, can't we eat quietly? My ears are damn hurt because of you."
"Hindeee! Wag na nating kainin to!" Sabay takbo sa basurahan at walang sabi-sabing itinapon yon. Sumama lalo yung mukha ng asawa nya pero nang harapin nya ito habang nakasimangot ay bumuntong hininga nalang si Minca na tila wala ng magagawa pa.
"Ang alat-alat nun mon-mon pero kinanin mo pa rin!"
"Para kang babae, ang hirap mong intindihin." Tumayo si Monica habang kagat-kagat ang hotdog.
Sambakol pa rin ang mukhang lumapit si Liam tsaka pinagtutusok yung natirang mga ulam at isinalpak sa bunganga.
"Sabi ko nga suporta!" Ani nya matapos ngumuya. "Hindi naman kasi suporta ginawa mo mon-mon eh, pagpapanggap yun!" Nagdadabog pang sabi nya habang nakasunod kay Monica na nakangiwi lang. "Alam mo namang sobrang alat, kinain mo pa rin! Hindi ka nga nagsinungaling para gumaan yung loob ko, nagpanggap ka naman!" Mukha syang batang hindi pinagbigyan sa gusto nyang mangyare dahil naka-ekis pa yung mga braso nya.
Huminto si Monica mula sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa lalake habang nakakunot ang noo.
"I'm pretending?"
"Oo." Lumapit si Liam hanggang sa magkatapat silang pareho.
Bahagyang nakatingala ang babae sa kanya dahil mas matangkad sya ng ilang pulgada dito, umaabot lang sa baba nya yung tangkad ni Monica.
Humalukipkip rin ito kagaya nya tsaka sya tinapunan ng napakasamang tingin, dahilan para mapalunok si Liam.
"Then tell me." Taas noong panghahamon nya. "How can I support you from your 'Responsible and perfect husband mission' without even pretending?"
Sumilay ang ngiti sa labi ni Liam tsaka humawak sa magkabilang kamay ni Monica na ikinagulat naman nito.
"Okay!"
(Liam's POV)
"Ayan na! Ayan na! Waaaaah! Madaya! Madaya! Nananapak ka eh! Waaaaah!" Pinagpipindot-pindot ko yung joystic habang tutok ang mga mata sa flatscreen TV nya.
"What?! I'm not fuckin cheating!" Natatawang depensa ni mon-mon. "That's damn normal, we're playing Street fighter! They're fighting! Fighting includes punching!"
Nanggigigil na ko sa joystick pero bandang huli ay na-K.O. pa rin yung character ko habang sya naman ay tawa ng tawa. Nginusuan ko sya dahil doon, ramdam ko rin yung pamamasa ng sulok ng mga mata ko. Paanong hindi? Pang-labing limang talo ko na yun kay mon-mon! Bukod pa doon yung ibang games na nilaro namin kanina, talo ako lahat! Waaaaah! Huhuhu! Ako nag-ayang maglaro eh! Maduga! Huhuhuhu!
Tawa pa rin sya ng tawa nang lumingon sya sakin na ikinatulis ng nguso ko.
"What's with your face?"
"Weeeeeeeeee! Madaya ka mon-mon! Kanina mo pa ko dinuduga eh! Sa umpisa eh pananalunin mo ko tapos biglang buburutin mo na ko! Binuburot mo ko mon-mon, madaya ka!" Nagdadabog akong umisod palayo sa tabi nya dito sa sofa ng gaming room nya.
Imbes na suyuin ako eh mas nilakasan pa nya yung tawa nya kaya hindi ko mapigilang hindi lumingon sa kanya. Iyang tawa nya hindi na natapos-tapos, kulang nalang i-utot nya yang tawa nya. Naiinis na nga ako kasi kanina pa sya ganyan pero naisip ko rin na mas mabuti ng tumatawa sya kesa naman nagagalit. Hehehe! Ang ganda-ganda kasi nya kapag masaya, kapag galit parang toro.
Nang mahinto na sya sa kakatawa ay tumayo sya tsaka iniunat ang mga braso sa ere habang nakangiti sakin. Umawang tuloy yung labi ko dahil tila nagbibigay liwanag sa paligid yung ngiti nyang iyon.
Waaaah! Ang ganda talaga!
Pinatay nya yung TV at hinagis sa tabi ko yung remote nun sabay nameywang.
"Wanna play again?" Yaya nya dahilan para yung mauwi sa pagkakangiwi yung nakaawang kong labi.
"Ayaw!" Irap ko sabay tinalikuran sya. "Dinadaya mo lang ako mon-mon."
Tumawa sya. "Do you want me to teach you on how to play a guitar?"
GUITAR?!
"Gitara ba mon-mon!?" Harap ko sa kanya. Ramdam kong nangingislap yung mata ko sa pagkasabik.
Natatawa syang tumango bago inilahad ang isang kamay. Suminghap muna ako bago hinawakan yung kamay nya.
"Yeah, dumbass." Irap nya pero nakangiti pa rin. "Guitar as in gitara in tagalog, what else could it be?" Dagdag pa nya tsaka ako hinila patayo at hawak kamay kaming naglakad palabas ng gaming room.
Napatitig ako sa kamay naming magkahawak tsaka nag-init yung buong mukha. Ang lambot ng kamay ni mon-mon! Eto na ba yung naririnig ko sa mga kabataan na HHWW? Nung pulubi pa kasi ako kapag may dumadaang mga estudyante sa harap ko eh lagi nilang pinag-uusapan yung HHWW! Holding hands while walking!
Hihihi~ Crush ko na yata si mon-mon kasi kinikilig ako! BWAHAHAHA! Ang swerte-swerte ko naman ka-holding hands ko yung crush ko. Kaso nakakahiya, pasmado yung kamay ko! Hihihi!
Umakyat kame sa third floor ng mansyon at huminto sa tapat ng isang puting pinto. Pinihit nya yung seradura at talaga namang ikinamangha ko yung loob nun.
"Wow. Ang ganda naman dito mon-mon."
Puro instrumento yung laman non pero nakatakip ng mga puting tela. May malaking puting piano sa pinakagitna tapos may iba't ibang mga gitara sa gilid bilang display. Sa gitna rin ng kwarto ay may malawak na balkonahe kaya nasisigurado kong pwedeng mapanood ang pagsikat at paglubog ng araw.
"This room is called 'studio' even though it's more like a music room." Mahinang anya.
Isinara nya yung pinto matapos nya akong hilahin papasok, dumiretso sya sa mga gitarang nakadisplay tsaka kinuha ang isa doon na kulay itim tsaka ako muling hinatak patungo sa balkonahe para magkatabing maupo.
"Here hold this."
Inabot nya saken yung gitara na agad ko namang kinuha at ipinwesto. Alam ko naman kung paano hawakan yun dahil nakikita ko naman sa TV.
"Ganito mon-mon diba?"
"Yes, it's called neck." Hinawakan nya yung kaliwa kong kamay at inilagay sa pinakakatawan ng gitara. "Then this is the body."
Di ko tuloy maiwasang mapatingin sa kanya habang namumula, para kasi kaming magkayakap.
"Good. Now I'll teach you the basics. First, A major." Pinwesto nya yung kanang kamay ko sa bandang dulo ng neck ng gitara, idiniin ko yung tatlong daliri ko sa string. "Then strum it—wait wag dyan sa dulong-dulo," Inadjust nya yung kamay ko. "There, now strum it."
Nakangiti kong ginawa yung inuutos nya habang sya naman ay nakamasid lang. Hindi sya nakangiti pero hindi rin naman sya seryosos o nakakatakot tingnan kaya panatag ako.
"Next, D major."
***
"Practice more often and you'll be able to play it like a pro."
"Talaga mon-mon?" Pumalakpak ako dahil sa tuwa habang tumango-tango naman sya.
Medyo madali lang yung itinuro nya sakin kaya hindi ako masyadong nahirapan, ilang oras ang naubos namin ng dahil lang doon pero sa tingin ko ay nag-enjoy naman sya. Kanina ko pa kasi napapansin na patawa-tawa lang sya tsaka pangiti-ngiti.
Nakaupo pa rin sya sa gilid ng haligi ng balkonahe habang ako naman ay hinayaan nyang gawing unan yung hita nya. Hinahaplos haplos nya rin yung buhok ko, dinadama yata kung shampoo o sabon yung ginamit ko sa buhok ko. Magkasama naming pinapanood yung pagbaba ng araw habang dinadama yung malamig na simoy ng hangin. Ang sweet-sweet nga naming tingnan ih! Hihihihi~
"By the way, Liam." Agaw nya sa atensyon kaya tiningala ko sya. "Don't you really remember what happened earlier? I found you unconscious on the library.
Eh? Ako? Natutulog sa library?
Pinikit ko yung mga mata ko para alalahanin kung ano nga bang nangyare sakin sa library.
'Pumasok ako sa library tapos nilibot yung tingin ko. Nakita ko yung malaki nilang frame tapos pinakatitigan hanggang sa mapansin ko yung katabing lalaki ni mon-mon at...'